Mateo 5:12 - Devotional Verses With Reflection Tagalog
Bible Verse of the Day Tagalog
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Ang talatang ito ay naglalaman ng intensyon ng Panginoon at Kanyang pangako sa sinumang sumusunod sa Kanya. mapa ito’y mga santo sa nakaraang kapanahunan o Ang mga Kristiyano sa kasalukuyan, lahat sila ay nakararanas ng pag-uusig. Mayroong isang bagay na dapat nating malaman: Pagpalain ang mga yaong naniniwala nagdurusa sa diskriminasyon, pang-aabuso, pangungutya, at pati na rin sa panguusig at paghihirap sa buhay para sa paniniwala sa Diyos. Hindi dapat tayo makaramdam ng pagka-agrabyado, at mas mababa na ating pagdudahan ang daan ng Diyos at ang Kanyang gawain dahil sa Pag-uusig. Sa halip, tayo ay dapat magalak at lubhang matuwa, sapagkat tayo ay pinagpala at ang ating gantimpala na binigay ng Diyos ay mas malaki. ang pag-uusig na ating pinagdurusahan ay mas higit na patunay na ang ating pinaniniwalaan ay ang Tunay na Diyos at ang ating pinanghahawakan ay ang Tunay na Daan. Tulad ng sinabi ng Diyos, “Sa inyong kalagitnaan, wala ni isang tao ang nakakatanggap ng pag-iingat ng batas; sa halip, kayo ay pinarurusahan ng batas, at ang mas mahirap ay walang taong nakakaunawa sa inyo, maging ito man ay inyong mga kamag-anak, inyong mga magulang, inyong mga kaibigan, o inyong mga kasamahan. Walang nakakaunawa sa inyo. Kapag kayo ay tinatanggihan ng Diyos, walang paraan para ikaw ay magpatuloy na mabuhay sa lupa. Gayunpaman, kahit ganoon, hindi kayang iwan ng mga tao ang Diyos; ito ang kahalagahan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at ito ang kaluwalhatian ng Diyos.” “Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang maluwalhati sa kalagitnaan ng mga Fariseong nang-uusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pang-uusig na iyon at sa pagkakanulo ni Judas, hindi sana napagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, lalong hindi sana naipako sa krus, at sa gayon hindi sana Siya kailanman nagkamit ng kaluwalhatian.” Ang mga salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na ang karunungan ng Diyos ay ginagawa base sa mga pakana ni Satanas. Sa panlabas, ang Panginoong Jesus ay nahaharap sa napakalaking pag-uusig at kapighatian, ngunit ito ang naaangkop na na mga bagay na kung saan ay kukumpleto sa plano ng Diyos upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Sa huli, siya ay ipinako sa krus at natubos tayong makasalanan. Ngayong mga araw, tayo rin ay umaani ng tunay na benepisyo mula sa pag-uusig at kapighatian. ang ating paniniwala sa Diyos ay lumago, at ang ating hangarin na mapaluguran ang Diyos at tumayo bilang saksi para sa Kanya ay ngayo’y mas matatag. Gayunpaman, ang pagamit ng Diyos ng pag-uusig at kapighatian upang painitin at gawuin tayong perpekto ay may mas mataas na kahalagahan. Ito ang bagay na dapat bawat isang Kristiyano ay maintindihan.