Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob: Kabanata 19" | Sipi 581

252 2020-09-24

Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang lahat sa loob ng sansinukob.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit ng Mga Mananagumpay


Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo. Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao. Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos. Lumalakad ang Diyos at namumuhay kasama ng Kanyang bayan. Ang tunay na nagmamahal sa Diyos, sila'y kahanga-hangang pinagpapala! Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos. Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian. Mapalad ang kumikilala sa Diyos. Kanyang ibibigay kapangyarihan ng kaharian. Mapalad ang naghahanap sa Kanya. Sila'y makakalaya mula kay Satanas. Sa lahat ng tumalikod sa sarili, kayamanan ng kaharia'y tiyak makakamit. Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Nya'ng gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw niyong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas!


Natanggap niyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Niyang gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw niyong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas! Sa pagbagsak ng malaking dragon, kayo'y kapansin-pansin, at magpapatotoo sa tagumpay ng Diyos. Sa lupain ng Sinim, magiging malakas at matatag, pagpapala ng Diyos ay manahin kapalit ng mga pagdurusa. Makikita sa inyo ng daigdig ang kaluwalhatian ng Diyos! Natanggap niyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Nya'ng gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw niyong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon