Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 585

1,230 2020-10-30

Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawa’t tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawa’t tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko. Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawa’t tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat mong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinarusahan ay pinarusahan nang gayon dahil sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa. Wala Akong nagawang isa mang pagbabago sa plano Ko mula noong sinimulan ito. Kaya lamang, pagdating sa tao, yaong mga sinasabihan Ko ng mga salita Ko ay tila nababawasan ang bilang, gaya rin ng mga tunay Kong kinasisiyahan. Gayunman, sinasabi ko na ang plano Ko ay hindi kailanman nagbago; sa halip, ang pananampalataya at pag-ibig ng tao ang laging nagbabago, laging nababawasan, hanggang sa punto na posible para sa bawa’t tao na mapunta mula sa pagsunud-sunod sa Akin tungo sa pagiging malamig sa Akin o maging pagwawaksi sa Akin. Hindi Ako magiging mainit o malamig sa inyo, hanggang sa masuklam at mapoot Ako, at sa katapusan ay magpataw ng kaparusahan. Gayunman, sa araw ng inyong kaparusahan, makikita Ko pa rin kayo, pero hindi na ninyo Ako makikita. Dahil ang pakikisama sa inyo ay naging nakakapagod at nakakabagot sa Akin, kaya, sabihin pa, pumili ako ng iba’t ibang kapaligiran na titirahan, mas mabuti para iwasan ang sakit ng inyong malisyosong mga pananalita at iwasan ang inyong labis na maruming ugali, upang hindi na ninyo ako maloko o tratuhin nang basta-basta lamang. Bago Ko kayo iwan, hinihikayat ko kayong tumigil sa paggawa niyaong hindi ayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin yaong nakakalugod sa lahat, na nagdadala ng benepisyo sa lahat ng tao, at yaong may pakinabang sa sarili mong patutunguhan, kung hindi ang magdurusa sa gitna ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Mag-iwan ng Tugon