Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos" | Sipi 102

833 2020-08-22

Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay hindi tinapos ang pagkakatawang-tao; tinupad lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na kinakailangan para sa Diyos na gawin sa laman. Kaya, upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao, ang Diyos ay bumalik sa laman sa isa pang pagkakataon, isinasabuhay ang lahat ng pagiging-karaniwan at katotohanan ng laman, ibig sabihin, ginagawa ang Salita ng Diyos na hayag sa lubusang normal at ordinaryong laman, sa gayon ay tinapos ang gawain na Kanyang iniwan na hindi natapos sa laman. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay katulad ng una sa kakanyahan, nguni’t ito ay mas makatotohanan, mas normal kaysa una. Bilang isang kinahinatnan, ang paghihirap na tiniis ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas higit kaysa roon sa una, nguni’t ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa laman, na iba sa mga paghihirap ng tiniwaling tao. Ito rin ay nagmula sa pagiging-karaniwan at katotohanan ng Kanyang laman. Dahil ginagampanan Niya ang ministeryo sa lubos na normal at totoong laman, ang laman ay dapat magtiis ng higit na matinding paghihirap. Habang mas normal at totoo ang laman, mas higit Siyang magdurusa sa pagganap ng Kanyang ministeryo. Ang Diyos ay kumikilos sa napaka-pangkaraniwang laman, isa na kailanma’y hindi higit-sa-karaniwan. Dahil ang Kanyang laman ay normal at dapat ding pasanin ang gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ay nagdurusa nang mas matindi pa sa higit-sa-karaniwang laman—ang lahat ng pagdurusang ito ay nagmula sa realidad at normalidad ng Kanyang laman. Mula sa pinagdaanang paghihirap ng dalawang nagkatawang-taong laman na habang gumaganap sa Kanilang mga ministeryo, makikita ng isa ang kakanyahan ng nagkatawang-taong laman. Habang mas normal ang laman, mas higit na kahirapan ang Kanyang dapat tiisin habang gumaganap ng gawain; habang mas totoo ang laman na gumaganap ng gawain, mas masaklap ang mga nagiging paniwala ng tao, at mas maraming panganib ang maaaring mangyari sa Kanya. At gayon pa man, habang mas tunay ang laman, at habang ang laman ay mas higit na nagtataglay ng mga pangangailangan at ganap na pakiramdam ng isang karaniwang tao, ay mas may kakayahan Siya na gampanan ang gawain ng Diyos sa laman. Laman ni Jesus ang siyang ipinako sa krus, ang Kanyang laman na isinuko Niya bilang alay para sa kasalanan; ito’y sa pamamagitan ng laman na may karaniwang pagkatao na tinalo Niya si Satanas at ganap na nailigtas ang tao mula sa krus. At ito ay bilang isang ganap na laman na ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay gumaganap ng mapanlupig na gawa at tinatalo si Satanas. Tanging ang laman na ganap na karaniwan at totoo ang makagaganap ng mapanlupig na gawain sa kabuuan nito at gumawa ng malakas na patotoo. Iyon ay upang sabihin, ang gawain ng mapanlupig na tao ay ginawang epektibo sa pamamagitan ng katotohanan at pagiging-karaniwan ng Diyos sa laman, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at mga pagbubunyag. Ang ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos na ito ay upang magsalita, at sa gayong paraan ay lupigin at gawing perpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naging totoo sa laman, ang tungkulin ng laman, ay magsalita at sa gayong paraan ay lupigin, ibunyag, gawing perpekto, at alisin nang ganap ang tao. At sa gayon, nasa mapanlupig na gawain kung saan matatapos nang buo ang gawain ng Diyos sa laman. Ang unang pantubos na gawain ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; ang laman na siyang gumagawa ng mapanlupig na gawain ay tatapusin ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa’y babae; sa ganito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay natapos na. Inaalis nito ang maling mga pagkaintindi ng tao sa Diyos: ang Diyos ay maaaring maging lalaki at babae, at ang nagkatawang-taong Diyos sa kakanyahan ay walang kasarian. Ginawa ng Diyos ang parehong lalaki at babae, at hindi Niya pinag-iiba ang mga kasarian. Sa yugtong ito ng gawain ang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, upang makamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Bukod dito, sa pagkakataong ito ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi upang pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang likas na abilidad na taglay nitong nagkatawang-taong laman ng Diyos ay sambitin ang mga salita at lupigin ang tao, hindi para pagalingin at palayasin ang mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa karaniwang pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga milagro, hindi magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, at sa gayon ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas mukhang karaniwan sa mga tao kaysa roon sa una. Nakikita ng mga tao na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kasinungalingan; subali’t itong nagkatawang-taong Diyos ay iba sa nagkatawang-taong si Jesus, at kahit Sila’y parehong nagkatawang-taong Diyos, Sila’y hindi ganap na magkatulad. Si Jesus ay nagtaglay ng karaniwang pagkatao, ordinaryong katauhan, nguni’t Siya’y sinamahan ng mga palatandaan at mga kababalaghan. Sa ganitong Diyos na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga palatandaan o mga kababalaghan, kahit ang magpagaling ng maysakit o ang magpalayas ng mga demonyo, o ang paglalakad sa dagat, o ang pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang kaparehong gawain na ginawa ni Jesus, hindi dahil ang Kanyang laman ay naiiba kay Jesus sa kakanyahan, kundi dahil sa hindi Niya ministeryo ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawa, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawa. At dahil nilupig Niya ang tao gamit ang Kanyang tunay na mga salita, hindi kinakailangan na talunin siya ng mga milagro, at kaya ang yugtong ito ay upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang nagkatawang-taong Diyos na nakikita mo ngayon ay ganap na isang laman, at walang anumang higit-sa-karaniwan tungkol sa Kanya. Siya ay nagkakasakit gaya ng iba, nangangailangan ng pagkain at damit tulad ng iba, bilang ganap na isang laman. Kung sa oras na ito, ang nagkatawang-taong Diyos ay gumawa ng higit-sa-karaniwang mga palatandaan at mga kababalaghan, kung nagpagaling Siya ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, o nakapatay sa pamamagitan ng isang salita, paanong matutupad ang mapanlupig na gawa? Paano mapapalaganap ang gawain sa gitna ng Gentil na mga bansa? Ang pagpapagaling sa mga maysakit at ang pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, ang unang hakbang sa mapantubos na gawa, at ngayong nailigtas ng Diyos ang tao mula sa krus, hindi na Niya ginagampanan ang gawaing iyon. Kung sa mga huling araw isang “Diyos” na kapareho ni Jesus ang nagpakita, isa na nagpagaling sa maysakit, na nagpalayas sa mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, kahit parehas ng paglalarawan sa Diyos sa Biblia at madali para sa tao na tanggapin, ay hindi, sa kakanyahan nito, magiging laman na suot ng Espiritu ng Diyos, kundi ng masamang espiritu. Sapagka’t ito ay alituntunin ng gawa ng Diyos na hindi kailanman uulitin ang Kanyang natapos na. At kaya ang gawa ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawa noong una. Sa mga huling araw, ginaganap ng Diyos ang mapanlupig na gawa sa isang payak at normal na laman; hindi Niya pinagagaling ang maysakit, hindi mapapako sa krus para sa tao, kundi magsasalita lamang ng mga salita sa laman, nilulupig ang tao sa laman. Ang ganoong laman lamang ang nagkatawang-taong laman ng Diyos; tanging ganoong laman lamang ang makakakumpleto ng gawa ng Diyos sa laman.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon