Ngayon, sa paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto ang mga bagay na hinahangad bago siya magkaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa, at ang mga layunin na hinahangad ng tao bago pa ang pagkagapos ni Satanas. Sa diwa, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto, o magawang kapaki-pakinabang, ay upang makatakas sa impluwensya ni Satanas: Ang paghahangad ng tao ay upang maging mananagumpay, ngunit ang huling kalalabasan ay ang kanyang pagtakas sa impluwensya ni Satanas. Sa pagtakas mula sa impluwensya ni Satanas lamang maaaring maisabuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, ang buhay ng pagsamba sa Diyos. Ngayon, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at maging perpekto ay ang mga bagay na hinahangad bago ang pagkakaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa. Unang-unang hinahangad ang mga ito para sa kapakanan ng pagiging nalinis at isagawa ang katotohanan, at upang makamit ang pagsamba sa Lumikha. Kung tinataglay ng tao ang normal na buhay ng isang tao sa lupa, isang buhay na walang kahirapan at lungkot, kung gayon ang tao ay hindi maaakit sa paghahangad na maging mananagumpay. “Ang maging mananagumpay” at “magawang perpekto” ay ang mga layunin na ibinigay ng Diyos sa tao upang hangarin, at sa pamamagitan ng paghahangad sa mga layuning ito binigyang-daan Niya ang tao sa pagsasagawa sa katotohanan at isagawa ang makabuluhang buhay. Ang layunin ay upang maging ganap ang tao at matamo siya, at ang paghahangad na maging mananagumpay at magawang perpekto ay isa lamang kaparaanan. Kung, sa hinaharap, makapapasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan, wala nang magiging patunay sa pagiging mananagumpay at sa pagiging perpekto; magkakaroon na lang ng pagganap sa tungkulin ang bawat nilalang. Ngayon, ginagabayan ang tao na hangarin ang mga bagay na ito upang ipakahulugan lamang ang isang saklaw sa tao, nang sa gayon ang paghahangad ng tao ay mas tukoy at praktikal. Kung wala ito, ang paghahangad ng tao sa pagpasok sa buhay na walang hanggan ay magiging malabo at mahirap maunawaan, at kung magkakagayon, hindi ba magiging mas kaawa-awa ang tao? Ang maghangad sa ganitong paraan, kung walang mga layunin at mga prinsipyo—hindi ba ito pandaraya sa sarili? Sa huli, ang paghahangad na ito ay likas na magiging walang saysay; sa bandang huli, ang tao ay mabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas at hindi niya makakayang palayain ang sarili mula rito. Bakit siya isasailalim sa gayong walang layon na paghahangad? Kapag ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang matatalo ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y mababawi na ng Diyos ang orihinal na anyo ng tao sunod sa Kanyang paglikha, at dahil dito, ang orihinal na layunin ng Diyos ay matutupad na. Sa simula, bago pa pinasama ni Satanas ang tao, namuhay ng normal na buhay ang tao sa lupa. Kinalaunan, nang siya ay pinasama ni Satanas, naiwala ng tao ang normal na buhay na ito, at kaya doon nag-umpisa ang pamamahala ng Diyos, at ang digmaan kay Satanas upang mabawi ang normal na buhay ng tao. Sa katapusan ng 6,000-taon na gawain ng pamamahala ng Diyos pa lamang opisyal na magsisimula ang buhay ng lahat ng sangkatauhan sa lupa, doon pa lamang magkakaroon ang tao ng kamangha-manghang buhay, at mababawi ng Diyos ang layunin sa paglikha sa tao noong pasimula, pati na ang orihinal na wangis ng tao. At kaya, sa oras na magkaroon na siya ng normal na buhay ng sangkatauhan sa lupa, hindi na maghahangad ang tao na maging mananagumpay o maging perpekto, sapagkat ang tao ay magiging banal. Ang tagumpay at kasakdalan na binabanggit ng tao ay ang mga layunin na ibinigay sa tao upang hangarin sa panahon ng labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at sila ay umiiral lamang sapagkat ang tao ay pinasama. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng layunin, at akayin ka upang hangarin ang layunin na ito, na si Satanas ay matatalo. Ang hilingin kang maging mananagumpay o gawing perpekto o magamit ay pag-aatas sa iyo na magpatotoo upang ipahiya si Satanas. Sa katapusan, maipamumuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, at ang tao ay magiging banal, at kapag nangyari ito, hahangarin pa rin ba nilang maging mga mananagumpay? Hindi ba silang lahat ay mga nilalang? Ang pagiging mananagumpay at pagiging sakdal ay parehong nakadirekta kay Satanas, at ang karumihan ng tao. Ito bang “mananagumpay” ay hindi tumutukoy sa tagumpay laban kay Satanas at sa masasamang mga puwersa? Kapag sinabi mo na ikaw ay naging sakdal, ano ang naging perpekto sa iyo? Hindi ba’t hinubad mo na ang tiwaling disposisyon ni Satanas, nang upang matamo mo ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos? Ang mga gayong bagay ay sinasabi kaugnay sa maruming mga bagay sa loob ng tao, nang may kaugnayan kay Satanas; hindi sila sinasalita nang may kaugnayan sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan