Menu

Ano ang Tunay na Kabuluhan ng Pagtubos ng Panginoong Jesus?

Tala ng Editor: Maraming mga kapatiran sa Panginoon ang naniniwala na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tubusin tayo at patawarin ang lahat ng ating mga kasalanan, na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon na mga makasalanan, na tayo ay inaaring-ganap sa pananampalataya at kapag dumating ang Panginoon, diretso tayong madadala sa kaharian ng langit. Nguni’t ang gayon bang pananaw ay makatwiran at naaayon sa kalooban ng Panginoon? Ano ang tunay na kahalagahan ng pagtubos ng Panginoong Jesus? Bagama’t tayo ay tinubos ng Panginoong Jesus, nakararanas pa rin tayo ng pagkaalipin sa kasalanan at madalas gumagawa ng mga kasalanan. Katulad nito, tunay nga bang diretso tayong madadala sa kaharian ng langit? Patuloy kang magbasa upang matuklasan ang mga kasagutan.

Pagtubos ng Panginoong Jesus

Ang pagbanggit sa “Pagtubos ni Jesus” ay palaging nagpupuno sa atin ng pasasalamat sa Panginoon. Dalawang libong taon ang nakararaan, upang matubos tayo mula sa mga kamay ni Satanas, ipinako ang Panginoong Jesus sa krus at isinakripisyo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, para sa kapatawaran ng lahat ng ating mga kasalanan. Kapag tayo’y nagkasala, hangga’t tayo ay nagsisisi at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad, at tatamasahin natin ang kapayapaan at kagalakan. Nguni’t kamakailan lamang, may mga kapatiran na nalilito: Bagama’t ang ating mga kasalanan ay pinatawad na ng Panginoon, hindi pa tayo lubos na nakatakas sa pagkaalipin ng kasalanan, madalas tayong magsinungaling at mandaya, nananatili tayo nang paulit-ulit sa kasalanan at pangungumpisal, at hindi natin iniingatan ang mga pangaral ng Panginoon. Malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya, “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan(Mga Hebreo 10:26). Malinaw na alam natin na maaari tayong magkasala nang hindi sinasadya sa kabila ng kaalaman na ang ating mga gawain ay labag sa kalooban ng Diyos, at kapag tayo ay nagsisi lang nang walang pagbabago, ang sakripisyo para sa ating mga kasalanan ay walang silbi. Katulad nito, tunay nga bang diretso tayong madadala sa kaharian ng langit kapag dumating ang Panginoon? Nguni’t may mga kapatiran na naniniwala din na bagama’t madalas tayong magkasala, pinatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan at hindi na Niya tayo tinitingnan bilang mga makasalanan, at kapag nagbalik ang Panginoon, tayo’y madadala sa kaharian ng langit! Kaya nga, tayo ba ay madadala sa kaharian ng langit? Tayo na’t sama-sama nating saliksikin ang isyu.

Mga kapatid, una sa lahat dapat nating malaman na totoong pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, nguni’t sinabi ba ng Panginoong Jesus, “Kung pinatawad na ang mga tao, sila ay makapapasok sa kaharian ng langit?” Nagpatotoo ba ang Banal na Espiritu dito? Kung hindi, ang pananaw na ito ay hindi kaayon ng katotohanan, o ng isipan ng Diyos, bagkus sumibol mula sa imahinasyon ng isipan ng tao. Sinasabi ng Bibliya na nagwika si Jehovah, “kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). Banal ang Diyos at matuwid, at hindi pinapayagan ng Diyos ang mga marumi at tiwaling mga tao na mabuhay sa Kanyang kaharian, kaya’t hinihingi ng Diyos na makatakas tayo sa kasalanan at maging malinis. Tanging sa pagiging malinis lamang tayo makapapasok sa kaharian ng langit. Paanong ang mga taong katulad natin na palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos ay makapapasok sa kaharian ng langit?

Dito, maaaring magtanong ang mga kapatiran: Pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan at hindi tayo tinitingnan bilang mga makasalanan, nguni’t kapag hindi tayo nakapasok sa kaharian ng langit, ano pa ang kabuluhan ng gawa at pagtubos ng Panginoong Jesus? Ang mga salita ng Diyos patungkol sa paksa ang malinaw na sasagot sa katanungan. Tingnan natin, “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa”. “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni’t ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon” .

Ang dalawang talatang ito na mga salita ng Diyos ang nagpapalinaw sa bunga ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Sa Panahon ng Biyaya, ang gawa ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagpatawad sa mga kasalanang ating nagawa, nguni’t ang mga kasalanang ito una sa lahat ay tumutukoy sa mga paglabag sa mga batas at kautusan ng Diyos. Tinanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, at hindi na tayo tinatrato ng Panginoon na mga makasalanan. Kapag tayo’y nagkasala, ang gagawin lang natin ay ang manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus at mangumpisal at magsisi sa Panginoon, at ang ating mga kasalanan ay patatawarin, at hindi na tayo hahatulan o parurusahan ng batas. Ito ang tunay na kahulugan ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Nguni’t pinatawad lang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan. Hindi pinatawad ng Panginoon ang ating mga satanikong disposisyon katulad ng pagmamataas, pagkamakasarili, pandaraya, at kasamaan. Ito ay mas malalim at mas tiwali kaysa sa kasalanan. Habang ang ating satanikong disposisyon ng paglaban sa Diyos ay nananatiling hindi nalulutas, magkakasala pa rin tayo sa Diyos at makagagawa ng mas higit pang kasalanan kaysa sa pagsuway sa batas. Halimbawa, kapag tayo’y nangangaral at gumagawa, kadalasan tayo’y nagpapasikat at sinasabi natin sa ating mga kapatiran kung gaano tayo naghirap at nagbayad para sa Panginoon para purihin nila tayo at tingalain, at ilagay sila sa ating harapan. O, kahit pa tayo magsilbi sa Panginoon kasama ang ating mga katrabaho, nakikipaglaban tayo, nakikibaka, at naiinggit tayo sa iba dahil sa katanyagan, kayamanan, at katayuan, at nagagawa pa nga nating atakihin at hindi isama ang iba. O kapag tayo ay may sakit, o kapag ang ating mga pamilya ay nalalagay sa panganib o ang mga bagay ay hindi umaayon sa kung ano ang ating mga pagkaunawa, naghihimagsik tayo at lumalaban sa Diyos, at ikinakaila at pinagtataksilan natin ang Diyos. Bagama’t naniniwala tayo sa Diyos at sinusunod ang Diyos sa pangalan lang, kapag nakararanas tayo ng mga kahirapan, hindi tayo naghahanap ng kasagutan sa mga salita ng Panginoon o sumusunod sa hinihingi ng Panginoon, sa halip nakikinig tayo at sumusunod sa ibang tao, at hindi natin binibigyan ng puwang ang Diyos sa ating mga puso. Maraming ganitong bagay tayong ginagawa. Ang mga taong katulad natin ay tinubos lang ng Panginoong Jesus, nguni’t ang ating satanikong kalikasan ay nakatanim pa rin sa atin. Paano yaong mga hindi pa nakalalaya mula sa kasalanan ay magiging kwalipikado upang diretsong madadala ng Panginoon at makapapasok sa kaharian ng langit? Nakikita natin na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagpapatawad sa ating mga kasalanan, nguni’t tayo ay nagkakasala pa rin at madalas na lumalaban sa Diyos; hindi pa rin tayo nilinis at hindi pa rin tayo makapapasok sa kaharian ng langit.

Ngayon nauunawan na natin ang tunay na kahalagahan ng “pagtubos ni Jesus,” at nakikita natin na upang tayo’y maligtas at makapasok sa kaharian ng langit, kinakailangan ng sangkatauhan ang susunod na yugto sa gawain ng Diyos ang ganap na pagbabago at paglilinis. Sinasabi ng Bibliya, “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kanya(Hebrews 9:28). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Sinabi ng Panginoong Jesus, “ Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13). Malinaw ang mga salita ng Panginoong Jesus. Sapagka’t masyadong maliit ang espirituwal na katayuan niyong mga nasa Panahon ng Biyaya, hindi ibinigay sa kanila ng Panginoong Jesus ang lahat ng katotohanan na kinakailangan upang ganap na maligtas ang tiwaling sangkatauhan.

Sa mga huling araw, babalik ang Panginoong Jesus upang ipahayag at magsalita ng mga bagong salita at gawin ang gawain ng paghuhukom at pagkastigo upang ganap na maalis ang ating pagiging makasalanan at palayain tayo mula sa pagkaalipin sa kasalanan, upang tayo ay madadala sa kaharian ng langit ng Panginoon at tamasahin ang mga pagpapala ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa itaas, nauunawaan natin na ang pagtanggap sa gawa ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagpapatawad lamang sa ating mga kasalanan, at kailangan din nating maranasan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw upang ganap na makatakas mula sa pagkaalipin, at paano ba natin tatratuhin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Iminumungkahi ko ang pahina ng Ikalawang Pagparito ni Jesus, upang patuloy tayong maghanap at tumingin sa aspetong ito ng katotohanan.

Mag-iwan ng Tugon