Menu

11 mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Kalakasan upang Pagtibayin ang Iyong Pananampalataya sa Panahon ng Kahirapan

Sa ating buhay, kapag nakatatagpo ng mga problema at paghihirap, marami sa atin ang palaging nakakaramdam ng panghihina at pagka-negatibo at pati na nawawalan ng pananampalataya sa Diyos. Kaya paano tayo makatatamo ng lakas at pananampalataya mula sa Diyos upang malampasan ang mga panahon ng kahirapan? Narito pumili kami ng 11 mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Kalakasan mula sa Bibliya upang tulungan ka na mahanap ang landas para maiwaksi ang kahirapan.

Awit 28:7-8

Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit. Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.

Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Awit 118:14

Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Filipos 4:13

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.

Isaias 12:2

Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Isaias 33:2

Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.

Isaias 40:29

Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.

Isaias 40:31

Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Efeso 3:16

Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob.

Efeso 6:10

Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

Zacarias 4:6

Siya'y sumagot at nagsalita sa akin, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Rekomendasyon:

Mag-iwan ng Tugon