Mga Tampok sa “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo” 5: Ang Pag-asa ng mga Milenyo ay Isinasakatuparan sa Wakas
Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?
Sa mga tao, na nabubuhay sa pasakit at nagtiis na ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, sino ang hindi umaasam—hindi nananabik—sa pagdating ng Diyos? Ilang mananampalataya at alagad ng Diyos sa paglipas ng mga panahon ang nagtiis, sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, ng pagdurusa at paghihirap, pag-uusig at pagkawalay? Sino ang hindi umaasa na dumating na sana ang kaharian ng Diyos sa lalong madaling panahon? Nang matikman ang mga kagalakan at kalungkutan ng sangkatauhan, sino sa sangkatauhan ang hindi naghahangad na manaig ang katotohanan at kabutihan sa mga tao?
Pagdating ng kaharian ng Diyos, ang araw na labis na inasam ng lahat ng bansa at tao ay dumating na rin sa wakas! Sa panahong ito, ano ang magiging mga tagpo ng lahat ng bagay sa langit at lupa? Gaano kaganda ang magiging buhay sa kaharian? Sa “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo,” magkakatotoo ang mga panalangin ng mga milenyo!