Christian Testimony Video | "Pagkalag sa mga Taling Gumagapos"
Natuklasan ng pangunahing tauhan, isang lider ng simbahan, mula sa isang survey ng simbahan na isinumbong ng ibang mga kapatid na si Sister Li raw ay laging nagpapabaya sa kanyang tungkulin; sinasabi nila na siya raw ay hindi tumatanggap ng katotohanan, mapagmataas na nagsesermon sa mga tao, at pinaghihigpitan sila. Alam na alam ng lider ng simbahan na, ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, si Sister Li ay dapat nang tanggalin, pero siya'y ginawang tiwali at naimpluwensyahan ng mga makademonyong pilosopiya na tulad ng "Mas matimbang ang dugo kaysa tubig" at "Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?" Isinasaalang-alang na sila'y magkababayan at dati nang malapit sa isa't isa, siya'y kumikilos ayon sa kanyang emosyon, at paulit-ulit na pinagtatakpan at dinedepensahan si Sister Li. Kinalaunan, dahil lamang sa paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakikita na niya ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagtitiwala sa mga emosyon sa kanyang mga aksyon. Nagkaroon siya ng ilang pagkaunawa sa mga makademonyong pilosopiyang ito at hindi na siya bumabatay sa kanyang damdamin sa pagharap sa mga isyu, kundi sa halip ay bukas-mata siyang nagsasagawa ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan.