Nahalal bilang isang pinuno ng simbahan ang bida, at dahil bata pa siya na may limitadong karanasan sa buhay, nag-alala siya na hindi niya kayang gawin ang papel na ito at sa gayon ay mamaliitin siya ng iba. Sa isang pagtitipon, ang kanyang pananaw tungkol sa isang isyu ay lumabas na mali pala, at ikinainis niya ito at pakiramdam niya na talagang may kakulangan siya kumpara sa ibang mga pinuno ng simbahan. Sa kanyang pagmumuni-muni sa sarili sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na ang dahilan kaya gusto niyang iwasan ang kanyang tungkulin ay natatakot siya na makikita ng iba ang kanyang kahinaan at mapapahiya siya. Nakita rin niya na labis niyang pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan, na itinuturing niya ang mga ito na pinakaimportante sa lahat, na isang anticristong disposisyon. Samantala, naunawaan niya na ang tungkulin ng tao ay isang atas mula sa Diyos at isang nakataling obligasyon at dapat niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para tuparin ito. Nang itama niya ang kanyang pananaw at ginawa ang kanyang tungkulin nang may pasanin, natanggap niya ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Tunay na naranasan niya na ang isang pasanin ay pagpapala ng Diyos.