Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan" | Sipi 5

939 2020-06-06

“Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” | Sipi 5

Ang tunay na nilalang ay dapat na makakilala kung sino ang Manlilikha, kung para saan ang pagkakalikha sa tao, kung paano isakatuparan ang mga responsibilidad ng isang nilalang, at kung paano sambahin ang Panginoon ng lahat ng sangnilikha, dapat maunawaan, matarok, malaman, at pagmalasakitan ang mga intensyon ng Manlilikha, mga nais, mga hinihingi, at dapat na kumilos ayon sa paraan ng Manlilikha—ang matakot sa Diyos at umiwas sa masama.

Ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos? At paano umiwas sa masama?

Ang “magkaroon ng takot sa Diyos” ay hindi nangangahulugang walang katulad na sindak at takot, ni hindi ang umiwas, o lumayo, at hindi rin ito pagsamba sa diyos-diyosan o pamahiin. Sa halip, isa itong paghanga, pagpapahalaga, pagtitiwala, pag-unawa, pangangalaga, pagsunod, pagtatalaga, pag-ibig, at maging, walang-kundisyon at walang-pagrereklamong pagsamba, pagbabalik, at pagsuko. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na kaunawaan, tunay na pangangalaga o pagsunod, kundi takot at pagkabalisa lamang, pagdududa lamang, di-pagkakaunawaan, pagtakas, at pag-iwas; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagtatalaga at pagbabalik; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagsuko, tanging bulag na pag-idolo lamang at pamahiin; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi makakakilos ayon sa paraan ng Diyos, o matatakot sa Diyos, o iiwas sa masama. Sa kabaligtaran, bawa’t aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, ng mapanirang-puring pagbibintang at hindi-totoong paghatol tungkol sa Diyos, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.

Sa pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, malalaman talaga ng sangkatauhan kung paano sumunod sa Diyos at umasa sa Kanya; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagkaunawa at pag-abot; kasama ng tunay na pag-abot sa Diyos ay ang tunay na pagmamalasakit sa Kanya; tanging sa tunay na pagmamalasakit sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging sa tunay na pagsunod sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtatalaga; tanging sa tunay na pagtatalaga sa Diyos makakapagbalik ang sangkatauhan nang walang kundisyon at walang pagrereklamo; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala, tunay na pagkaunawa at pagmamalasakit, tunay na pagsunod, tunay na pagtatalaga at pagbabalik, tunay na malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon at kakanyahan ng Diyos, at malalaman ang pagkakakilanlan ng Manlilikha; tanging kapag nakilala nila ng tunay ang Manlilikha magigising ang sangkatauhan sa tunay na pagsamba at pagsuko; tanging kapag may tunay na pagsamba at pagsuko sa Manlilikha magagawa ng sangkatauhan na isantabi ang kanilang masasamang gawi, ang ibig sabihin, umiwas sa masama.

Ito ang buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama,” at siya ring nilalaman sa kabuuan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama, at maging ang daan na dapat bagtasin para makarating sa pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.

Ang “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama” at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nais ninuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, dapat muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at hingin sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon para maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng klase ng kapaligirang kinapapalooban ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay; kung nais ninuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, dapat munang magkaroon ang sinuman ng isang simple at tapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, pagpapasyang tiisin ang pagdurusa, determinasyon at tapang na iwasan ang masama, at ang mithiin na maging isang tunay na nilalang…. Sa ganitong paraan, sa unti-unting pagpapatuloy, malalapit kang lalo sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, at ang iyong buhay at halaga ng pagiging buháy ay, kalakip ang iyong pagkakilala sa Diyos, magiging mas makahulugan at magiging mas maningning. Hanggang, isang araw, mararamdaman mo na ang Manlilikha ay hindi na isang palaisipan, na ang Manlilikha ay hindi kailanman natatago mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi kailanman nagkubli ng Kanyang mukha mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi pala malayo sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi na ang Siyang lagi mong pinananabikan sa iyong mga kaisipan pero hindi mo maabot ng iyong damdamin, na Siya ay talaga at tunay na nakatindig na nakabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay at nagkokontrol ng iyong tadhana. Wala Siya sa malayong abot-tanaw, at hindi rin Niya isinikreto ang Sarili Niya sa itaas sa mga ulap. Nasa mismong tabi mo Siya, nangangasiwa sa lahat mo, Siya ang lahat na mayroon ka, at Siya ang tanging mayroon ka. Ang gayong Diyos ay nagpapahintulot sa iyo na mahalin Siya mula sa puso, kapitan Siya, hawakan Siya nang malapitan, hangaan Siya, matakot na mawala Siya, at hindi na maging handang Siya ay talikuran, hindi na Siya suwayin, o hindi na Siya iwasan o layuan. Ang gusto mo lamang ay pagmalasakitan Siya, sundin Siya, ibalik ang lahat ng ibinibigay Niya sa iyo, at sumuko sa Kanyang kapangyarihan. Hindi mo na tinatanggihan na magabayan, matustusan, mabantayan, at maingatan Niya, hindi mo na tinatanggihan ang idinidikta at itinatakda Niya para sa iyo. Ang gusto mo lamang ay ang sundan Siya, lumakad kasama Siya sa kaliwa o kanan, ang tanging gusto mo ay tanggapin Siya bilang ang nag-iisa at tanging buhay mo, ang tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at tanging Panginoon, ang iyong nag-iisa at tanging Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos

I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay ‘di palaisipan, S’ya ay di itinago, ‘di tinakpan ang mukha sa iyo; S’ya ay ‘di naging malayo sa iyo; Di na S’ya ang ‘yong hangad araw at gabi ngunit ‘di maabot ng damdamin mo. S’yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi, buhay mo’y tinustustusan, at hawak ang ‘yong kapalaran. S’ya’y wala sa malayong abot-tanaw, at ‘di nakatago sa ulap. S’ya’y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa’yo. Siya ay ‘yong lahat at ‘yong Nag-iisa.

II
Ang gayong Diyos ay ginagawa kang sambahin S’ya, hangaan S’ya, kumapit sa Kanya, yapusin S’ya, pinangangambahan mong mawala, ayaw mo nang talikuran at suwayin, o iwasan at layuan; S’ya’y nais mo lang kalingain, sundin, suklian sa lahat N’yang binibigay, magpasailalim sa Kanyang kaharian. Ika’y ‘di na tumatanggi sa Kanyang gabay, tustos, kalinga, at kanlong; ika’y ‘di na sumasalungat sa Kanyang paghahari at panukala. Tanging nais mo’y sundin S’ya, makasama S’ya; tanggapin S’ya na iyong nag-iisang buhay, nag-iisang Panginoon at Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon