Para sa mga yaong gagawing perpekto, ang hakbang na ito ng gawain ng pagiging nalupig ay hindi maaring hindi isasagawa, sa sandaling malupig lamang ang isang tao saka pa lamang siya makararanas ng gawain ng pagiging ginagawang perpekto. Walang malaking kahalagahan sa pagganap lamang ng papel ng pagiging nalupig, hindi ito magtutulot sa iyo na maging akmang gamitin ng Diyos. Hindi ka magkakaroon ng daan na gampanan ang iyong bahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagka’t hindi mo hinahabol ang buhay, at hindi hinahabol ang mga pagbabago at pagpapabago ng iyong sarili, kung kaya wala kang tunay na karanasan sa buhay. Sa panahon ng gawaing ito nang isa-isang hakbang, gumanap ka nang minsan bilang taga-serbisyo, at isang sagabal, nguni’t kung sa kasukdulan ay hindi mo pinagsikapang maging Pedro, at ang iyong pagsisikap ay hindi kaayon sa landas kung saan si Pedro ay ginawang perpekto, kung gayon, natural, hindi ka makararanas ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Kung ikaw ay isang naghahabol na maging ginagawang perpekto, kung gayon nagdadala ka ng patotoo, at sasabihin mo: “Sa isa-isang hakbang na gawaing ito ng Diyos, natanggap ko ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at bagaman nakapagtiis ako ng matinding pagdurusa, nakarating ako sa pagkakaalam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, nakamit ko ang gawaing ginagawa ng Diyos, nagkaroon ako ng kaalaman sa pagkamatuwid ng Diyos, at ang Kanyang pagkastigo ay nagligtas sa akin. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay dumating sa akin, at nagdala sa akin ng mga pagpapala at biyaya, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nag-ingat at dumalisay sa akin. Kung hindi ako nakastigo at nahatulan ng Diyos, at kung ang Kanyang mga masasakit na salita ay hindi dumating sa akin, hindi ko sana nakilala ang Diyos, ni naligtas ako. Nakikita ko ngayon na, bilang isang nilalang, hindi lamang tinatamasa ng isa ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Maylalang, nguni’t, mas mahalaga, na lahat ng mga nilalang ay magtamasa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at tamasahin ang Kanyang paghatol, sapagka’t ang disposisyon ng Diyos ay karapat-dapat sa pagtatamasa ng tao. Bilang isang nilalang na nagawang tiwali ni Satanas, dapat na tamasahin ng isa ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa Kanyang matuwid na disposisyon ay mayroong pagkastigo at paghatol, at, higit sa rito, mayroong dakilang pag-ibig. Bagaman hindi ko kayang lubos na matamo ang buong pag-ibig ng Diyos sa ngayon, nagkaroon naman ako ng mabuting kapalaran na makita ito, at dahil dito ako ay napagpala.” Ito ang landas na nilakaran niyaong mga nakakaranas ng ginagawang perpekto at ng kaalaman na kanilang sinasalita. Ang gayong mga tao ay pareho ni Pedro; mayroon silang parehong karanasan ni Pedro. Ang gayong mga tao ay yaon ding nakatamo ng buhay, at nagtataglay ng katotohanan. Kung nararanasan ng tao hanggang sa katapus-tapusan, sa panahon ng paghatol ng Diyos hindi niya maiiwasan na ganap niyang maiwaksi sa kanyang sarili ang impluwensya ni Satanas, at matatamo siya ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol