Sundan Kami

Mga Kaparehong Video

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain" | Sipi 16

Panimula

Ang Saloobin ng Diyos sa mga Tumakas Sa Panahon ng Kanyang Paggawa

Makikita mo ang ganitong uri ng tao sa lahat ng dako: Pagkatapos nilang maging tiyak tungkol sa landas ng Diyos, sa iba’t ibang dahilan, tahimik silang lumisan at hindi man lamang nagpaalam at ginawa nila ang anumang ninanais ng kanilang puso. Sa ngayon, hindi natin tatalakayin kung bakit lumisan ang taong ito. Una tingnan natin kung ano ang saloobin ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Ito ay napakalinaw! Mula sa sandaling lumisan ang taong ito, sa paningin ng Diyos, tapos na ang panahon ng kanilang paniniwala. Hindi ang taong ito ang tumapos nito, kundi ang Diyos. Ang ibig sabihin ng paglisan ng taong ito ay itinakwil na nila ang Diyos, na ayaw na nila ang Diyos. Ito ay nangangahulugan na hindi na nila tinatanggap ang kaligtasan ng Diyos. Dahil ayaw na ng taong ito ang Diyos, maaari pa rin bang gusto sila ng Diyos? Bukod dito, kapag nasa taong ito ang saloobin na ito, ang pananaw na ito, at nakapagpasya na silang iwanan ang Diyos, napalubha na nila ang disposisyon ng Diyos. Kahit na hindi sila nagwala at sumpain ang Diyos, kahit na hindi sila gumawa ng anumang napakasama o labis na pag-uugali, at kahit na iniisip ng taong ito: Kung dumating ang araw na maubos na ang aking panlabas na kasayahan, o kapag may pangangailangan pa rin ako sa Diyos, ako ay babalik. O kapag tatawagin ako ng Diyos, ako ay babalik. O sasabihin nila: Kapag ako ay nasaktan sa labas, kapag nakita kong masyadong madilim ang mundo sa labas at masyadong masama at ayaw ko nang sumama sa daloy, babalik ako sa Diyos. Kahit na kalkulado sa isip ng taong ito ang punto kung kailan sila babalik, kahit na iwanan nilang bukas ang pinto para sa kanilang pagbabalik, hindi nila napagtanto na kahit ano ang isipin at planuhin nila, ang lahat ng mga ito ay magandang pangarap lamang. Ang pinakamalaking pagkakamali nila ay ang pagiging malabo tungkol sa damdamin ng Diyos kapag ninais nilang umalis. Simula sa sandaling nagpasya ang taong ito na lisanin ang Diyos, ganap nang iniwan sila ng Diyos; itinakda na ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang kalalabasan. Ano ang kalalabasang ito? Na ang taong ito ay isa sa mga dagang costa, at mamatay sila na kasama ang mga ito. Kaya, madalas na makita ng mga tao ang ganitong uri ng sitwasyon: May mag-aabandona sa Diyos, ngunit hindi sila nakatatanggap ng kaparusahan. Kumikilos ang Diyos ayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Makikita ng mga tao ang ilang mga bagay, at ang ilang mga bagay-bagay ay natutukoy lamang sa puso ng Diyos, kaya hindi nakikita ng mga tao ang mga resulta. Ang nakikita ng mga tao ay hindi kinakailangang tunay na panig ng mga bagay; ngunit ang iba pang panig, ang panig na hindi mo makita—ito ang tunay na saloobin at pagpapalagay ng puso ng Diyos.

Ang mga Taong Tumakas sa Panahon ng Paggawa ng Diyos ay ang mga Nag-abandona sa Totoong Landas

Kung gayon bakit bibigyan ng Diyos ang ganitong uri ng tao ng isang malubhang kaparusahan? Bakit galit na galit ang Diyos sa kanila? Una sa lahat alam natin na ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan, ay poot. Hindi Siya isang tupa na maaaring patayin ng sinuman; higit pa, hindi Siya isang sunud-sunuran upang maging kontrolado ng mga tao sa anumang gusto nila. Hindi rin Siya walang halaga na inuutus-utusan ng mga tao. Kung talagang naniniwala ka na may Diyos, dapat may puso kang natatakot sa Kanya, at dapat mong malaman na ang diwa ng Diyos ay hindi dapat ginagalit. Ang galit na ito ay maaaring idulot ng isang salita; marahil isang pag-iisip; marahil ilang mga uri ng karima-rimarim na pag-uugali; marahil banayad na pag-uugali, pag-uugali na uubra sa mga mata at etika ng tao; o marahil ito ay sanhi ng isang doktrina, isang teyorya. Gayunpaman, sa sandaling ginalit mo ang Diyos, ang iyong pagkakataon ay nawala na at ang katapusan ng mga araw mo ay dumating na. Ito ay isang kahila-hilakbot na bagay! Kung hindi mo maunawaan na hindi maaaring saktan ang Diyos, marahil ay wala kang takot sa Kanya, at marahil ay palagi kang nagkakasala sa Kanya. Kung hindi mo alam kung paano ang matakot sa Diyos, hindi ka matatakot sa Kanya, at hindi mo alam kung paano ang lumakad sa landas ng Diyos—ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kapag nagkaroon ka ng kamalayan, malalaman mo na hindi maaaring saktan ang damdamin ng Diyos, at malalaman mo kung paano ang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.

Ang paglalakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan ay hindi kailangang tungkol sa dami ng katotohanan na alam mo, sa dami ng mga pagsubok na naranasan mo, o kung gaano ang pagkadisiplina mo. Sa halip, ito ay nakasalalay sa diwa ng pagsaalang-alang mo sa Diyos sa iyong puso, at kung ano ang iyong saloobin sa Diyos. Ang diwa ng mga tao at ang pansarili nilang mga saloobin—napakahalaga ang mga ito, pinakapangunahin. Patungkol sa mga tao na itinakwil at iniwan ang Diyos, ang mapanghamak na saloobin nila sa Diyos at ang puso nilang nagsisihamak sa katotohanan ang nagpalubha sa disposisyon ng Diyos, kaya sa ngayon para sa Diyos hindi sila patatawarin kailanman. Nalaman nila ang tungkol sa pag-iral ng Diyos, nasa kanila ang impormasyon na dumating na ang Diyos, naranasan pa nila ang bagong gawain ng Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi isang kaso ng pagkalinlang, at hindi rin ito dahil malabo sa kanila ang tungkol dito. Mas lalo nang hindi ito isang kaso ng pagkapilit. Sa halip ay may kamalayan sila, at malinaw ito sa kanilang isipan, pinili nilang lisanin ang Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi pagkawala sa kanilang landas; ito ay hindi pagtatakwil. Samakatuwid, sa paningin ng Diyos, hindi sila isang tupa na napawalay sa kawan, mas lalo nang hindi isang alibughang anak na nawala sa kanyang landas. Nagsialis sila nang hindi napaparusahan, at ang kondisyon at sitwasyon na yan, ang nagpalubha sa disposisyon ng Diyos, at dahil nga sa pagpapalubhang ito ibinigay Niya sa kanila ang isang walang pag-asang kalalabasan. Hindi ba kakila-kilabot ang ganitong uri ng kalalabasan? Kaya kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos, maaari silang magkasala sa Diyos. Ito ay hindi maliit na bagay! Kung hindi sineseryoso ng isang tao ang saloobin ng Diyos, at naniniwala pa rin na pinananabikan ng Diyos ang kanilang pagbabalik—dahil isa sila sa mga nawalang tupa ng Diyos at naghihintay pa rin ang Diyos para sa pagbabago ng kanilang puso—kung gayon, ang taong ito ay hindi malayo sa araw ng kanilang kaparusahan. Hindi sila basta-basta tanggihan ng Diyos. Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinalulubha nila ang Kanyang disposisyon; ito ay mas kahila-hilakbot na bagay! Nasaktan na ng walang paggalang na saloobin ng taong ito ang atas ng pamamahala ng Diyos. Tatanggapin pa ba sila ng Diyos? Ang mga prinsipyo ng Diyos tungkol sa bagay na ito ay: Kung ang isang tao ay naging tiyak tungkol sa tunay na landas ngunit maaari niya pa ring tanggihan ang Diyos nang sinasadya at may malinaw na pag-iisip, at inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos, isasarado ng Diyos ang daan na patungo sa kanilang kaligtasan, at maisasara ang pintuan ng kaharian para sa kanila mula noon. Kapag dumating ang taong ito at muling kumatok, hindi na muling bubuksan ng Diyos ang pintuan para sa kanila. Ang taong ito ay mapagsasarhan magpakailanman. Marahil nabasa na ng ilan sa inyo ang kuwento ni Moises sa Biblia. Pagkatapos na pinili ng Diyos si Moises, hindi nasiyahan ang 250 na lider sa kanya dahil sa kanyang mga kilos at iba pang mga dahilan. Sino ang tinanggihan nilang sundin? Hindi si Moises. Tumanggi silang sumunod sa mga itinakda ng Diyos; nagsitanggi silang magsisunod sa gawain ng Diyos sa bagay na ito. Sinabi nila ang mga sumusunod: “Kayo’y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa’t isa sa kanila, at si Jehova ay nasa gitna nila….” Sa tingin ng tao, napaka-seryoso ba ng mga salitang ito? Hindi seryoso ang mga ito! Ang literal na kahulugan ng mga salita ay hindi seryoso. Sa legal na kahulugan, hindi sila lumabag sa anumang mga batas, dahil sa wari ito ay hindi pagalit na wika, o bokabularyo, mas lalo nang walang anumang mapaglapastangan na kahulugan. Isang karaniwang pangungusap lamang ito, wala nang iba pa. Ngunit bakit nagdulot ang mga salitang ito ng galit sa Diyos? Dahil hindi nabanggit ang mga ito na para sa mga tao, kundi sa Diyos. Ang saloobin at disposisyon na ipinahayag sa pamamagitan ng mga ito ay ang tiyak na nagpapalubha sa disposisyon ng Diyos, lalo na sa disposisyon ng Diyos na hindi maaaring saktan. Alam nating lahat kung ano ang kanilang kalalabasan sa katapusan. Tungkol sa mga umabandona sa Diyos, ano ang kanilang pananaw? Ano ang kanilang saloobin? At bakit hahantong ang kanilang mga pananaw at saloobin sa pakikitungo ng Diyos sa kanila sa ganitong paraan? Ang dahilan dito ay dahil malinaw na alam nilang Diyos Siya ngunit pinili pa rin nilang Siya ay ipagkanulo. Yan ang dahilan kung bakit lubos na tinanggal ang pagkakataon nila para sa kaligtasan. Katulad ng sinasabi ng Biblia: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan.” Malinaw na ba ang bagay na ito sa iyo ngayon?

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

I-expand