Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 39

1,261 2020-06-09

Ang Disposisyon ng Diyos ay Hindi Kailanman Itinago sa Tao—ang Puso ng Tao ang Lumayo sa Diyos

Mula noong panahon ng paglikha, ang disposisyon ng Diyos ay naaayon sa Kanyang gawain. Ito ay hindi kailanman nakatago mula sa tao, kundi ganap na nakalathala at ginawang malinaw sa tao. Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang puso ng tao ay lalong lumayo mula sa Diyos, at habang lumalalim ang katiwalian ng tao, lalo pang napalayo ang tao mula sa Diyos. Dahan-dahan ngunit may katiyakan, ang tao ay naglaho mula sa paningin ng Diyos. Hindi na kayang “makita” ng tao ang Diyos, at nawalan ng anumang “balita” tungkol sa Diyos; dahil dito, hindi niya alam kung umiiral ba ang Diyos, at nagagawa pa ngang ganap na itanggi ang pag-iral ng Diyos. Bilang resulta, ang kawalan ng pagkaunawa ng tao sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ay hindi dahil sa nakatago ang Diyos sa tao, kundi dahil sa paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Bagama’t naniniwala ang tao sa Diyos, sa puso ng tao ay walang Diyos, at hindi niya alam kung paano mahalin ang Diyos, ni hindi nga niya gustong mahalin ang Diyos, dahil ang kanyang puso ay hindi kailanman lumalapit sa Diyos at siya ay palaging umiiwas sa Diyos. Bilang resulta, ang puso ng tao ay malayo mula sa Diyos. Nasaan ang kanyang puso? Sa katunayan, ang puso ng tao ay hindi nagpunta sa kung saan: Sa halip na ibigay ito sa Diyos o ibunyag ito upang ipakita sa Diyos, itinago niya ito para sa kanyang sarili. Iyan ay sa kabila ng katunayan na ang ilang tao ay madalas na manalangin sa Diyos at magsabi, “O Diyos, tingnan Mo ang aking puso—alam Mo ang lahat ng nasa isip ko,” at ang ilan ay sumusumpa pa na hinahayaan nila ang Diyos na tingnan sila, nang sa gayon ay maparusahan sila kung hindi nila tutuparin ang kanilang isinumpa. Kahit na pinahihintulutan ng tao ang Diyos na tumingin sa loob ng kanyang puso, hindi ito nangangahulugan na siya ay may kakayahang sumunod sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, ni hindi rin ibig sabihin na iniwan niya ang kanyang kapalaran at mga inaasam at ang lahat tungkol sa kanya sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Dahil dito, anupaman ang ipinangako mo sa Diyos o ipinahayag sa Kanya, sa paningin ng Diyos, ang iyong puso ay sarado pa rin sa Kanya, dahil hinahayaan mo lamang na tingnan ng Diyos ang iyong puso ngunit hindi mo Siya pinahihintulutang pamahalaan ito. Sa madaling salita, hindi mo pa talaga ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, at nagsasabi ka lamang ng mga salitang maganda sa pandinig ng Diyos; samantala, itinatago mo sa Diyos ang iba’t iba mong mapanlinlang na layunin, kasama na ang iyong mga lihim na intriga, mga pakana, at mga plano, at mahigpit mong hinahawakan ang iyong mga inaasam-asam at kapalaran sa iyong mga kamay, nang may matinding takot na kukunin ng Diyos ang mga ito. Dahil dito, hindi kailanman nakita ng Diyos ang katapatan ng tao sa Kanya. Bagama’t pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, at nakikita kung ano ang iniisip ng tao at mga nais gawin sa kanyang puso, at nakikita kung anong mga bagay ang nakatago sa kanyang puso, ang puso ng tao ay hindi pag-aari ng Diyos, at hindi niya ito isinuko upang pamahalaan ng Diyos. Sinasabi nito na ang Diyos ay may karapatang magmasid, ngunit wala Siyang karapatang mamahala. Sa pansariling kamalayan ng tao, hindi gusto at walang balak ang tao na isuko ang kanyang sarili sa pagsasaayos ng Diyos. Hindi lamang isinara ng tao ang kanyang sarili sa Diyos, ngunit mayroon pang mga taong nag-iisip kung paano itatago ang kanilang mga puso, gamit ang mga kaakit-akit na mga salita at labis-labis na papuri upang lumikha ng impresyon na hindi naman tunay at makuha ang tiwala ng Diyos, at itinatago ang kanilang tunay na katauhan sa paningin ng Diyos. Ang hindi nila pagpapahintulot sa Diyos na makakita ay dahil sa layon nila na hindi Siya pahintulutang makilala kung ano ba talaga sila. Hindi nila nais na ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos, kundi panatilihin ang mga ito para sa kanilang mga sarili. Ang ibig sabihin nito ay ang lahat ng ginagawa ng tao at ang gusto niya ay nakaplano, tinantiya at pinagpasyahan ng tao mismo; hindi niya kailangan ang pakikilahok o pakikialam ng Diyos, at lalong hindi niya kailangan ang mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos. Sa gayon, maging tungkol man sa mga utos ng Diyos, sa Kanyang tagubilin, o sa mga hinihingi ng Diyos mula sa tao, ang mga desisyon ng tao ay nakabatay sa kanyang sariling mga layunin at interes, sa kanyang sariling kalagayan at sa mga pangyayari sa panahong iyon. Laging ginagamit ng tao ang kaalaman at mga pagkaunawa na pamilyar sa kanya, at ang kanyang sariling pag-iisip, upang humatol at pumili ng landas na dapat niyang tahakin, at hindi niya pinahihintulutan ang panghihimasok o pamamahala ng Diyos. Ito ang puso ng tao na nakikita ng Diyos.

Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Iyon ay, sa lahat ng mga nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba pa, maliban sa tao, ang nagawang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga na nagbibigay sa kanya ng kakayahang makarinig, at mga mata para siya ay makakita. Mayroon siyang wika, sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan upang marinig ang Diyos na nangungusap, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang tagubilin ng Diyos, kung kaya’t ipinaaalam ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, sa kagustuhan Niyang gawin ang tao na isang makakasama na kaisa Niya sa pag-iisip at makakasama Niya sa Kanyang paglalakad. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, hinihintay na ng Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan ang Diyos na gawin itong dalisay at ihanda ito, upang ito ay maging kasiya-siya sa Diyos at mahalin ng Diyos, upang sambahin niya ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kahihinatnang ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Mag-iwan ng Tugon