Sundan Kami

Mga Kaparehong Video

"Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III" | Sipi 75

Panimula

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” | Sipi 75
Pinakain ni Jesus ang Limang libo

(Juan 6:8–13) Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro, May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa’t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan? Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang. Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila. At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.

Anong uri ng konsepto ang “limang piraso ng tinapay at dalawang isda”? Ilang mga tao ba ang karaniwang masasapatan sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda? Kung inyong susukatin batay sa ganang kumain ng isang karaniwang tao, magiging sapat lang ito para sa dalawa katao. Ito ang pinakakaraniwang konsepto ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda. Gayunman, nakasulat ito sa talatang ito na ang limang piraso ng tinapay at dalawang isda ay pinakain ang ilan? Nakatala ito sa Kasulatan sa ganitong paraan: “Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.” Kumpara sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda, ang limang libo ba ay malaking bilang? Ano ang ibig sabihin na ang bilang na ito ay napakalaki? Mula sa pananaw ng isang tao, ang paghahati-hati sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda sa pagitan ng limang libong tao ay imposible, sapagkat ang pagkakaiba sa pagitan nila ay sobrang napakalaki. Kahit na ang bawat isang tao ay magkaroon lang ng isang maliit na kagat, ito ay hindi pa rin kakasya sa limang libong tao. Ngunit narito, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang milagro—hindi lamang Niya tinulutang makakain ang limang libong tao hanggang sa sila ay mabusog, ngunit may sobra pa. Mababasa sa Kasulatan: “At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.” Itinulot ng himalang ito na makita ng mga tao ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Panginoong Jesus, at nagbigay-daan din ito sa kanila na makita na walang imposible para sa Diyos—nakita nila ang katotohanan ng pagiging makapangyarihan ng Diyos. Ang limang piraso ng tinapay at dalawang isda ay naging sapat upang pakainin ang limang libong katao, ngunit kung sakaling walang anumang pagkain magagawa kayang pakainin ng Diyos ang limang libong tao? Mangyari pa magagawa Niya! Ito ay isang himala, kaya hindi maaaring hindi madama ng mga tao na ito ay mahirap unawain at madama na ito ay hindi kapani-paniwala at misteryoso, ngunit para sa Diyos, ang paggawa ng gayong bagay ay wala lang. Yamang ito ay isang bagay na karaniwan para sa Diyos, bakit ito ang pipiliin para sa pagpapakahulugan? Sapagkat taglay ng kung ano ang nasa likod ng himalang ito ang kalooban ng Panginoong Jesus, na hindi pa kailanman nadiskubre ng sangkatauhan.

Una, subukan nating unawain kung anong uri ng mga tao itong limang libo na ito. Sila ba ay mga tagasunod ng Panginoong Jesus? Mula sa Kasulatan, nalalaman natin na sila ay hindi Niya mga tagasunod. Nalaman ba nila kung sino ang Panginoong Jesus? Siguradong hindi! Anut-anuman, hindi nila alam na ang taong nakatayo sa harap nila ay si Kristo, o marahil ang ilan sa mga tao ay alam lamang kung ano ang Kanyang pangalan, at alam ang isang bagay o nakarinig ng isang bagay tungkol sa mga bagay na Kanyang ginawa. Sila ay naintriga lamang tungkol sa Panginoong Jesus mula sa mga kuwento, ngunit tiyak na hindi ninyo masasabi na sinusundan nila Siya, lalong hindi dahil naintindihan Siya. Nang makita ng Panginoong Jesus ang limang libong tao na ito, sila ay gutom at ang naiisip lamang ay ang mabusog sila, dahil sa kalagayang ito kaya tinugunan ng Panginoong Jesus ang kanilang mga kahilingan. Nang tugunan Niya ang kanilang mga kahilingan, ano ang nasa Kanyang puso? Ano ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao na gusto lamang mabusog? Sa panahong ito, ang mga kaisipan ng Panginoong Jesus at ang Kanyang saloobin ay may kinalaman sa disposisyon at diwa ng Diyos. Kaharap ng limang libong tao na ito na pawang mga gutom na gusto lamang makakain nang husto, kaharap ng mga taong ito na puno ng pagkamausisa at mga inaasahan ukol sa Kanya, naisip lamang ng Panginoong Jesus na gamitin ang himalang ito upang bigyan sila ng biyaya. Gayunman, hindi Niya itinaas ang Kanyang mga inaasahan na sila ay magiging Kanyang mga tagasunod, sapagkat nalalaman Niya na gusto lamang nilang makisali sa kasayahan at mabusog, kaya ginawa Niya ang pinakamahusay Niyang magagawa doon, at gumamit ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda upang pakainin ang limang libong mga tao. Binuksan Niya ang mga mata nitong mga taong nasiyahan sa palabas, na gustong makakita ng mga himala, at kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata ang mga bagay na maaaring matapos ng Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat ang Panginoong Jesus ay gumamit ng isang bagay na nasasalat upang mapasiya ang kanilang pagkamausisa, batid na Niya sa Kanyang puso na ang limang libong tao na ito ay gusto lamang makakain nang masarap, kaya ni hindi Siya nagsalita nang anuman o nangaral nang anupaman sa kanila—hinayaan lamang Niya silang makitang nagaganap ang himalang ito. Tiyak na hindi Niya magagawang ituring ang mga taong ito kagaya ng kung paano Niya itinuturing ang Kanyang mga disipulo na totoong sumusunod sa Kanya, ngunit sa puso ng Diyos, ang lahat ng mga nilalang ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, at hahayaan Niya ang lahat ng mga nilalang sa Kanyang paningin na tamasahin ang biyaya ng Diyos kung ito ay kinakailangan. Kahit na ang mga taong ito ay walang alam kung sino Siya o nauunawaan Siya, o mayroong tiyak na palagay ukol sa Kanya o pasasalamat tungo sa Kanya kahit na pagkatapos nilang makain ang mga tinapay at isda, hindi ito isang bagay na ginawang usapin ng Diyos—binigyan Niya ang mga taong ito ng kahanga-hangang pagkakataon na matamasa ang biyaya ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos ay may prinsipyo sa kung ano ang Kanyang ginagawa, at hindi Niya binabantayan o ipinagsasanggalang ang mga hindi sumasampalataya, at lalong hindi Niya sila hahayaang tamasahin ang Kanyang biyaya. Iyon ba talaga ang dahilan? Sa mga mata ng Diyos, hangga’t sila’y mga buhay na nilalang na Siya Mismo ang lumikha, pamamahalaan at pangangalagaan Niya sila; gagamutin Niya sila, magpaplano para sa kanila, at pamamahalaan sila sa iba’t-ibang mga paraan. Ito ang mga kaisipan at saloobin ng Diyos tungo sa lahat ng mga bagay.

Bagamat hindi binalak ng limang libo katao na kumain sa tinapay at sa isda na sundin ang Panginoong Jesus, hindi Siya mahigpit sa kanila; sa sandaling sila ay nabusog, alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng Panginoong Jesus? Nangaral ba Siya ng anuman sa Kanila? Saan Siya nagpunta pagkatapos gawin ito? Hindi naitala ng Kasulatan na nagsabi nang anuman ang Panginoong Jesus sa kanila; nang maisagawa Niya ang Kanyang himala tahimik Siyang umalis. Kaya gumawa ba Siya ng mga kinakailangan sa mga taong ito? Mayroon bang anumang pagkamuhi? Wala nang mga ito—ayaw na lamang Niyang pansinin ang mga taong ito na hindi magagawang sumunod sa Kanya, at sa panahong ito ang Kanyang puso ay nagdurusa. Sapagkat nakita Niya ang kasamaan ng sangkatauhan at naramdaman Niya ang pagtatakwil sa Kanya ng sangkatauhan, at nang makita Niya ang mga taong ito o nang Siya ay kasama nila, ang katangahan at kamangmangan ng tao ay nagpalungkot sa Kanya at nag-iwan ng pagdurusa sa Kanyang puso, kaya gusto na lamang Niyang iwan kaagad-agad ang mga taong ito. Hindi nagkaroon ang Panginoong Jesus ng anumang mga kahilingan sa kanila sa Kanyang puso, ayaw Niyang pansinin ang mga ito, lalong ayaw Niyang gugulin ang Kanyang lakas sa kanila, at nalalaman Niyang hindi nila magagawang sumunod sa Kanya—sa kabila ng lahat ng ito, ang Kanyang saloobin tungo sa kanila ay napakalinaw pa rin. Gusto lamang Niyang maging mabait sa kanila, upang pagkalooban sila ng biyaya—ito ang saloobin ng Diyos tungo sa bawat nilalang sa ilalim ng Kanyang pamamahala: para sa bawat nilalang, tratuhin silang mabuti, maglaan para sa kanila, pakanin sila. Sa kadahilanan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ibinunyag Niya sa likas na paraan ang sariling diwa ng Diyos at trinato ang mga taong ito nang may kabutihan. Tinirato Niya sila nang mabuti gamit ang isang mahabagin at mapagparayang puso. Paano mang nakita ng mga taong ito ang Panginoong Jesus, at hindi alintana anuman ang uri ng maging kalalabasan, tinatrato lamang Niya ang bawat nilalang batay sa Kanyang katayuan bilang Panginoon ng lahat ng nilikha. Anuman ang Kanyang ibinunyag ay, nang walang pasubali, ay disposisyon ng Diyos, at kung anong mayroon at kung ano Siya. Kaya ang Panginoong Jesus ay tahimik na gumawa ng isang bagay, pagkatapos ay tahimik na umalis—anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ito? Maaari ba ninyong masabi na ito ay kagandahang-loob ng Diyos? Masasabi ba ninyo na ang Diyos ay walang pag-iimbot? Magagawa ba ito ng isang karaniwang tao? Siguradong hindi! Sa diwa, sinu-sino ang limang libong tao na ito na pinakain ng Panginoong Jesus ng limang tinapay at dalawang isda? Maaari ba ninyong masabi na sila ang mga taong naging kaayon Niya? Maaari ba ninyong masabi na sila ay laban sa Diyos? Maaaring masabi nang may katiyakan na sila ay ganap na hindi kaayon ng Panginoon, at ang kanilang diwa ay tiyak na laban sa Diyos. Ngunit paano sila tinirato ng Diyos? Gumamit Siya ng isang pamamaraan upang pahupain ang paglaban ng mga tao sa Diyos—ang pamamaraang ito ay tinatawag na “kagandahang loob.” Iyon ay, bagamat nakita sila ng Panginoong Jesus bilang mga makasalanan, sa mga mata ng Diyos gayunman sila ay Kanyang nilikha, kaya mabuti pa rin ang Kanyang pagtrato sa kanila. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos, at ang pagpapaubayang ito ay pinagpasyahan ng sariling pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Kaya, ito ay isang bagay na walang sinuman sa nilikha ng Diyos ang makagagawa—Diyos lamang ang makagagawa nito.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

I-expand