Kamatayan: Ang Ikaanim na Sugpungan
Matapos ang kayraming pagtutulakan at pagmamadalian, napakaraming mga pagkadismaya at mga kabiguan, matapos ang napakaraming galak at kalungkutan at mga tagumpay at mga kabiguan, matapos ang napakaraming di-malilimutang mga taon, matapos ang pagmasid sa mga panahon na umiikot muli’t muli, ang isa ay dumadaan sa mahahalagang mga pangyayari sa buhay na hindi napapansin, at lahat sa isang iglap natatagpuan ng isa ang kanyang sarili sa humihinang mga taon. Ang mga marka ng panahon ay nakatatak sa lahat ng bahagi ng katawan ng isang tao: Ang isa’y hindi na makatayo nang tuwid, ang ulo na may itim na buhok ay nagiging puti, ang mga maliliwanag at malinaw na mga mata ay nagdidilim at nanlalabo, ang makinis, malambot na balat ay nagiging kulubot at batik-batik. Ang pandinig ng isa ay humihina, ang mga ngipin ay lumuluwag at nalalaglag, ang mga reaksyon ay naaantala, ang mga kilos ay bumabagal…. Sa puntong ito, ang isa ay ganap na nakapagpaalam na sa masidhing mga taon ng kanyang kabataan at pumasok na sa takipsilim ng kanyang buhay: ang katandaan. Susunod, kakaharapin ng isa ang kamatayan, ang huling sugpungan sa pantaong buhay.
1. Tanging ang Manlilikha ang may Kapangyarihan sa Buhay at Kamatayan ng Tao
Kung ang kapanganakan ng isa ay naitadhana ng nakaraan niyang buhay, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng kahihinatnang yaon. Kung ang kapanganakan ng isa ay simula ng isang misyon sa buhay na ito, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong yaon. Yamang ang Manlilikha ang nagtadhana ng isang nakapirming hanay ng mga pangayayari para sa kapanganakan ng isang tao, malinaw na Siya rin ang nagsaayos ng isang pirming hanay ng mga pangyayari para sa kamatayan ng isa. Sa ibang salita, walang sinuman na ipinanganak na nagkataon lang, ang kamatayan ng isa ay hindi inaasahan, at kapwa ang kapanganakan at kamatayan ay kinakailangang konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao. Ang mga pangyayari ng kapanganakan at kamatayan ng isa ay kapwa naitadhana ng Manililikha; ito ang kahihinatnan ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Gaya ng maraming masasabi tungkol sa kapanganakan ng isa, bawat kamatayan ng tao ay magaganap sa ilalim ng magkakaibang hanay ng espesyal na mga pangyayari, kung kaya may magkakaibang mga haba ng buhay ang mga tao at magkakaibang mga kaparaanan at mga oras ng kanilang mga kamatayan. May ilang mga tao na malakas at malusog ngunit namamatay nang maaga; ang mga iba ay mahina at masasaktin ngunit nabubuhay hanggang sa tumanda, at namamatay nang mapayapa. Ang ilan ay namamatay sa di-natural na mga sanhi, ang iba’y sa natural. Ang ilan ay tinatapos ang kanilang mga buhay nang malayo sa tahanan, ang iba’y ipinipikit ang mga mata kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilang tao ay namamatay sa kalagitnaan ng himpapawid, ang iba’y sa ilalim ng lupa. Ang ilan ay lumulubog sa ilalim ng tubig, ang iba’y nawawala sa mga kapahamakan. Ang ilan ay namamatay sa umaga, ang iba sa gabi. … Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakalampas sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Ito ang pantaong kapalaran. Ang tao ay maaaring gumawa ng lahat ng uri ng mga plano para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang maaaring makapagplano ng kaparaanan at panahon ng kanyang kapanganakan at ng kanilang pag-alis mula sa mundo. Bagaman ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at tutulan ang pagdating ng kamatayan, datapwat ganoon pa rin, hindi lingid sa kanila, ang kamatayan ay matahimik na darating. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan sila mamamatay o kung paano sila magkakaganoon, higit pang lalo kung saan magaganap iyon. Nang walang alinlangan, hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi ng ilang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Manlilikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, subalit isang kinahinatnan ng kapangyarihan ng awtoridad ng Manlilikha.
2. Ang Isa na Hindi Nakakaalam sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ay Magiging Masidhi sa Takot sa Kamatayan
Kapag ang isa ay pumasok sa katandaan, ang hamon na kinakaharap niya ay hindi ang paglalaan para sa isang pamilya o pagtatatag niya ng maringal na mga ambisyon sa buhay, subalit kung paano mamamaalam sa sariling buhay, kung paano kakatagpuin ang pagtatapos ng sariling buhay, kung paano tutuldukan sa katapusan ang sariling pag-iral. Bagaman sa ibabaw tila ang mga tao ay nagbibigay ng maliit na atensyon sa kamatayan, walang sinuman ang maaaring makaiwas na galugarin ang paksa, pagkat walang sinuman ang nakakaalam kung may isa pa ngang mundo sa malayong gilid ng kamatayan, isang mundo na hindi maaaring mahiwatigan o maramdaman, isa na wala silang alam. Ito ang sanhi ng takot sa tao upang tuwirang harapin ang kamatayan, takot na kaharapin ito nang nararapat, at sa halip gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang paksa. At kung kaya pinupuno nito ang mga tao ng pangamba tungkol sa kamatayan, at nagdadagdag ng belo ng misteryo sa di-maiiwasang katotohanang ito ng buhay, naglalagay ng isang walang-puknat na anino sa bawat puso ng tao.
Kapag nararamdaman ng isa na ang kanyang katawan ay nanghihina na, kapag nadadama ng isa na siya ay papalapit na sa kamatayan, ang isa ay nakakaramdam ng malabong pangamba, isang di-maipahayag na takot. Ang takot sa kamatayan ay nagpapadama sa isa ng mas matindi pang kalungkutan at kawalang-magawa, at sa puntong ito tinatanong ng isa sa sarili: Saan nanggaling ang tao? Saan papunta ang tao? Sa ganito ba mamamatay ang tao, na ang buhay ay madaling lumipas sa kanya? Ito ba ang yugto na nagtatakda sa katapusan ng buhay ng tao? Ano, sa katapusan, ang kahulugan ng buhay? Ano ang halaga ng buhay, sa wakas? Tungkol ba ito sa katanyagan o karangyaan? Tungkol ba ito sa pagpapalaki ng isang pamilya? … Hindi alintana anuman ang napag-iisipan tungkol sa tiyak ng mga katanungan, hindi alintana kung gaano kalalim ang takot ng isa sa kamatayan, sa mga kaibuturan ng puso ng bawat tao may palaging isang pagnanais na siyasating maigi ang mga misteryo, isang damdamin ng kawalang pagkaunawa sa buhay, at kahalo ng mga ito, pagkasentimental tungkol sa mundo, isang pag-aatubili na lumisan. Marahil walang sinuman ang makakapagbigkas nang malinaw kung ano ang kinatatakutan ng tao, kung ano ang nais siyasatin ng tao, kung ano ang dinaramdam niya at kung ano ang pinag-aatubilihan niyang iwan. …
Dahil sa takot nila sa kamatayan, ang mga tao ay masyadong nag-aalala; dahil sa takot nila sa kamatayan, kaydami nang hindi nila maaaring bitawan. Kapag sila ay mamamatay na, may ilang mga tao ang naliligalig sa ganito o sa ganoon; nag-aalala sila tungkol sa kanilang mga anak, mga minamahal nila sa buhay, kanilang kayamanan, na para bang sa pamamagitan ng pag-aalala mabubura nila ang paghihirap at pangamba na dinadala ng kamatayan, na para bagang sa pagpapanatili ng isang uri ng pagkamalapit sa nabubuhay maaari nilang matakasan ang kawalang-magawa at kalungkutan na sumasama sa kamatayan. Sa kailaliman ng pantaong puso doon nakahimlay ang isang unang takot, isang takot nang pagkakalayo mula sa mga minamahal, na hindi kailanman muling makikita ng mga mata ang mga bughaw na kalangitan, na kailanman hindi na matitingnan ang materyal na mundo. Ang isang nalulungkot na kaluluwa, sanay na kasama ang mga minamahal, ay nag-aatubili na pakawalan ang hawak nito at lumisan, na nag-iisa, tungo sa isang di-nakikilala, hindi pamilyar na mundo.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao