Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 218

995 2020-12-31

Ang gawain na Akin nang pinamamahalaan nang libu-libong taon ay ganap na nabubunyag sa tao sa mga huling araw lamang. Ngayon Ko lamang nailantad sa tao ang buong misteryo ng Aking pamamahala, at batid na ng tao ang layunin ng Aking gawain at, bukod dito, ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. Nasabi Ko na sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Nabuksan Ko na para sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo, mga misteryo na nakatago nang mahigit 5,900 taon. Sino si Jehova? Sino ang Mesiyas? Sino si Jesus? Dapat ninyong malaman ang lahat ng ito. Ang Aking gawain ay umiikot sa mga pangalang ito. Naunawaan na ba ninyo iyan? Paano dapat iproklama ang Aking banal na pangalan? Paano dapat mapalaganap ang Aking pangalan sa alinman sa mga bansa na tumawag sa Akin sa alinman sa Aking mga pangalan? Ang Aking gawain ay lumalawak, at Aking palalaganapin ang kapunuan nito sa lahat ng bansa. Dahil ang Aking gawain ay naisakatuparan na sa inyo, hahampasin Ko kayo gaya ng paghampas ni Jehova sa mga pastol sa sambahayan ni David sa Israel, na magsasanhi sa inyong kumalat sa bawat bansa. Dahil sa mga huling araw, dudurugin Ko ang lahat ng bansa sa maliliit na piraso at sasanhiin na muling maipamahagi ang kanilang mga tao. Sa muli Kong pagbabalik, ang mga bansa ay nahati na sa mga hangganang itinakda ng Aking nagliliyab na apoy. Sa panahong iyon, ipamamalas Kong muli ang Aking Sarili sa sangkatauhan bilang ang nakakapasong araw, ipinapakita ang Aking Sarili nang lantaran sa kanila sa larawan ng Banal na hindi pa nila nakita kailanman, na naglalakad sa gitna ng napakaraming bansa, gaya ng Ako, si Jehova, ay minsang naglakad kasama ng mga tribong Judio. Simula roon, pangungunahan Ko ang sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa daigdig. Doon tiyak na makikita nila ang Aking kaluwalhatian, at tiyak na makikita rin nila ang isang haliging ulap sa himpapawid upang pangunahan sila sa kanilang mga buhay, dahil magpapakita Ako sa mga banal na lugar. Makikita ng tao ang Aking araw ng pagkamakatuwiran, at gayon din ang Aking maluwalhating pagpapamalas. Magaganap iyan kapag naghari Ako sa buong daigdig at dinala ang marami Kong mga anak sa kaluwalhatian. Sa lahat ng dako sa daigdig, yuyuko ang mga tao, at ang Aking tabernakulo ay matatag na itatayo sa gitna ng sangkatauhan, sa ibabaw ng pundasyon ng gawain na Aking isinasakatuparan ngayon. Ang mga tao ay maglilingkod din sa Akin sa templo. Ang altar, na balot ng marurumi at nakasusuklam na mga bagay, ay Aking dudurugin at itatayong muli. Ang mga bagong silang na tupa at guya ay isasalansan sa ibabaw ng banal na altar. Gigibain Ko ang templo ng kasalukuyan at magtatayo ng bago. Ang templo na nakatayo ngayon, na puno ng kasuklam-suklam na mga tao, ay guguho, at ang Aking itatayo ay mapupuno ng mga lingkod na tapat sa Akin. Muli silang tatayo at maglilingkod sa Akin alang-alang sa kaluwalhatian ng Aking templo. Tiyak na makikita ninyo ang araw kung kailan tatanggap Ako ng dakilang kaluwalhatian, at tiyak na makikita rin ninyo ang araw kung kailan Aking gigibain ang templo at magtatayo ng bago. Gayon din, tiyak na makikita ninyo ang araw ng pagdating ng Aking tabernakulo sa mundo ng mga tao. Habang winawasak Ko ang templo ay dadalhin Ko rin ang Aking tabernakulo sa mundo ng mga tao, habang minamasdan nila ang Aking pagbaba. Pagkatapos Kong durugin ang lahat ng bansa, titipunin Ko silang muli, at mula roon ay itatayo ang Aking templo at itatatag ang Aking altar, upang ang lahat ay maaaring maghandog sa Akin ng mga alay, maglingkod sa Akin sa Aking templo, at matapat na ilaan ang kanilang mga sarili sa Aking gawain sa mga bansang Hentil. Sila ay magiging katulad ng mga Israelita sa kasalukuyan, nakasuot ng damit at korona ng saserdote, nang may kaluwalhatian Ko, si Jehova, sa kalagitnaan nila, at Aking pagiging maharlika na umaali-aligid sa kanila at nananatili sa kanila. Ang Aking gawain sa mga bansang Hentil ay ipapatupad din sa parehong paraan. Tulad ng Aking gawain sa Israel, gayon din ang magiging gawain Ko sa mga bansang Hentil, sapagkat palalawakin Ko ang Aking gawain sa Israel at palalaganapin ito sa mga bansa ng mga Hentil.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Mag-iwan ng Tugon