Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 536

1,617 2020-09-16

Bawat isa sa mga salita ng Diyos ay tumatama sa isa sa ating mga mortal na bahagi, na iniiwan tayong sugatan at puno ng takot. Inilalantad Niya ang ating mga kuru-kuro, ang ating mga imahinasyon, at ang ating tiwaling disposisyon. Mula sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa, hanggang sa lahat ng ating iniisip at ideya, ang ating kalikasan at diwa ay nahahayag sa Kanyang mga salita, na iniiwan tayong natatakot at nanginginig na walang mapagtaguan ng ating kahihiyan. Isa-isa, sinasabi Niya sa atin ang tungkol sa lahat ng ating kilos, ating mga layunin at hangarin, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin mismo natutuklasan, kaya pakiramdam natin ay nakalantad ang lahat ng ating kahabag-habag na depekto at, bukod pa riyan, talagang nahikayat tayo. Hinahatulan Niya tayo sa paglaban natin sa Kanya, kinakastigo tayo sa paglapastangan at pagkondena natin sa Kanya, at ipinaparamdam sa atin na, sa Kanyang paningin, wala tayo ni isang katangiang katubus-tubos, na tayo ang buhay na Satanas. Nawasak ang ating mga pag-asa; hindi na tayo nangangahas na humiling sa Kanya ng anumang di-makatwiran o magpakana sa Kanya, at naglalaho maging ang ating mga pangarap sa magdamag. Ito ay isang katunayan na walang sinuman sa atin ang makakaisip at walang sinuman sa atin ang makatatanggap. Sa loob ng isang saglit, nawawalan tayo ng panimbang at hindi natin alam kung paano magpapatuloy sa daan tungo sa hinaharap, o kung paano magpapatuloy sa ating mga paniniwala. Para bang ang ating pananampalataya ay nagsimulang muli sa umpisa, at para bang hindi pa natin nakita kailanman ang Panginoong Jesus o nakilala Siya. Lahat ng nasa ating harapan ay pinupuno tayo ng pagkalito at pinag-aatubili tayo. Nasisiraan tayo ng loob, nalulungkot, at sa kaibuturan ng ating puso ay may di-mapigilang galit at kahihiyan. Sinusubukan nating magbulalas, makaiwas, at, bukod pa riyan, magpatuloy sa paghihintay para sa ating Tagapagligtas na si Jesus, upang maibuhos natin ang nilalaman ng ating puso sa Kanya. Bagama’t may mga pagkakataong mukha tayong kalmado, hindi mayabang ngunit hindi rin mapagpakumbaba, sa ating puso ay dama natin ang kawalan na hindi pa natin nadama kailanman. Bagama’t kung minsan ay mukha tayong kalmado, ang ating isipan ay naguguluhan sa paghihirap gaya ng maunos na dagat. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nahubaran tayo ng lahat ng pag-asa at pangarap natin, na nagwawakas sa ating maluluhong pagnanasa at iniiwan tayong hindi handang maniwala na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayahan Siyang iligtas tayo. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng puwang sa pagitan natin sa Kanya, na napakalalim kaya walang sinumang gustong tumawid doon. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na nagdanas tayo ng gayon kalaking kabiguan, gayon kalaking kahihiyan sa ating buhay. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay naging dahilan upang tunay nating pahalagahan ang karangalan at hindi pagpaparaya ng Diyos sa pagkakasala ng tao, kumpara sa kung saan tayo masyadong mababa, masyadong marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatanto sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung paanong ang tao ay hindi kailanman magiging katulad ng Diyos, o kapantay ng Diyos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagawa tayong sabik na hindi na mamuhay sa gayon katiwaling disposisyon, alisin sa ating sarili ang ganitong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at tumigil na tayo sa pagiging masama at kasuklam-suklam sa Kanya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpasaya sa atin sa pagsunod sa Kanyang mga salita, hindi na naghihimagsik laban sa Kanyang pangangasiwa at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang nagbigay sa atin ng pagnanais na mabuhay pa at nagpasaya sa atin sa pagtanggap sa Kanya bilang ating Tagapagligtas…. Nakalabas na tayo ng gawain ng paglupig, nakalabas ng impiyerno, nakalabas ng lambak ng anino ng kamatayan…. Ang Makapangyarihang Diyos ay nakamit na tayo, ang grupong ito ng mga tao! Nagtagumpay Siya laban kay Satanas at tinalo ang napakarami Niyang kaaway!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Tanggapin ang Paghatol upang Makamit ang Buhay

I

Lahat ng salita ng Diyos ay tumatama sa atin, iniiwan tayong malungkot at puno ng takot. 'Binubunyag Niya'ng kuru-kuro't imahinasyon, at tiwaling disposisyon natin. Sa lahat ng ating sinasabi't ginagawa sa bawat sariling kaisipan at ideya, binubunyag Niya'ng kalikasan natin sa mga salita Niya, iniiwan tayong natatakot at nanginginig na walang mapagtaguan ng kahihiyan. 'Pinapakita Niya'ng ating mga kilos, layunin, at katiwaliang 'di pa natin natuklasan, kaya ramdam na lantad ang ating mga depekto, at ganap Niya tayong nakukumbinsi. Tayo'y hinahatulan Niya sa paglaban sa Kanya, kinakastigo sa pagkondena at paglapastangan sa Kanya. Ramdam natin na sa paningin Niya tayo'y wala ni isang katangiang katubus-tubos, na tayo'y si Satanas mismo sa anyong tao. Sa paghatol Niya, ramdam natin ang dangal ng Diyos at 'di pagpaparaya sa paglabag ng tao, kumpara sa kung sa'n tayo'y napakababa't marumi. Dahil sa paghatol at pagkastigo Niya, napagtanto ang kayabangan natin, kita natin pa'nong tao'y 'di magiging kapantay ng Diyos.

II

Paghatol at pagkastigo Niya'y nagawa tayong sabik na alisin ang tiwaling disposisyon at kalikasang ito sa lalong madaling panahon at tumigil sa pagiging kasuklam-suklam sa Kanya. Nagawa nitong sumunod tayo sa mga salita Niya; 'di na susuway pa sa pagsasaayos Niya. Dahil sa pagkastigo't paghatol Niya, ninanais nating mabuhay. Malugod natin Siyang tinatanggap bilang Tagapagligtas…. Tayo ay normal na mga tao, na may mga tiwaling disposisyon, mga itinalaga ng Diyos bago ang mga kapanahunan; mula sa dumi'y nabuhat na Niya tayo. Minsang hinatulan natin ang Diyos, ngayo'y nilulupig Niya tayo. 'Binigay na Niya sa 'tin ang daan ng walang hanggang buhay. Sa'n man tayo tutungo, anuman ang titiisin, 'di tayo mabubuhay kung wala'ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, pagka't Siya'ng Lumikha, tanging katubusan natin! Pag-ibig ng Diyos ay lumalaganap at 'binigay sa 'yo, sa 'kin at sa naghahanap ng katotohanan at matiyagang naghihintay sa pagpapakita ng Diyos. Tulad ng araw at buwang halinhinang sumisikat, 'di ititigil ng Diyos ang gawain Niya sa sinumang sumusunod at tumatanggap sa paghatol Niya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon