Sa landas ng iyong paglilingkod sa hinaharap, paano mo matutupad ang kalooban ng Diyos? Ang isang mahalagang punto ay ang patuloy na sikaping makapasok sa buhay, patuloy na sikaping magkaroon ng pagbabago sa disposisyon, at patuloy na sikaping mas lalong makapasok sa katotohanan—ito ang landas tungo sa pagtatamo ng pagpeperpekto at pagiging nakamit ng Diyos. Lahat kayo ay tumatanggap ng tagubilin ng Diyos, ngunit anong klaseng tagubilin? Nauugnay ito sa susunod na hakbang ng gawain; ang susunod na hakbang ng gawain ay magiging mas dakilang gawaing isinasagawa sa buong sansinukob, kaya ngayon, dapat ninyong patuloy na sikaping baguhin ang inyong disposisyon sa buhay, upang sa hinaharap ay talagang maging patunay kayo ng pagtatamo ng Diyos ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng Kanyang gawain, na gagawin kayong mga uliran para sa Kanyang gawain sa hinaharap. Ang patuloy na pagsisikap ngayon ay lubos na para sa paglalatag ng pundasyon para sa gawain sa hinaharap, upang makasangkapan kayo ng Diyos at makapagpatotoo kayo sa Kanya. Kung gagawin mo itong mithiin ng iyong patuloy na pagsisikap, makakamit mo ang presensya ng Banal na Espiritu. Kapag mas mataas ang itinatakda mong mithiin ng iyong patuloy na pagsisikap, mas magagawa kang perpekto. Kapag mas patuloy mong pinagsisikapang matamo ang katotohanan, mas gumagawa ang Banal na Espiritu. Kapag mas masigla ka sa iyong patuloy na pagsisikap, mas marami kang mapapala. Pineperpekto ng Banal na Espiritu ang mga tao ayon sa panloob nilang kalagayan. Sinasabi ng ilang tao na hindi sila handang kasangkapanin ng Diyos o gawin Niyang perpekto, na nais lamang nilang manatiling ligtas ang kanilang laman at hindi dumanas ng anumang kamalasan. Ang ilang tao ay ayaw pumasok sa kaharian subalit handang bumaba sa walang hanggang kalaliman. Kung gayon, ipagkakaloob din ng Diyos ang iyong nais. Anuman ang patuloy mong pagsikapan, papangyarihin iyon ng Diyos. Kaya ano ang patuloy mong pinagsisikapan sa ngayon? Iyon ba ay ang magawang perpekto? Ang kasalukuyan mo bang mga kilos at pag-uugali ay para magawang perpekto ng Diyos at makamit Niya? Kailangan mong palagiang sukatin ang iyong sarili sa ganitong paraan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung buong puso mong patuloy na pinagsisikapang makamtan ang isang mithiin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos. Gayon ang landas ng Banal na Espiritu. Ang landas kung saan ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao ay nakakamit sa pamamagitan ng kanilang patuloy na pagsisikap. Kapag mas nauuhaw kang magawang perpekto at makamit ng Diyos, mas gagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Kapag mas bigo kang magsikap, at mas negatibo ka at bumabalik sa dati, mas pinagkakaitan mo ang Banal na Espiritu ng mga pagkakataong gumawa; habang lumalaon, pababayaan ka ng Banal na Espiritu. Nais mo bang magawang perpekto ng Diyos? Nais mo bang makamit ng Diyos? Nais mo bang kasangkapanin ka ng Diyos? Dapat ninyong patuloy na sikaping gawin ang lahat para magawa kayong perpekto, makamit, at kasangkapanin ng Diyos, upang makita ng lahat ng bagay sa sansinukob ang mga kilos ng Diyos na nakikita sa inyo. Kayo ang panginoon ng lahat ng bagay, at sa gitna ng lahat ng naroroon, hahayaan ninyong matamasa ng Diyos ang patotoo at pagluluwalhati sa pamamagitan ninyo—patunay ito na kayo ang pinakamapalad sa lahat ng henerasyon!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos
Mas Kumikilos ang Banal na Espiritu sa mga Taong Nais Magawang Perpekto
Ⅰ
Hangarin n'yong baguhin na ngayon, ang inyong disposisyon, nang maging patunay kayo ng luwalhati ng Diyos, huwaran ng gawain N'ya. Hangarin ngayo'y maglatag lang ng pundasyon, nang magamit ka Niya't mapatotohanan mo Siya. Kung ito ang magiging mithiin mo, presensya ng Espiritu ay matatanggap mo.
Ⅱ
Magtuon sa mithiin at ikaw ay mapeperpekto. Ito ang landas ng Banal na Espiritu. Dito ginagabayan ng Espiritu ang tao at sa paghahangad nakakamit nila ito. 'Pag mas mataas ang mithiin, ika'y mas mapeperpekto. 'Pag totoo'y mas hinanap mo, mas kikilos ang Espiritu. 'Pag mas nagsikap ka, higit ang matatanggap mo. Tao'y pineperpekto ng Diyos ayon sa kalooban nila.
Ⅲ
'Pag mas ginusto mong maperpekto't matamo Niya, mas kikilos ang Espiritu sa loob mo. 'Pag mas 'di ka naghahanap at ika'y negatibo, Siya ay unti-unting lalayo sa iyo.
Ⅳ
Dapat mong gawin ang lahat Para maperpekto at magamit ng Diyos, nang makita ng lahat sa sansinukob ang ibinunyag na gawa ng Diyos sa inyo. 'Pag mas mataas ang mithiin, ika'y mas mapeperpekto. 'Pag totoo'y mas hinanap mo, mas kikilos ang Espiritu. 'Pag mas nagsikap ka, higit ang matatanggap mo. Tao'y pineperpekto ng Diyos ayon sa kalooban nila. Kayo ang amo sa lahat. Sa gitna nila, hayaang Diyos masaksihan at luwalhatiin dahil sa inyo. Ito'y patunay na kayo'y pinaka-pinagpala. 'Pag mas mataas ang mithiin, ika'y mas mapeperpekto. 'Pag totoo'y mas hinanap mo, mas kikilos ang Espiritu. 'Pag mas nagsikap ka, higit ang matatanggap mo. Tao'y pineperpekto ng Diyos ayon sa kalooban nila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos