Mag-subscribe

Menu

Paliwanag ng Kawikaan 9:10—ang Pasimula ng Karunungan

Repleksyon sa Ebanghelyo Ngayon

Ang pagkatakot kay Jehova ay pasimula ng karunungan: at ang kaalaman ng Banal ay kaunawaan.

Kapag nakatagpo kayo ng mga paghihirap sa buhay at hindi mo alam kung paano haharapin ang mga ito, kapag gusto niyong makakuha ng ilang magagandang ideya sa trabaho ngunit nabigo, kapag nakatagpo kayo ng mga paghihirap sa iyong pag-aaral at hindi alam kung paano lutasin ang mga ito, kapag nakatagpo kayo ng mga problema sa pananampalataya at hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, alam niyo ba kung ano ang pinakamatalinong paraan na dapat gawin?

Sabi ng Diyos, “Ang pinakadakilang karunungan ay ang hingin ang tulong ng Diyos at umasa sa Diyos sa lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na hindi pa naiintindihan ng karamihan sa mga tao. Sa halip ay ano ang kanilang pinaniniwalaan? ‘Mas nag-aaral ako, mas nakikinig at nagbabasa ng maraming salita ng Diyos, at dumadalo sa maraming pulong, natututo ng maraming kasanayan at maraming awitin. Pagkatapos ay lalo pa akong nananalangin, lalo pang nakikibahagi sa mga kapatid, lalo pang ginagawa ang aking mga tungkulin, lalo pang nagdurusa, lalo pang nagsasakripisyo, tumatalikod sa mas marami pang bagay, at ito na marahil ang pinakadakilang karunungan.’ Ngunit nakaligtaan ninyo ang pinakahuling layunin ng paggawa ng lahat ng ito. Gaano man kalaking katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, gaano man karami ang mga tungkuling kanyang nagampanan, gaano man katindi ang dinanas ng isang tao habang ginagampanan ang mga tungkuling iyon, gaano man kataas o kababa ang katayuan ng isang tao, o ano man ang uri ng kapaligiran ang kanyang kinapapalooban, ang isang hindi dapat mawala sa kanya ay ang tumingala sa Diyos at umasa sa Kanya sa lahat ng kanyang gagawin. Ito ang pinakadakilang uri ng karunungan. Bakit Ko sinasabing ito ang pinakadakilang karunungan? Kahit pa naunawaan ng isang tao ang maraming katotohanan, sapat na ba ito kung hindi siya aasa sa Diyos? May mga tao na makaraang maniwala sa Diyos nang may katagalan ay nakauunawa na ng ilang katotohanan at nakaranas na ng ilang pagsubok. Maaaring may natamo na silang kaunting praktikal na karanasan, ngunit hindi nila alam kung paano umasa sa Diyos, o hindi nila nauunawaan kung paano tumingala sa Diyos at umasa sa Kanya. Nagtataglay ba ng karunungan ang ganoong mga tao? Sila ang pinakahangal sa lahat ng tao, at ang uri na ang palagay sa sarili ay napakatalino nila; hindi sila natatakot sa Diyos at hindi iwinawaksi ang masama. Sinasabi ng ilang tao: ‘Nauunawaan ko ang maraming katotohanan at nagtataglay ako ng katotohanang realidad. Ayos lamang na gawin ang mga bagay sa isang paraang may prinsipyo. Tapat ako sa Diyos, at alam ko kung paano maging malapit sa Diyos. Hindi pa ba sapat na umaasa ako sa katotohanan?’ Kung doktrina ang pag-uusapan, mainam ang ‘Umasa sa katotohanan’. Gayunman, maraming pagkakataon at sitwasyon kung saan hindi alam ng mga tao kung ano ang katotohanan o kung ano ang mga katotohanang prinsipyo. Alam ito ng lahat ng may praktikal na karanasan. Halimbawa, kapag may makaharap kang ilang usapin, maaaring hindi mo alam kung paano isasagawa o ilalapat ang katotohanang may kabuluhan sa usaping ito. Ano ang dapat mong gawin sa mga pagkakataong tulad nito? Gaano man karami ang taglay mong praktikal na karanasan, hindi mo makakayang taglayin ang katotohanan sa lahat ng mga sitwasyon. Gaano man karaming taon kang naniwala sa Diyos, gaano mang karaming bagay ang naranasan mo, at gaano man karaming pagtatabas, pagwawasto, o pagdisiplina ang naranasan mo, ikaw ba ang pinagmumulan ng katotohanan? Sinasabi ng ilang tao: ‘Alam na alam ko ang mga kilalang pananalita at talatang iyon sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao; hindi ko na kailangang umasa sa Diyos o tumingala sa Kanya. Pagdating ng panahon, magiging maayos ako sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa mga salitang ito ng Diyos.’ Hindi nagbabago ang mga salitang isinaulo mo, ngunit ang mga kapaligirang nakatagpo mo gayundin ang iyong mga katayuan ay pabago-bago. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga literal na salita at pagsasalita tungkol sa maraming espirituwal na doktrina ay hindi nangangahulugan ng pagkaunawa sa katotohanan, at lalong hindi ito nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa bawat sitwasyon. Kaya’t may napakahalagang aral na matututuhan dito: Iyon ay ang pangangailangan ng mga tao na tumingala sa Diyos sa lahat ng bagay, at sa pagsasagawa nito, makakamtan nila ang pag-asa sa Diyos. Tanging sa pag-asa sa Diyos magkakaroon ang mga tao ng landas na susundan. Kung hindi magkagayon, may bagay kang magagawa nang tama at naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, ngunit kung hindi ka aasa sa Diyos, kung gayon ang mga pagkilos mo ay mga gawain lamang ng tao at hindi nangangahulugang nabibigyang-lugod mo na ang Diyos. Sapagkat may ganoong kababaw na pagkaunawa sa katotohanan ang mga tao, malamang na sumunod sila sa mga tuntunin at pilit na mangunyapit sa mga titik at doktrina sa pamamagitan ng paggamit ng gayunding katotohanan kapag nahaharap sa iba’t ibang sitwasyon. Posible na makumpleto nila ang maraming bagay bilang pangkalahatang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo, ngunit hindi makikita rito ang patnubay ng Diyos, o ang gawain ng Espiritu Santo. May malubhang problema rito, iyan ay ang mga tao na nagsasagawa ng maraming bagay na umaasa lamang sa kanilang karanasan at sa mga tuntunin na naunawaan nila, at sa ilang paglalarawan sa isip ng tao. Halos hindi nila matamo ang pinakamahusay na resulta, na nagmumula sa malinaw na pag-unawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingala sa Kanya at pananalangin sa Kanya, at sa pag-asa sa gawain at patnubay Niya. Dahil dito, sinasabi Ko na ang pinakadakilang karunungan ay ang tumingala sa Diyos at umasa sa Kanya sa lahat ng bagay.

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang pinakadakilang karunungan ay ang umasa sa Diyos! Dapat nating unahin ang Diyos, umasa sa Kanya sa ating puso, magsumikap na makipagtulungan, at harapin ang mga problema nang may karunungan na ibinigay ng Diyos. Sa paggawa lamang nito ay makakamit natin ang patnubay at mga pagpapala ng Diyos.

Mga kaibigan, sa puntong ito, naiintindihan na ba ninyo ngayon ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos? Kapag tayo ay tunay na lumalapit sa Diyos at umasa sa Kanya, bibigyan tayo ng Diyos ng karunungan upang magkaroon tayo ng daan na susundan sa anumang bagay na ating makaharap. Kung gusto niyong matuto nang higit pa tungkol sa pagtingin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, mangyaring i-click ang link upang makilahok sa pag-aaral online.

Mag-iwan ng Tugon