Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag ng Awit 46:1

Bible Verse of the Day Tagalog

Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan

Habang Dumadalas ang mga Sakuna, Paano Tayo Makakapasok sa Kanlungan?

Paliwanag ng Awit 46 1

2,000 taon na ang nakalilipas, ipinropesiya ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng lahat ng uri ng mapangwasak na sakuna sa mga huling araw: “Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y 'di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailanman” (Mateo 24:21). Kasalukuyan, ang mga sakuna sa buong mundo ay lumalaki. Sunud-sunod ang mga lindol, taggutom, digmaan, at baha, at patuloy pa rin ang pandaigdigang pandemya. Sa harap ng mga sakuna, natural tayong nag-aalala sa kaligtasan ng ating sarili at ng ating pamilya, ngunit wala tayong magawa. Mangyaring huwag kalimutan: Ang Diyos ang ating kanlungan at ang tanging sandigan natin sa pagdurusa. Ito'y tulad ng sinasabi ng Kasulatan: “Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan” (Awit 46:1).

Sa katunayan, ang paglitaw ng mga sakuna na ito ay nagpapahiwatig na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Ang Panginoon ay nagbalik na at nagpahayag ng milyun-milyong salita upang gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay. Nilalayon Niyang ganap na alisin sa atin ang katiwalian upang tayo ay maging dalisay at sa gayon ay makaligtas sa mga sakuna at madala sa kaharian ng langit. Kaya paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon upang matamo ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw at makapasok sa kanlungan?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). At ito ay ipinropesiya sa maraming bahagi sa Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (2 at 3 ng Pahayag).

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!”

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang pinakamahalagang bagay sa pagsalubong sa pgbabalik ng Panginoon ay ang pagbibigay-pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Kapag narinig natin ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng mga salita, dapat nating hanapin at pakinggan ang mga salitang ito upang makita kung ito ang katotohanan at tinig ng Diyos. Kapag nakilala natin ang mga salitang ito bilang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundin. Ito ay pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Mga kaibigan, sa pagkakita nito, gusto ba ninyong basahin ang mga salita ng nagbalik na Panginoon upang muling makasama ang Panginoon at sa gayon ay makamit ang pagliligtas ng Diyos sa panghuling-kapanahunan at makapasok sa kanlungan? I-click upang makipag-ugnayan sa amin sa Messenger at makikipag-ugnayan kami sa inyo online.

Mag-iwan ng Tugon