Sa pagpasok ng 2020, ang mga sakuna sa buong mundo ay dumarami lalo at mas seryoso. Ang mga palatandaan sa katapusan ng panahon ay lumitaw na at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad. Paano natin sasalubungin ang Panginoon bago ang matinding kapighatian at ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos? Minsan sinabi ng Panginoong Jesus, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Maliwanag, ang mga salita ng Panginoon ay nagpakita sa atin ng paraan upang masalubong ang Panginoon at ma-rapture. Masiyahan sa sumusunod na nilalaman upang matuto nang higit pa.
At samantalang siya’y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw.
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas.
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa’y iiwan.
Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
» Inirerekomenda para sa iyo:
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.
Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man.
At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga’y ang Anak ng tao, na nasa langit.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “madagit paitaas” ay hindi ang madala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Malaking pagkakamali iyan. Ang madagit paitaas ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagpili noon pa man. Nakatutok ito sa lahat ng Aking naitalaga at napili noon pa man. Yaong mga nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, ang katayuan ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng tao na nadagit. Lubha itong hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao. Yaong mga may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay pawang mga tao na nadala sa Aking harapan. Totoo talaga ito, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga noon pa man ay madadagit sa harap Ko.
Hinango mula sa “Kabanata 104” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, o nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong masasamang tao na sumasapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng puwersang laban sa Diyos ay tumitigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala na ang pagtiwali ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas na at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa tao ay lubusan nang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawat tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng normal na buhay. Ang mga tao ay hindi na susuway o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eva. Ito ang kani-kanyang buhay at hantungan ng Diyos at ng sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang di-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan at pagpasok sa kapahingahan ng tao ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang sumasamba ang tao sa Diyos sa kapahingahan, mamumuhay siya sa lupa, at habang inaakay ng Diyos ang natitirang bahagi ng sangkatauhang nasa kapahingahan…. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga masuwayin sa Kanya sa lupa ay mawawasak; sila ay mawawasak sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.
Hinango mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”
» Nauugnay na mga Artikulo:
Malinaw na iprinopesiya ng Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Kitang-kita na sa pagbabalik ng Panginoon ay magsasalita Siya at bibigkasin ang Kanyang mga salita, at ang lahat ng mga nakikinig sa tinig ng Diyos at tinanggap ang Panginoon ay mara-rapture sa harap ng Diyos at dadalo sa kapistahan kasama ng Panginoon bago ang sakuna.
Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.
Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.
At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan.
At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. … Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.
Hinango mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan”
Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi kailanman tumitigil.
Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao”
» Rekomendasyon:
» Tala ng Editor: Mula sa nilalaman sa itaas, makikita natin na kapag madalas mangyari ang mga sakuna ay ang oras na dapat nating tanggapin ang Panginoon. Ang tunay na mai-rapture ay hindi nangangahulugan na kapag bumalik ang Panginoon, irarapture Niya tayo sa hangin upang salubungin Siya; sa halip, nangangahulugan ito na pakinggan ang nagbabalik na mga pagbigkas ng Panginoon, sundan ang mga yapak ng Diyos, at tanggapin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Kung mayroon ka pa ring mga katanungan tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon at mai-rapture sa makalangit na kaharian, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Masaya kaming magbahagi sa iyo ng mas higit na balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon.
Welcome ka na gamitin ang Pang-kristiyanong debosyonal na mapagkukunan sa mga seksyon sa Mga Bersikulo ayon sa Paksa at Pag-aaral ng Bibliya upang pagyamanin ang iyong espirituwal na buhay.