Propesiya sa Pahayag 6:1–8: Dumating na ba ang Apat na Kabalyero ng Apocalipsis?
“At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya’y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa’t isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa” (Pahayag 6:1—8).
Maaaring alam ng lahat ng mga pamilyar sa Bibliya na ito ay isang propesiya ng katapusan ng mundo sa Aklat ng Pahayag. Gaya ng ipinropesiya, lumitaw ang apat na kabalyero nang mabuksan ang unang apat sa pitong tatak. Sa paglitaw ng apat na kabalyero, darating ang salot, digmaan, taggutom at kamatayan, na papatay sa isang-kapat na bahagi ng mga tao sa lupa.
Natupad na ba ang propesiyang ito? Tingnan natin ang mga sakuna na naganap sa nakalipas na ilang taon: Mula sa katapusan ng 2019 hanggang sa kasalukuyan, sa loob lamang ng mahigit 2 taon, ang COVID-19 ay nagngangalit sa buong mundo na may higit sa 500 milyong tao ang nahawahan at isang nakakagulat na bilang ng mga namatay! Ang mga digmaan ay patuloy sa mga nakaraang taon, tulad ng mga digmaan sa Myanmar at tunggaliang Israeli-Palestinian. Bukod pa rito, ang pagsiklab ng digmaang Russian-Ukrainian ngayong 2022 na nakakuha ng atensyon ng mundo ay nagdulot ng malaking epekto sa buong mundo! Iniisip ng maraming iskolar ng Bibliya na malamang dumating na ang dalawang kabalyero na kumakatawan sa salot at digmaan. Ang mas nakakatakot pa, ang pandemya at digmaan ay nagpapatuloy, kaya ang taggutom ay hindi maiiwasan, at ang hinaharap ay hindi maisip. Kaya’t ang dalawang kabalyero na kumakatawan ba sa taggutom at kamatayan ay talagang malapit na? Anuman ang sagot, ayon sa mga propesiya sa Bibliya, ang malalaking sakuna ay sunod-sunod na darating. Gaya ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan” (“Kabanata 65” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula).
Sa pagharap sa mga sakuna sa katapusan ng mundo, nasaan ang daan palabas para sa ating mga tao? Paano natin matatamo ang proteksyon ng Diyos sa panahon ng mga sakuna? Kung gusto mong makuha ang mga sagot, mangyaring i-click ang chat window sa kanang sulok sa ibaba upang makipag-ugnayan sa amin. Hanapin natin ang mga sagot sa mga salita ng Diyos.