Menu

16 na Bible Verses About Life Tagalog na Magbibigay sa Iyo ng Lakas

Inaasam namin na ang mga Bible verses about life at mga kaugnay na salita ng Diyos ay magpapalakas ng iyong pananampalataya at matulungan kang maunawaan na mahalaga na ipursige ang buhay sa pananampalataya sa Diyos. Anuman ang mga dagok o kabiguan na iyong nararanasan sa panahon ng paglalakbay sa paghahanap sa Diyos, inaasam naming ang mga salitang ito ay magdadala sa iyo ng panghihimok, pananampalataya, at lakas. Kahit kailanman, nawa’y maniwala ka na ang Diyos ay laging nasa tabi natin.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit. Sapagka’t ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan” (Juan 6:32–33).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan” (Juan 6:51).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon” (Mateo 10:39).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?” (Juan 11:25–26).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26).

“Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12).

“At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo’y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka’t ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya” (Lucas 12:15).

Sinabi ng Panginoong Jesus, “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo” (Juan 17:3).

“Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan” (Kawikaan 21:21).

“Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka’t pagkasubok sa kaniya, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya” (Santiago 1:12).

“Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni’t siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan” (Kawikaan 13:3).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay sa diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. At sa gayon, tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-daan siyang isabuhay nang masigasig ang bawat papel niya. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, kung saan sa kabuuan nito ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at binayaran ng Diyos ang isang halagang wala pang isang karaniwang tao ang nakapagbayad. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, bukod-tangi ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway ang Kanyang buhay na puwersa. Umiiral ang buhay na puwersa ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag nang hindi alintana ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng mga bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral. Nanggaling sa Diyos ang buhay ng tao, dahil sa Diyos ang pag-iral ng kalangitan, at nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pag-iral ng mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang nasasakupan ng pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung sino sila, dapat magpasakop ang lahat sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang sinuman ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”

Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pagkandili ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”

Welcome ka na gamitin ang Pang-kristiyanong debosyonal na mapagkukunan sa mga seksyon sa Mga Bersikulo ayon sa Paksa at Pag-aaral ng Bibliya upang pagyamanin ang iyong espirituwal na buhay.

Mag-iwan ng Tugon