Menu

15 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa mga Senyales ng Pagbabalik ni Hesus

Ngayon ang mga sakuna ay madalas na nangyayari sa buong mundo. Ang mga senyales ng pagbabalik ni Hesus ay naglitawan na. Maliwanag, ang mga propesiya na sinabi ng Panginoong Jesus 2,000 taon na ang nakalilipas, ay naganap na, gaya ng “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo(Pahayag 6:12),at “Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan(Mateo 24:7–8). Sa pagharap sa mga madalas na sakuna, paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at maiwasan ang maiwala ang pagkakataong makasama muli ang Panginoon? Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang sagot.

Quick Navigation
1. Ang Pagpapakita ng mga salot, Digmaan, Taggutom, at mga Lindol
2. Espirituwal na Pagkagutom
3. Ang Pagpapanumbalik ng Israel
4. Ang Mga Pangitain ay Nagpakita sa Mga Bituin
5. Ang Ebanghelyo ay Kumalat Hanggang sa Dulo ng Mundo
6. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Cristo at mga Anti-Cristo

1. Ang Pagpapakita ng mga salot, Digmaan, Taggutom, at mga Lindol

Mateo 24:6-8

At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking ginagawa ang mundo, iyan ay ang lupa, na mabago. Iyan ay sinusundan ng mga salot at mga taggutom. Ito ang Aking plano, ang mga ito ay Aking mga hakbang, at Aking pagagalawin ang lahat upang maglingkod sa Akin, para tapusin ang Aking planong pamamahala.

Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna—ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.

Senyales ng Pagbabalik ni Hesus

2. Espirituwal na Pagkagutom

Amos 4:6-8

At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

Amos 8:11

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

Mateo 24:12

At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.

3. Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Mateo 24:32-33

Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Lucas 21:29-32

At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy: Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw. Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

4. Ang Mga Pangitain ay Nagpakita sa Mga Bituin

Mateo 24:29

Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Joel 2:29-31

At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.

Pahayag 6:12

At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.

5. Ang Ebanghelyo ay Kumalat Hanggang sa Dulo ng Mundo

Mateo 24:14

At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.

6. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Cristo at mga Anti-Cristo

Mateo 24:4-5

At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Mateo 24:23-25

Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.

Mateo 24:48-49

Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon; At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing.

2 Juan 1:7

Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

1 Juan 4:3

At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na.

Marahil ay alam mo na ang balita tungkol sa ikalawang pagdating ng Panginoon. Kung gayon paano natin hahanapin ang katotohanan tungkol sa pagbabalik ng Panginoon upang tanggapin Siya bago ang malaking kapighatian? Panoorin ang mga sumusunod na video upang makuha ang sagot. Kung mayroon kang anumang iba pang mga katanungan, maaari mong i-click ang pindutan sa kanang ibabang sulok ng screen upang makipag-ugnay sa amin.

Mag-iwan ng Tugon