Menu

Ang mga Senyales ng Pagdating ng Panginoon ay Naglitawan: Bumalik Na Ba ang Panginoon na May Bagong Pangalan?

Lumilitaw ang maraming tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at kumuha Siya ng isang bagong pangalan upang gumawa ng bagong gawain. Ayon sa mga biblikal na talata, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8), at “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12), maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay hindi magbabago ng Kanyang pangalan, na Siya lamang ang Tagapagligtas, na tanging sa pangalan lamang ng Panginoong Jesus na tayo ay maliligtas, at kung tatanggapin natin ang ibang pangalan, ay ipagkakanulo natin ang Panginoong Jesus. Gayunpaman, mayroong propesiya sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Pagkakita sa propesiyang ito, ang ilang mga tao ay iniisip na dahil ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, hindi Siya matatawag na “Jesus” muli. Kung Siya ay tatawagin pa ring Jesus, hindi dapat naitala sa propesiya ang “Aking bagong pangalan.” Kung gayon, kukuha ba ang Panginoon ng bagong pangalan sa Kanyang Pagbabalik? Ngayon ating pagbahaginan ang tungkol sa katotohanan ng mga pangalan ng Diyos.

mga Senyales ng Pagdating ng Panginoon ay Naglitawan

Magbabago Ba ang Pangalan ng Diyos?

Iniisip ng ilang mga tao na ang pangalan ng Diyos ay Jesus at hindi ito magbabago. Ganun nga ba talaga? Hindi ba talaga nagbabago ang pangalan ng Diyos? Tingnan muna natin ang dalawang talatang ito, “Ako, sa makatuwid baga’y Ako, Jehova; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas(Isaias 43:11). “Jehova ang Aking pangalan magpakailan man, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi(Exodo 3:15).

Sa mga talatang ito, malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na bukod sa Jehova na Diyos, walang Tagapagligtas at ang pangalang Jehova ay tatagal magpakailanman. Nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, tinawag Siyang Tagapagligtas ng mga tao.Kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nababago, bakit kung ganoon na ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nagpapatunay ito na ang pangalan ng Diyos ay hindi magpakailanmang di-nababago.

Maaari itong itanong ng ilang mga tao: Yamang ang pangalan ng Diyos ay nababago, paano natin uunawain ang mga salitang nakatala sa Biblia: ‘Jehova ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi?” Sa totoo lang, ang pangalan ng Diyos na magpakailanman ay nangangahulugan na ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago sa kasalukuyang kapanahunan Ibig sabihin, hangga’t ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang panahon ay hindi pa natatapos, dapat nating panatilihin ang Kanyang pangalan sa panahong iyon, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at pagsang-ayon ng Diyos. Gayunpaman, kapag nagsimula ang Diyos ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay magbabago rin. Kaya, sa pagtanggap lamang ng bagong pangalan ng Diyos na makakamit natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kunin bilang halimbawa ang mga tagasunod, tulad nina Pedro at Juan. Tinanggap nilang lahat ang bagong pangalan ng Diyos sa kapanahunang iyon—ang Panginoong Jesus, at sinundan ang bagong gawain ng Diyos, kaya natamo nila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang kaligtasan ng Panginoon. Ito ay nagpapaunawa sa atin na ang pangalan ng Diyos ay hindi permanente at nagpapalit ito kasabay ng gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gayunpaman, paano man magbago ang pangalan ng Diyos, ang Diyos ay ang iisang Diyos pa rin, at dahil lamang dito na tinawag ang Diyos ng iba-iba. Sinasabi ng Bibliya, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Anong kahulugan ng talatang ito? Sa katunayan, nangangahulugan ito na ang diwa at disposisyon ng Diyos ay hindi nagbabago, at hindi nangangahulugan na ang pangalan ng Diyos ay di-napapalitan. Mayroong sipi ng mga salita na makakapag-paliwanag ng malinaw dito, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong(“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)”). Mula rito, makikita natin na ang Diyos Mismo ay hindi mababago. Tumutukoy ito sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sa Kanyang pangalan. Ang Diyos ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain at pinagtibay ang iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, ngunit hindi alintana kung ang Kanyang pangalan ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Ito ay palaging ang parehong Diyos na gumagawa. Kunin ang mga Pariseo sa Hudaismo bilang halimbawa. Hindi nila alam na ang pangalan ng Diyos ay magbabago sa kapanahunan, kaya naisip nila na ang Mesiyas lamang ang kanilang Diyos at kanilang Tagapagligtas. Bilang resulta, nang nagbago ang Diyos ng Kanyang pangalan upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, kanilang lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus, gumawa ng isang napakalaking kasalanan at pinarusahan ng Diyos. Dapat nating kunin ang halimbawa ng mga Pariseo bilang isang babala. Hindi natin dapat, alinsunod sa ating sariling mga pag-iisip at imahinasyon, magpasiya na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago, ni huwag nating sabihin na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay magiging Jesus pa rin; kung hindi man ating nililimitahan ang Diyos.

Ang Kahalagahan ng Pagkuha ng Diyos ng Ibat-ibang mga Pangalan sa Iba’t ibang Kapanahunan

Kaya bakit kumukuha ang Diyos ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t ibang mga pangalan? Basahin natin ang talatang ito, “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita, maliban sa mga Judio, ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglilingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ang pamimitagan para sa Diyos na sinamba ng mga tao ng Israel. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan(“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”). Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng kahulugan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t-ibang pangalan sa bawat kapanahunan. Ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay si Jehova, na kumakatawan sa gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan, at kumakatawan din sa disposisyon na ipinahayag Niya sa tao sa panahong iyon, na kadakilaan, galit, sumpa at awa. Inihayag ng Diyos na Jehova ang batas at mga utos, na nagpapahintulot sa mga tao na malaman kung ano ang kasalanan, kung paano mamuhay at sumamba sa Diyos sa mundo. Ang mga yaong sumusunod sa batas at mga kautusan ay maaaring pagpalain ng Diyos, samantalang ang mga lumabag sa batas ay susumpain at parurusahan ng Diyos. Samakatuwid, ang mga Israelita sa ilalim ng kautusan ay mahigpit na sumunod sa kautusan, iginagalang ang pangalang Jehova bilang banal, at nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Jehova na Diyos sa libu-libong taon. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasa panganib na mapapatay ng batas dahil sa paglala ng kanilang katiwalian, hindi pagtupad sa batas at mga utos, at wala ng mga sakripisyo na ihahandog sa Diyos. Kaya, upang mailigtas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya, kinuha ang pangalang Jesus, at ginawa ang gawain ng pagtubos. Sa madaling salita, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawaing ginawa ng Diyos sa Panahon ng Biyaya, at kinakatawan din nito ang Kanyang maawain at mapagmahal na disposisyon na ipinahayag ng Diyos sa Panahon ng Biyaya. Ipinakita ng Panginoong Hesus ang sukdulang pag-ibig at pakikiramay, naibigay sa tao ang paraan ng pagsisisi at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan upang hindi na sila mahatulan ng batas at magkaroon ng pagkakataong lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at tamasahin ang Kanyang biyaya at pagpapala. Makikita na ang Diyos ay may isang nakapirming pangalan sa bawat kapanahunan, ngunit walang anumang pangalan na maaaring ganap na kumakatawan sa Kanya. Samakatuwid, sa bawat yugto ng bagong gawain, kukuha ang Diyos ng isang partikular na pangalan, isa na nagtataglay ng pansumandaling kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa panahong iyon. Bukod dito, makikita na ang Diyos ay palaging bago at hindi naluluma, at kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng bagong kapanahunan, hindi na Niya ginagamit ang dating pangalan. Kung tatanggapin lamang natin ang pangalan ng Diyos ng bagong kapanahunan ay makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos.

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Kanyang Bagong Pangalan sa mga Huling Araw

Gayon, babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang pangalan kapag Siya ay bumalik? Sa katunayan, ilang mga talata na sa Bibliya ang nagsabi sa atin na kapag bumalik ang Panginoon Siya ay magkakaroon ng isang bagong pangalan, tulad ng “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan(Pahayag 3:12), “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat(Pahayag 1:8), “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat(Pahayag 19:6), “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari(Pahayag 11:16–17). Mula sa mga talatang ito makikita natin na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Kaya, makatitiyak tayo na kapag ang Panginoon ay bumalik ay hindi Siya tatawagin na si Jesus. Bukod dito, makikita natin ang maraming mga talata na nagsasabing ang pangalan ng Diyos ay ang “Makapangyarihang Diyos.” Bukod sa mga talatang ito, binanggit din ng iba pang mga talata ang Makapangyarihang tulad ng sa Pahayag 15: 3, Pahayag 16: 7, Pahayag 16:14, Pahayag 21:22, at iba pa. Ayon sa mga hula na ito, kapag ang Panginoon ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay mababago na sa Makapangyarihan. At sisimulan ng Diyos ang isang bagong kapanahunan at tatapusin ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalang Makapangyarihan, upang malaman ng mga tao ang buong disposisyon ng Diyos at parangalan ang pangalan ng Makapangyarihan sa lahat bilang dakila. Kung tatanggapin natin ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, natanggap na natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Ngayon ang mga tao ng Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos, na tumutupad sa mga hula sa Pahayag. At pinatototohanan din nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at uuriin Niya ang bawat tao alinsunod sa kanilang uri at ihihiwalay ang mga pansirang-damo mula sa trigo. Ang mga tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos at malilinis ay maaaring magawang mga mananagumpay bago ang sakuna at makapapasok sa kaharian ng Diyos, habang ang mga tumatanggi na tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay mahuhulog sa malaking sakuna. Tumutupad ito sa mga hula sa Bibliya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “At sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa’t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan(Mateo 13:30). Ayon sa mga biblikal na mga propesiyang ito, Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Patungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mapagpakumbabang magsaliksik at magsiyasat. Tanging sa ganitong paraan lamang hindi natin mapapalampas ang pagkakataon upang masalubong ang Panginoon.

Kung nais mong higit pang matuto tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, Paki-click ang Mga Pahina ng Ebanghelyo o i-enjoy ang sumusunod na nauugnay na nilalaman.

Mag-iwan ng Tugon