Menu

Ang Annular Solar Eclipse na Lilitaw sa Hunyo 10, 2021: Tumutupad sa Propesiya sa Bibliya

Pagkatapos ng super blood moon noong Mayo 26, isa na namang bihirang pangkalawakang kaganapan—ang annular solar eclipse— ay magaganap sa Hunyo 10. Maraming mga iskolar ng Bibliya ang nag-iisip na ang mga pagpapakita ng blood moon at solar eclipse ay tinupad ang propesiya sa Bibliya at ipinahihiwatig na ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon ay malapit na. Iyon ay, ang malalaking sakuna ay paparating na. Sa gayon tingnan natin ang kasalukuyang sitwasyon sa mundo. Habang nakakaranas ng pandemya, ang ilang mga lugar ay tinatamaan din ng iba pang mga sakuna. Halimbawa, sumiklab ang hidwaan ng Israeli-Palestinian; ang Mexico ay nakakaranas ng isang malawakang tagtuyot; mga kaguluhan sa Colombia; isang buhawi ang tumama sa India; sumabog ang isang bulkan sa Congo. … Bukod dito, ang mga lindol, baha, sunog, at iba pang mga sakuna ay dumarami; ang mundo ay nasa isang nagbabago at magulong estado, at ang giyera, marahas na mga pagkilos, at pag-atake ng terorista ay madalas na nangyayari at patuloy na lumalaganap. Anong mga propesiya sa Bibliya ang natutupad ng mga palatandaang ito? Ano ang babala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya at mga salita ng Diyos ay may mga kasagutan.

annular-solar-eclipse

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Joel 2:29–31

At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.

Pahayag 6:12

At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.

Lucas 21:10–11

Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian; At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

Mateo 24:7–8

Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Inirerekomenda:

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kapag pinag-uusapan ang mga huling araw, tumutukoy ito sa nakahiwalay na kapanahunan, kung saan sinabi ni Jesus na tiyak kayong makararanas ng sakuna, at makararanas ng mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan at hindi na ang dating Kapanahunan ng Biyaya.

Hinango mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw.

Hinango mula sa “Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Buksan ninyo ang inyong mga mata at tumingin, at makikita ninyo ang dakila Kong kapangyarihan sa lahat ng dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at ng papawirin ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkatotoo nang lahat ang mga salitang sinabi Ko sa pag-init ng panahon, sa pagbabago ng klima, sa mga abnormalidad sa loob ng mga tao, sa kaguluhan sa galaw ng lipunan, at sa panlilinlang na nasa puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; nasa kaguluhan ang lahat. Hindi pa rin ba talaga ninyo nakikita ang mga ito?

Hinango mula sa “Kabanata 39” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.

Hinango mula sa “Kabanata 65” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding galit, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna dahil dito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa itaas sa langit, makikita na sa lupa, lahat ng uri ng kalamidad ay dumarating sa buong sangkatauhan, papalapit bawat araw. Habang nakatingin sa ibaba mula sa itaas, nagpapakita ang daigdig ng sari-saring mga tagpo na gaya noong bago dumating ang isang lindol. Hindi mapigil ang pagkalat ng likidong apoy, dumadaloy nang malaya ang kumukulong putik, nagbabago ang mga bundok, at kumikislap ang malamig na liwanag sa lahat. Nasadlak na sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang galit, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng mayroong laman at dugo ay hindi makakatakas. Sa gayon, ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo; sa halip, ang mundo ay “sadyang masisiyahan sa sarili nito” sa loob ng duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang makakatakas; bawat tao ay kailangang magdaan sa pagsubok na ito, nang isa-isa. Pagkatapos niyon, ang buong sansinukob ay muling kikislap sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay muling magsisimula ng isang bagong buhay. At mamamahinga ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw.

Hinango mula sa “Kabanata 18” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Hinango mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako’y madaling pumaparito(Pahayag 22:7). Ngayon, ang Panginoon ay bumalik at inihahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay makalaya mula sa katiwalian at malinis at sa gayon ay makaligtas sa mga sakuna at madala sa kaharian ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay para sa atin ay hanapin ang mga yapak ng Diyos at salubungin ang Panginoon sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo makakakuha ng pagkakataon na matamo ang proteksyon ng Diyos sa mga matitinding kalamidad.

Nais mo bang salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon at magkaroon ng pagkakataong makamit ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna? Kung oo, mangyaring huwag mag-atubiling mag-click sa pindutan sa ibabang kanang sulok ng screen upang makipag-ugnayan sa amin sa Messenger. Tutulungan ka naming mahanap ang paraan.

Inirerekomenda:

Mag-iwan ng Tugon