Menu

Paano Marinig ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Panginoon

Ngayon ang malalaking sakuna ay nangyayari at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay malawakang natutupad. Sa lahat ng dako ng buong mundo, ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang hayagan na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, na nagpahayag ng milyun-milyong salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Matapos mabasa ng maraming tunay na mananampalataya sa Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, narinig nila ang tinig ng Diyos at sinalubong ang Panginoon. Ngunit ang ilang mga tao ay hindi agad na naghahanap o nag-iimbestiga, iniisip, “Tanging ang Siyang nagpapakita lamang ng mga palatandaan at kababalaghan ang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan, kaya’t paanong Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus?” Naisip ba natin na kung ang mga nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan ay Diyos tulad ng iniisip natin, hindi ba ang mga salamangkero at mangkukulam, na maaaring magpakita ng mga himala at gumagawa ng pangkukulam, nagpapakita bilang Diyos matapos silang magtanghal ng ilang higit sa pangkaraniwan na mga palatandaan at kababalaghan? Ipinapakita nito na kung ito man ay ang pagbabalik ng Panginoon, hindi matutukoy sa kung ang isang tao ay maaaring magpakita ng mga palatandaan at kababalaghan.

Sa katunayan, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). Upang masukat kung ito ay Diyos, dapat nating makita kung maaari Niyang ipahayag ang katotohanan. Ang Siyang maaaring magpahayag ng katotohanan ay tanging ang Diyos at ang mga hindi ito kayang gawin ay hindi Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Iprinopesiya ng maraming beses ng mga Kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Makikita natin mula rito na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at ang mga salitang sinalita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang pinakamahalagang bagay upang masalubong ang Panginoon ay dapat nating marinig ang tinig ng Diyos. Lahat ng mga makaririnig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging kasama ng Panginoon. Kung gayon paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Paano natin matitiyak na ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos? Mangyaring basahin ang sumusunod.

Quick Navigation
1. Ang mga Salita ng Diyos ay Nagtataglay ng Kapangyarihan at Awtoridad at Lahat ng Katotohanan
2. Ang Mga Salita ng Diyos ay Nagtataglay ng Kamahalan at Matuwid na Disposisyon ng Diyos
3. Ang Mga Salita ng Diyos ay Yumayanig sa Langit at Lupa at Tiyak na Matutupad Matapos itong Salitain

1. Ang mga Salita ng Diyos ay Nagtataglay ng Kapangyarihan at Awtoridad at Lahat ng Katotohanan

paano-marinig-ang-tinig-ng-Diyos

Alam nating lahat na ang Diyos ay ang Lumikha. Hindi mahalaga kung ang Diyos na nagkatawang-tao ang nagsasalita ng mga pagbigkas o ang Espiritu ng Diyos ang nagsasalita ng mga pagbigkas, lahat Sila ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan at maaaring ihayag sa tao ang mga katotohanang hindi niya nauunawaan. Sa tuwing nagsasalita ang Diyos ng mga pagbigkas sa katawang-tao, kinapapalooban ito ng maraming aspeto ng nilalaman. Ang pangunahing bahagi ay ang mga salita ng mga kinakailangan ng Diyos at babala sa tao, mga atas administratibo at utos ng Diyos, pati na rin ang mga salita ng pangako ng Diyos sa sangkatauhan, at iba pa. Ang mga salitang ito ay ang pagpapahayag ng katotohanan, ang daan at ang buhay, ang pagpapakita ng diwa ng buhay ng Diyos, at kumakatawan sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya. Mula sa mga salitang ipinahayag ng Diyos, makikita ng tao na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6). “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas(Mateo 24:35). “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!(Mateo 23:13). “Kaya’t sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating(Mateo 12: 31–32). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay mga pagbigkas ng Diyos sa buong sangkatauhan, direktang ipinahahayag ang disposisyon ng Diyos at mga hangarin ng Diyos para sa sangkatauhan. Kapag nabasa natin ang Kanyang mga salita, madarama natin na ang mga salitang ito ay ang katotohanan, may awtoridad at kapangyarihan at tinig ng Diyos!

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos sa katawang-tao, ang nagbalik na Panginoong Jesus. Katulad din, ang mga salitang ipinapahayag Niya ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan at lahat ay mga katotohanan. Ngayon, binubuksan ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng katotohanan hinggil sa pangalan ng Diyos, tulad ng kung bakit ang pangalan ni Jehova ay binago sa Jesus at kung bakit kinakailangang baguhin ang pangalan ng Diyos, na hindi natin maintindihan. Basahin natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bakit kung iisa lamang si Jehova at si Jesus, Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan.

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan at sinabi sa atin ang katotohanan sa pangalan ng Diyos. Mula rito naiintindihan natin na ang Diyos ay gumagamit ng mga pangalan upang kumatawan sa mga kapanahunan at nahahati sa bawat kapanahunan. Ang isang pangalan ay kumakatawan sa isang yugto ng gawain ng Diyos at isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Kapag nagsimula ang Diyos ng isang bagong kapanahunan, ang pangalan ng Diyos ay magbabago nang alinsunod dahil ang gawain ay iba. Ang pangalan ni Jehova ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawaing ginawa ng Diyos na si Jehova ay ang mag-atas ng batas at gabayan ang buhay ng tao at ang Kanyang isiniwalat sa tao ay ang Kanyang kamahalan at napopoot na disposisyon na maaaring sumpain ang tao at magpakita ng awa sa tao. Nang ang Diyos ay dumating upang ihatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay nagbago patungo sa Jesus. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagpapako sa krus at naging handog para sa kasalanan upang akuin ang kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang ipinahayag Niya sa tao ay ang disposisyon ng pag-ibig, awa, at iba pa. Makikita na ang pagbabago ng pangalan ng Diyos ay dahil sa pagbabago ng gawain. Kahit na ang gawain at pangalan ng Diyos ay magkakaiba, sa diwa ito ay ang parehong Diyos na gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagbabalik at binubuksan ang Kapanahunan ng Kaharian at tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya sa pundasyon ng gawaing pagtubos, ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao habang inilalantad ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha at hinahati ang tao sa iba’t ibang kategorya. Kaya, sa pagbabalik ng Diyos, hindi Siya maaaring tawaging Jesus kundi Siya ay tatawaging Makapangyarihang Diyos, upang makita ng tao na Siya ang kamahalan at matuwid na Diyos Mismo na puspos ng kaluwalhatian at awtoridad. Ito ang kahulugan ng pangalan ng Diyos na tinawag na Makapangyarihang Diyos sa huling kapanahunan.

Maaari nating isipin: Kung hindi ito ang mga pagbigkas ng Diyos, sino ang maaaring magpahayag ng mga katotohanang ito? Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang nagsisiwalat ng mga katotohanan ng pangalan ng Diyos, ngunit binubuksan din ang mga misteryo, hinahatulatan ang masamang kalikasan ng sangkatauhan, itinuturo ang direksyon ng buhay para sa tao, tinutukoy ang mga kahihinatnan at patutunguhan ng tao, at iba pa. Sa pakikinig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, yaong mga kabilang sa mga tupa ng Diyos ay nakadarama na ang bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan at ang katotohanan at tinitiyak nila na ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos.

2. Ang Mga Salita ng Diyos ay Nagtataglay ng Kamahalan at Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Alam nating lahat na ang mga salita ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya at ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Mula sa mga salitang ipinahahayag ng Diyos, madarama natin ang Kanyang kamahalan at matuwid na disposisyon. Tulad din ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, maaari nating madama ang dakila at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga pagkakasala ng mga tao. Kinamumuhian at kinapopootan ng Diyos ang mga gumagawa ng kasalanan at gumagawa ng masama. Hindi mahalaga kung gaano karaming taon naniniwala ang mga tao sa Panginoon, kung gaano sila naghirap at gumugugol ng kanilang mga sarili, hangga’t hindi sila napapalaya mula sa gapos ng kasalanan at madalas pa ring gumawa ng mga kasalanan upang labanan ang Diyos, sila ay ganap na hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik. Basahin natin muli ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!” “Maipalalagay ninyo marahil, bilang isang tagasunod sa maraming taon, na masipag na kayong gumawa anuman ang mangyari, at dapat kayong pagkalooban ng isang mangkok ng kanin sa tahanan ng Diyos bilang tagapaglingkod. Sasabihin Ko na ang karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan, dahil lagi na lamang ninyong sinusunod ang prinsipyo ng kung paano sasamantalahin ang mga bagay at hindi mapagsasamantalahan. Kaya’t sinasabi Ko sa inyo ngayon nang may lubos na pagkaseryoso: Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong kasipagan, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kakayahan, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano mo man pinabuti ang iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo natutugunan ang Aking mga hinihingi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri. Iwaksi mo na sa lalong madaling panahon ang lahat ng iyong kaisipan at mga pagtataya at simulang seryosohin ang Aking mga hinihingi; kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay mawakasan na ang Aking gawain at, sa pinakamabuti ay ipawalang-saysay ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at may anyo ni Satanas sa Aking kaharian o dalhin sila sa susunod na kapanahunan.

Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang mga taong may puso at espiritu ay nadama na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pareho sa mga salita ng Panginoong Jesus at lahat ng mga ito ay nagpapakita ng dakila at matuwid na disposisyon ng Diyos, at nararamdaman din nila ang banal na diwa ng Diyos at nagbubunga ng paggalang nang hindi sinasadya sa kanilang mga puso. Pansamantala, naiintindihan din nila na upang makapasok sa kaharian ng langit, dapat nilang lubusang alisin ang kanilang sarili mula sa mga gapos ng kasalanan at madalisay. Tulad ng ipinropesiya ng Aklat ng Pahayag: “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan(Pahayag 22:14). Maaari nating isipin na: Sino ang maaaring magpasya kung anong uri ng mga tao ang maaaring pumasok sa kaharian ng langit at anong uri ng mga tao ang hindi maaaring makapasok mula sa posisyon bilang Lumikha? Kaninong mga salita ang maaaring ipahayag at ipakita ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga pagkakasala ng mga tao? Ang Lumikha lamang ang nagtataglay ng gayong awtoridad at kapangyarihan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na isiniwalat ang natatanging awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Ang mga kabilang sa mga tupa ng Diyos ay magkakaroon ng gayong kumpirmasyon pagkatapos makinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: Ang mga salitang ito ay pagpapahayag at tinig ng Diyos.

3. Ang Mga Salita ng Diyos ay Yumayanig sa Langit at Lupa at Tiyak na Matutupad Matapos itong Salitain

Ang mga salita ng Diyos ay ang mga personal na pagbigkas ng Lumikha. Sa sandaling masabi ang mga salita ng Diyos, maaari nitong payanigin ang langit at lupa at tiyak na matutupad at walang sinuman ang makakabago nito. Halimbawa, nang ang Panginoong Jesus ay dumating sa mundo, hindi na Niya pinag-usapan ang tungkol sa mga batas sa Lumang Tipan ngunit nagdala ng mga bagong salita sa tao, ipinangaral ang paraan ng pagsisisi at sinabi sa tao na dapat nilang sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan at sinabing ang Anak ng tao ay ang Panginoon ng Sabbath, at iba pa. Ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus ay yumanig sa buong Judaismo. Yaong mga nagbigay pansin sa pagdinig ng tinig ng Diyos ay tinanggap ang kaligtasan ng Panginoong Jesus, habang ang mga punong pari ng Hudyo, eskriba, at Fariseo ay nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus na galit na galit at nakipagsabwatan pa sa pamahalaang Romano at ipinako Siya. Kinumpleto ng Diyos ang gawaing pagtubos sa krus sa pamamagitan ng kanilang mga pakana. Yaong mga tumanggap sa kaligtasan ng Panginoong Jesus ay hindi hahatulan ng kamatayan ng batas dahil sa paglabag sa batas. Eksaktong natutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kaniyang buhay na pangtubos sa marami(Marcos 10:45). Matapos ang pagkabuhay na mag-uli, sinabi din ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal(Marcos 16:15). Sa panahon na iyon, kahit na ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay tinanggihan at nilabanan, lumawak pa rin ito at lumaganap hanggang sa kaduluhan ng sansinukob hanggang ngayon. Mula rito makikita natin na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay kayang payanigin ang langit at lupa at lahat ay matutupad. Ito ay isang katangian ng mga salita ng Diyos.

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Katulad nito, kapag ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay binigkas, maaari ding yanigin ng mga ito ang langit at lupa at maaaring matupad nang unti-unti. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus, ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang dalisayin at iligtas ang tao. Ang mga salitang ito ay yayanig sa langit at lupa at sa buong mundo ng relihiyon. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Sinasanhi Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang gawin Akong sambahin ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!

Dahil ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ay nagpakita at gumawa, nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita upang hatulan at dalisayin ang tao. Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay hindi pa ipinahayag ng Diyos mula sa paglikha ng mundo at hindi pa naririnig ng tao ang mga ito. Eksaktong natutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay yumanig sa bawat relihiyon at bawat denominasyon at nagdala ng pagkabigla sa puso ng mga uhaw sa pagpapakita ng Diyos. Ang lahat ng mga nagmamahal ng katotohanan sa bawat relihiyon at bawat denominasyon ay bumabalik isa-isa sa Makapangyarihang Diyos pagkatapos marinig ang tinig ng Diyos. Lahat sila ay mga matalinong dalaga na nadala sa harap ng trono ng Diyos, tinanggap ang paghatol at pagdadalisay ng mga salita ng Diyos at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Ganap na natutupad nito ang propesiya na ito sa Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20) at tinutupad din ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Sinasanhi Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan.

Simula noon ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, bagaman ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay pinapahirapan at malupit na inuusig ng ateistang gobyerno ng CCP, hinahadlangan din, kinokondena at nilalabanan ng puwersa ng relihiyosong anticristo, kumalat pa rin ito sa buong lupain ng Tsina at lumawak pa sa maraming mga bansa sa ibayong dagat na may hindi mapigilang lakas tulad ng damo pagkatapos ng ulan. Sa kasalukuyan, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay isinalin sa higit na 20 wika at mga patotoo ng kaligtasan, mga patotoo ng mga mananagumpay, iba`t ibang mga patotoo ng napiling tao ng Diyos na nakakaranas ng gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nabago ang kanilang disposisyon, atbp. ay nailathala online. Ang Makapangyarihang Diyos ay gumawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Kasalukuyan, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga matagumpay na patotoong ito ay nailathala online, nagpapatotoo sa publiko sa lahat ng bansa sa mundo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Jesus na Tagapagligtas, ang tanging tunay na Diyos na nagpapakita. Eksaktong natutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Ang Diyos ay unang nagbigkas ng mga salita sa Tsina, ang ateistang bansa sa Silangan ng mundo, ang pinakadilim na lugar, gaya ng kidlat na kumikidlat sa silangan at nakikita sa kanluran, na lumalawak sa buong mundo. Ito ang katotohanang natupad ng Diyos. Ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ay tinanggap at ipinahayag ng parami nang paraming mga nauuhaw para sa katotohanan. Lahat ng mga tao ay pumupuri at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos, at sa pangyayaring sinalita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawin Akong sambahin ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!” ay nagpakita. Hindi ba ito ang totoong pagpapakita ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na puno ng awtoridad at kapangyarihan?

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsalita at nagsagawa nang halos tatlumpung taon at malapit na ito sa katapusan. Gumawa ang Makapangyarihang Diyos ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Ang gawain ng Diyos na pagliligtas ng mga tao ay magtatapos na sa lalong madaling panahon, nagbabagsakan ang malalaking sakuna at ang oras na ibinibigay ng Diyos sa tao ay nauubos na. Sa kritikal na sandaling ito, upang matiyak kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik, ang susi ay ang bigyang pansin ang pakikinig ng tinig ng Diyos at pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang hatulan kung ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos at pagpapahayag ng Diyos. Dapat nating siyasatin at tanggapin ang gawain ng Diyos pagkatapos nating makilala na ito ang tinig ng Diyos at gagawin tayo nitong mga matatalinong dalaga na sumusunod sa mga yapak ng Diyos at makadadalo sa piging ng Cordero. Tulad ng ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20).

Tala ng Patnugot:

Matapos basahin ang artikulong ito, sa palagay ko dapat mong malaman kung paano marinig ang tinig ng Diyos at kung ang pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos. Kung nais mong malaman ang higit pa o may anumang karagdagang mga katanungan, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga online chat button sa ibaba. Online kami 24 oras sa isang araw handa na sagutin ang iyong mga katanungan.

Pinahabang Pagbabasa:

Mag-iwan ng Tugon