Ang Blood Moon sa Bibliya ay Nagpapakita ngayong 2022: Dumarating ang Dakila at Kakila-kilabot na Araw ni Jehova
Gaya ng prediksyon ng mga nakakaalam na eksperto, isang flower blood moon lunar eclipse and makikita sa himpapawid sa ika-16 ng Mayo, 2022. Ang madalas na paglitaw ng blood moon sa mga nakaraang taon ay pumukaw sa atensyon ng maraming iskolar ng Biblia. Ito ay dahil ang blood moon na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag ay ipinapahiwatig ang pagdating ng araw ng paghatol ng Diyos at hudyat ng paglitaw ng malalaking kaganapan.
Sa pagbabalik tanaw sa kasaysayan, mamangha tayong matuklasan na may mga malalaking kaganapan na nangyari matapos ang paglitaw ng mga blood moon.
Isang blood moon, o isang total lunar eclipse ang lumitaw noong ika-9 ng Nobyembre, 2003. At sa taong iyon, nagkaroon ng SARS sa Hong Kong.
Noong ika-15 ng Abril, 2014, nagkaroon ng total lunar eclipse (blood moon) na pinakauna sa apat na sunod-sunod na total eclipse, isang pambihirang astronomikal na pangyayari na apat na beses lamang lumitaw sa nakaraang 500 taon. Sa ika-16, isang lantsa ang lumubog sa South Korea, na nag-iwan nang higit 300 nangamatay na tao.
Noong ika-29 ng Marso, 2021, maraming tao sa Taipei ang nakakita ng isang blood moon sa madilim na kalangitan. Pagkalipas ng tatlong araw, noong ika-2 ng Abril, nakalas sa riles ang tren na Taroko Express na pinapatakbo ng Taiwan Railways Administration, na naging dahilan ng malalang kamatayan at pinsala, na gumulat sa internasyonal na opinyon.
Hindi maiwasang mag-alala ng maraming mga tao: Malalaking kaganapan ang mangyayari pagkatapos ng pagsapit ng isang blood moon. Kung gayon ano naman ang mangyayari ngayon? Samantala, sila ay nag-aalala sa kapalaran ng sangkatauhan sa hinaharap. Bilang mga Kristiyano, kung gayon, paano natin titingnan ang pagpapakita ng blood moon na ito.
Sa Katuparan ng mga Propesiya sa Biblia, ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova ay Dumarating
Alam nating lahat na maraming mga talata sa Biblia tungkol sa blood moon. Ipinropesiya sa Joel 2:29-31, “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu. At Ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.” At sa Pahayag 6:12, “At nakita ko nang buksan Niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” Sa mga nakaraang taon, lumitaw nang maraming beses ang blood moon, tulad ng serye ng apat na blood moon na lumitaw noong 2014 at 2015, ang super blood moon na kulay asul ng 2018, na nagpakita rin 152 taon na ang nakakaraan, at ang super blood wolf moon na nagpakita noong ika-21 ng Enero 2019. Maraming mga nakakita ang matatag na naniniwala na ang pagpapakita ng mga blood moon ay ang katuparan ng mga propesiya sa Biblia, at ang dakila at kahila-hilakbot na araw ni Jehova ay nalalapit na. Sa mundo ngayon, ang mga giyera at sakuna tulad ng mga lindol, tagtuyot, baha, at salot ay madalas na nangyayari sa iba’t ibang bansa. Ang sitwasyon ng mundo ay patuloy na nagbabago, at ang atmospera ay mas nagiging mainit. Lalo na, ang hindi inaasahang pandemya ng COVID-19 ay nananalasa sa mundo mula 2020. Makikita na ang mga malalaking sakuna ay nalalapit na sa sangkatauhan. Sinabi ng Panginoon Jesus noon, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ang pagpapakita ng mga palatandaan na ito ay sapat na upang patunayan na ang mga propesiya sa Biblia ay natupad na at ang araw ng pagbabalik ng Panginoon ay dumating na.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Buksan ninyo ang inyong mga mata at tumingin, at makikita ninyo ang dakila Kong kapangyarihan sa lahat ng dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at ng papawirin ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkatotoo nang lahat ang mga salitang sinabi Ko sa pag-init ng panahon, sa pagbabago ng klima, sa mga abnormalidad sa loob ng mga tao, sa kaguluhan sa galaw ng lipunan, at sa panlilinlang na nasa puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; wala sa balanse ang lahat. Hindi pa rin ba talaga ninyo nakikita ang mga bagay ito?” “Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.” Mula sa mga salitang ito ng Diyos, makikita natin na ang paglitaw ng iba’t ibang mga sakuna ay ang palatandaan ng mga huling araw tulad ng ipinropesiya sa Biblia, at matatag na pinapatunayan nito na ang Panginoon ay nagbalik na. Sa isang banda, ang paglitaw ng mga sakuna ay pinapaalala sa atin na ang Panginoon ay nagbalik na; sa kabilang banda, ito ay ang pagkastigo ng Diyos sa masamang kapanahunan na ito. Sa mahalagang oras na ito, paano natin dapat tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon?
Paano Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon at Maging Protektado Mula sa mga Sakuna
Itinala sa Biblia, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Upang masalubong ang Panginoon, ang pinakaimportanteng bagay ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung makikilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga salitang binigkas ng nagbalik na Panginoon, makakasabay tayo sa mga yapak ng Cordero at matatanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Ngayon ang wakas ng mga huling araw. Ang Diyos ay nagbalik na sa katawang-tao upang buksan ang balumbon at pitong mga selyo. At nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita at gumawa ng isang yugto ng bagong gawain na may pangalang Makapangyarihang Diyos. Ang aklat na, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ay ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang mga salita sa loob ng aklat ay mga bagong salita, na ibinunyag ang lahat ng mga misteryo sa Biblia at sinabi sa atin ang lahat ng mga katotohanan na kailangan nating maunawaan at pasukin. Ang mga salitang ito ay isinapubliko sa online para hanapin at ikonsidera ng sangkatauhan. Lahat ng mga mananampalataya sa buong mundo, na inaasam ang pagpapakita ng Diyos, ay narinig ang tinig ng Diyos, nakilala ang nagbalik na Panginoon, at nadala sa harapan ng trono ng Diyos upang masiyahan sa engrandeng piging ng Kapanahunan ng Kaharian. Kaya, ang kagyat nating prayoridad ay salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang huling-kapanahunang kaligtasan, dahil sa paggawa lamang nito ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na maprotektahan ng Diyos mula sa mga sakuna.
Basahin natin ang tatlong sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung ikaw ay isang matalinong dalaga na naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon, siguradong makikilala mo ang tinig ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa “Bundok ng mga Olibo” sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Palapitin ang lahat sa Aking luklukan at ipakita ang Aking maluwalhating mukha, iparinig ang Aking tinig, at patingnan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang pasambahin sa Akin ang bawat bansa, ang kilalanin Ako ng bawat wika, ang isandig sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!”
“Magwawakas ang mga araw; mauuwi sa wala ang lahat ng bagay sa mundong ito, at isisilang na muli ang lahat ng bagay. Tandaan ito! Huwag itong kalimutan! Hindi maaaring magkaroon ng kalabuan! Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas! Hayaang muli Ko kayong payuhan: Huwag tumakbo nang walang kabuluhan! Gising! Magsisi at malapit na ang pagliligtas! Nagpakita na Ako sa gitna ninyo, at pumailanlang na ang Aking tinig. Pumailanlang na ang Aking tinig sa inyong harapan; araw-araw ay hinahamon kayo nito, nang harapan, at sariwa at bago ito araw-araw. Nakikita mo Ako at nakikita kita; palagi kitang kinakausap, at magkaharap tayo. Magkagayunman, tinatanggihan mo Ako at hindi mo Ako kilala. Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, subalit nag-aatubili pa rin kayo! Nag-aatubili ka! Kumapal ang puso mo, nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata, at hindi mo makita ang Aking maluwalhating mukha—nakakaawa ka! Nakakaawa!
“Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng Aking luklukan sa lahat ng sulok ng daigdig at ipadadala Ko ang Aking Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Matuwid Ako at tapat; Ako ang Diyos na sumusuri sa pinakamalalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, at mga salita Ko ang lumalabas mula sa kalooban ng Aking Anak; lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang mga ito, at huwag magduda. Tatanggap ng malalaking pagpapala ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Aking mga salita! Tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan, at mga bagong kabatiran ang lahat ng taimtim na naghahanap sa Aking mukha; magiging sariwa at bago ang lahat. Lilitaw ang Aking mga salita sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na dako at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya at pagpapala; hindi ka magagalaw ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Sasama ka sa Akin, lalakad kang kasama Ko, at papasok tayo sa kaluwalhatian!”
Mga kapatid, ang Panginoon ay kumakatok sa pintuan; nakilala niyo na ba ang tinig ng Diyos?