Menu

Pinag-aaralan Mo Pa Rin Ba ang Tunay na Daan Ayon sa Mga Pahayag sa Mga Kilalang Website?

Maraming tao ang nag-iisip na ang sinasabi ng mga kilalang website ay mapagkakatiwalan dahil sila ay mapapaniwalaang mainstream media. Sa gayon, ginagamit nila ang mga website na ito upang suriin ang maraming bagay, at ang ilan sa kanila ay umaasa sa mga pahayag sa mga website na ito kahit na sa pagsisiyasat sa tunay na daan para masalubong ang Panginoon. Naniniwala sila at tinatanggap kung ano ang kinikilala at naaprubahan ng mga website na ito, at hindi paniwalaan sa kung ano ang tinanggihan at kinondena ng mga ito. Ngayon Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (CAG) ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, ngunit ang ilang mga tao ay hindi naghahanap at nag-iimbestiga dahil naniniwala sila sa mga maling ulat tungkol sa CAG na nabasa nila sa ilang mga kilalang website. Kung gayon, ang pagsisiyasat ba ng tunay na daan sa paliwanag ng mga komentaryo ng mga kilalang website ay umaayon sa kagustuhan ng Diyos? Ito ba ang tamang landas na tatahakin? Dapat mong malaman na kung ang landas sa pag-aaral ng tunay na daan ay wasto at direktang nauugnay sa kung magagawa ba nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Sa teksto sa ibaba ay magtutuon tayo sa isyu na kung magagawa ba natin na salubungin ang Panginoon, kung susuriin lamang natin ang tunay na daan mula sa mga pahayag ng mga kilalang website.

Mga Pahayag sa Mga Kilalang Website

Maaari ba Tayong Maging Tiyak Tungkol sa Tunay na Daan Ayon sa Mga Komento sa Mga Website?

Maraming tao ang partikular na tumitingin sa mga puna sa mga website, dahil sa palagay nila ang mga website na ito ay may kapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngunit dapat nating malaman ang katotohanang ito: Ang lahat ng mga website ay pinapatakbo ng lahat ng tao at ang kanilang nilalaman ay naipon at isinaayos ng mga tao. Samakatuwid, maaari nating sabihin na kahit gaano kahusay ang tanyag ng mga website na ito o kung gaano kalakas ang kanilang puwersa, lahat ng kanilang ipinapahayag at ipinakalat ay nagmula sa tiwaling sangkatauhan—ito ay isang hindi maikakaila na katunayan. Ang tiwaling sangkatauhan sa kabuuan ay naninirahan sa ilalim ni Satanas at walang sinuman ang may katotohanan; Diyos lang ang katotohanan. Bilang mga mananampalataya sa Diyos, kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo sa balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, kung hindi tayo praktikal na maghanap at magsiyasat upang makita kung ang daang ito ay naglalaman ng katotohanan at kung ang ipinahayag ay tinig ng Diyos, ngunit sa halip ay bulag na naniniwala sa mga pahayag sa mga website at ituring ang mga bagay na ito bilang pamantayan sa pagsisiyasat ng tunay na daan, ito ba ay alinsunod sa kalooban ng Diyos?

Sa totoo lang, ang pagpapakilala at mga komento tungkol sa CAG sa ilang mga website ay hindi makatwiran sapagkat nailathala nila ang mga bagay na ito nang hindi halos sinisiyasat ang CAG ngunit ayon sa sinasabi ng gobyerno ng CCP. Sa katunayan, ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos —sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, iba’t ibang mga patotoo ng mga Kristiyano mula sa CAG, at lahat ng uri ng mga pelikula na nagpapatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nagawa ng isapubliko sa website ng CAG para sa mga tao mula sa lahat ng dako sa mundo upang hanapin at siyasatin. Hindi mahalaga kung ang isang indibidwal na tao o isang tao sa likod ng isang tiyak na website ay nais na maunawaan ang CAG, maaari silang palaging pumunta at maunawaan ang totoong sitwasyon ng CAG mula sa sarili nitong website anumang oras. At kung mayroon kang ilang mga isyu na kailangan talakayin, maaari kang makipag-ugnay anumang oras sa mga Kristiyano ng CAG na naka-online 24 oras sa isang araw sa pamamagitan ng Live Chat, Messenger, WhatsApp o Line. Gayunpaman, ang ilang mga kilalang website ay hindi kailanman siniyasat ang CAG ng praktikal o nag-interbyu ng mga Kristiyano ng CAG upang maunawaan ang mga pinagmulan at pag-unlad ng CAG, ngunit basta na lamang bulag silang naglathala ng ilang pekeng balita na gawa-gawa ng gobyerno ng CCP na dumudungis sa CAG. Sa paggawa nito, hindi ba nilalabag nila ang mga prinsipyo ng pagiging walang kinikilingan at walang pinapanigan sa pamamahayag? Kung mabibigo tayong makita ang mga katotohanan nang malinaw ngunit naniniwala sa hindi totoong mga pahayag at maling ulat na ginawa ng ilang mga kilalang website batay sa kasinungalingan ng gobyerno ng CCP, hindi ba ito kaignorantehan?

Halos lahat ng mga ulat tungkol sa CAG sa ilang kilalang mga website ay ang pagkondena ng gobyerno ng CCP sa CAG; ang mga website na ito ay mga hindi tuwirang nagsilbing mga bibig at talumpatian para sa gobyerno ng CCP. Kung bulag tayong naniniwala sa sinasabi ng mga website na ito nang walang pagkilala, paano ito naiiba sa pakikinig sa gobyerno ng CCP? Ano ang kredibilidad ng mga salita ng gobyerno ng CCP? Tulad ng alam nating lahat, ang CCP ay naniniwala sa Marxism. Ito ay isang sataniko at ateista na rehimen na napopoot sa Diyos nang labis. Kinamumuhian nito ang lahat ng mga pangkat ng relihiyon at ang sinumang may paniniwala sa relihiyon. Mula nung maitatag ang People’s Republic of China, lantarang kinondena ng CCP ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto at ang Biblia bilang panitikan ng kulto na kung saan hindi mabilang na mga kopya ang sinunog. Dagdag pa rito, upang makapasok sa World Trade Organization, ang CCP ay walang takot na nagsisinungaling at niloloko ang mga tao sa buong mundo—sa panlabas ay itinutulak nito ang bandila ng “kalayaan sa relihiyon,” ngunit sa katunayan hindi ito kailanman nagpahinga sa pag-uusig nito sa mga paniniwala sa relihiyon. Ngayon ay inuusig nito hindi lamang ang Kristiyanismo at Katolisismo, kundi pati na rin ang pinapatakbo ng pamahalaan na Three-Self Church. Gayundin, winawasak ng CCP ang mga simbahan at sinisira ang mga krusipiho kahit saan. Mabagsik na inaaresto nito at inuusig ang mga Kristiyano sa walang kabuluhan nitong ambisyon na puksain ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at lumikha ng isang ateista na lugar sa Tsina. Malinaw, ang kakanyahan ng CCP ay ang isang demonyo na pinaka-lumalaban sa Diyos. Ito ang pinaka-masamang partido ng ateista, kaya’t mayroon bang antas ng kredibilidad sa mga komento nito sa mga simbahan at paniniwala sa relihiyon?

Ngayon, ang buong mundo ay inilalantad ang CCP at kinikilala na ito ay mas masama pa kaysa sa mga Nazis. Ngunit bakit ang ilang mga website ay lantarang nagpapalaganap ng anumang alingawngaw o kasinungalingan na nilikha ng gobyerno ng CCP at anumang mga pagtatangka na siraan ang CAG? Bakit ganun? Ito ay tunay na karapat-dapat na pagnilayan. Bilang mga mananampalataya sa Diyos, kung hindi natin hahanapin ang kalooban ng Panginoon sa pagsisiyasat ng tunay na daan ngunit sa halip ay sumayaw sa tono ng mga website, naniniwala ba tayo sa Diyos o sa mga website? Naisip ba natin kung ano ang magiging kalalabasan kung naniniwala tayo sa mga alingawngaw ng CCP na ikinalat ng mga yaong website? Sinasabi sa Biblia, “Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna’y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?” (Juan 7:51). Kung sa pag-aaral ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi natin binisita ang website ng CAG upang makita kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos, kung sila ba’y katotohanan, kung sila ay gawain ng Diyos at kung ang CAG ay may gawain ng Banal na Espiritu, ngunit sa halip ay partikular nating pinakinggan ang mga alingawngaw at kasinungalingan ng CCP na ipinakalat ng mga kilalang mga website na ito, magagawa ba nating tanggapin ang Panginoon?

Ang Tamang Landas upang Pag-aralan ang Tunay na Daan

Ang ilang mga tao ay maaaring magtanong kung ano ang tamang landas upang siyasatin ang tunay na daan. Sa totoo lang, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus noong una: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16: 12–13). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). Sabi sa Pahayag 3:20 “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” At iprinopesiya rin ito ng pitong beses sa Pahayag kabanata 2 at 3: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Tulad ng nakikita, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magsasalita Siya sa mga simbahan at ihahayag ang lahat ng mga katotohanan at misteryo. Kaya upang suriin ang tunay na daan sa mga huling araw, dapat natin pagtuunan ng pansin na pakinggan ang tinig ng Diyos upang makita kung ang paraang ito ay naglalaman ng mga pagpapahayag ng katotohanan, kung ito ba ay tinig ng Diyos, kung maaari nitong ipakita sa mga tao ang daan, at kung magagawa nito ang mga tao na makamit ang totoong landas ng paniniwala sa Diyos. Kung natitiyak natin na ang daan na ito ay may katotohanan, kung gayon tinatanggap natin ang pagpapakita ng Panginoon. Tulad nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, sina Pedro, Juan at ang iba pa ay nakatuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos sa paggalugad ng tunay na daan. Nakita nila na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay naglalaman ng awtoridad at kapangyarihan, binigyan ang mga tao ng panustos na kanilang kinakailangan, nalutas ang mga pagkalito at tunay na paghihirap ng mga tao, inilantad ang mga misteryo ng langit at itinuro ang daan patungo sa kaharian ng langit. Sa gayon ay pinagpasiyahan ng mga ito na ang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay katotohanan, at nalaman na Siya ang Mesiyas. At masigasig silang sumunod sa Panginoong Jesus at nakamit ang kaligtasan ng Panginoon. Samakatuwid, upang siyasatin ang tunay na daan, sapat na, na ituon lamang ang pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos at matukoy kung ito ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos—ito lamang ang tamang landas upang pag-aralan ang tunay na daan. Sa sandaling matukoy natin na ang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at tinig ng Diyos, dapat tayong masigasig na sundan Siya kahit na sinumang tumatanggi, kumokondena, at gumagawa ng mga alingawngaw upang siraan Siya. Tanging ito lamang ang pagiging matalinong dalaga na tunay na kinikilala ang tinig ng Diyos kapag narinig nila ito, at sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon.

pinag-aaralan-ang-tunay-na-daan

Ngayong mga araw na ito, ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ay upang dalisayin at iligtas ang tao upang ang tao ay ganap na makatakas sa pagkaalipin ng kasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Inilantad ng mga salitang ito ang lahat ng mga katotohanan at misteryo, kabilang ang misteryo ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang kalalabasan at patutunguhan ng sangkatauhan, at iba pa. Sa parehong pagkakataon, lubusang inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang kalikasan at sangkap ng tao na natiwali ni Satanas, ang katotohanan ng kanilang katiwalian, at ang mga ugat ng kanilang mga kasalanan. Nagawa nitong makilala natin kung paano ang ating kalikasan at sangkap ay puno ng mga mala-satanas na disposisyon tulad ng kayabangan at mapagmagaling sa sarili, pagkamakasarili at pagkawalang kabuluhan, at kabuktutan at pandaraya. Ang mga mala-satanas na disposisyon na ito ang ugat ng ating patuloy na pagiging makasalanan. Bukod dito, ipinakita ng Makapangyarihang Diyos sa tao ang mga paraan upang magsanay, tulad ng kung ano ang totoong pag-ibig sa Diyos, kung ano ang tunay na pagtalima, kung ano ang paggalang sa Diyos, kung paano isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, kung paano tuparin ang ating mga tungkulin bilang mga nilikha ng Diyos upang masiyahan ang Diyos, kung paano matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, at kung paano maging kabilang sa mga gumagawa ng kalooban ng Diyos. Ang mga katotohanan at misteryo na ito ay naitala sa aklat, sa Ang Salita ay nagpapakita sa Katawang-Tao, na nailathala sa website ng CAG. Kung nais nating siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at matukoy kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus, ang kailangan lang natin ay ang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi natin ito ginawa ngunit partikular na nakinig sa mga alingawngaw at kasinungalingan ng CCP na kinalat ng ilang kilalang mga website, kung gayon tayo ay mga mangmang na dalaga, at sa huli ay iiwan ng Diyos at masasama sa gitna ng mga sakuna at mapaparusahan. Tiyak na natutupad nito ang mga salitang ito sa Biblia: “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman(Hosea 4:6). “Nguni’t ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa” (Kawikaan 10:21).

Tala ng Patnugot:

Matapos basahin ang artikulong ito, kung nais mong makamit ang huling pagkakataon upang maging isang matalinong dalaga at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng sumusunod na numero ng telepono o email address, o sa pamamagitan ng Messenger.

Mag-iwan ng Tugon