Menu

Susunod

Tagalog Christian Stage Play | "Ang Matandang Lalaki at Ang Bata"

14,691 2021-02-08

Tagalog Christian Stage Play | "Ang Matandang Lalaki at Ang Bata" | Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Nagpapatibay ng Kanilang Pananampalataya sa Diyos

Noong 2008, ang Partido Komunista ng Tsina ay galit na galit na sinimulan ang pagpigil sa mga relihiyosong paniniwala sa ilalim ng pagpapanggap na "estabilisasyon". Malaking bilang ng mga Kristiyano ang ikinulong at pinahirapan, at marami ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan upang magtago, at hindi na nakabalik. Si Zhang Zhizhong, isang matandang kapatid, ay itinakda na pangunahing target para arestuhin ng Partido Komunista ng Tsina dahil sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapatuloy sa mga miyembro ng simbahan sa kanyang tahanan. Ang buong pamilya niya ay napilitang tumakas upang maiwasan ang pag-aresto ng CCP. Noong hindi nila mahuli si Zhang Zhizhong, hinalughog ng mga opisyal ng CCP ang kanyang bahay at ikinulong ang kanyang kapatid at mga anak para tanungin. Pinatigil din nila ang pondo ng kanyang pensyon, na pumutol sa kanyang ikinabubuhay. Ang sitwasyon niya ay lalo't lalong naging mapanganib at mahirap dahil lagi siyang tumatakas kasama ang kanyang batang apong lalaki, nang walang permanenteng lugar na matitirahan. Pagkatapos noong 2010, gumamit uli ang CCP ng isang palusot, ngayon naman ay isang census, para makagawa ng pambansang pagsisiyasat upang makahanap at makaaresto ng mga Kristiyano. Dahil walang na silang lugar na mapupuntahan, sina Zhang Zhizhong at ang kanyang apong lalaki ay napilitang magtago sa loob ng isang kuweba ng isang bundok, matapang na hinaharap ang ginaw ng taglamig. Paano nila malalampasan ang hindi makataong pagtugis at pag-uusig ng CCP? Pakiusap, panoorin ang dulang Ang Matandang Lalaki at ang Bata.

Mag-iwan ng Tugon