Menu

Paano Manalangin Na Pakikinggan ng Panginoon: Ang Susi ay ang Lutasin ang 3 Mga Suliranin na Ito

Quick Navigation
1. Dapat Nating Lutasin ang Problema ng Mapagkunwaring Pagsasalita, Hindi Praktikal, at Pagiging Mapanlinlang Pag Nananalangin Tayo
2. Dapat Nating Patahimikin ang Ating mga Puso sa Harap ng Diyos at Hindi Lamang Sumusunod sa Galaw Kapag Nagdadasal Tayo
3. Manalangin ng Nakatuon sa Kalooban ng Diyos at Pakawalan ang mga Matinding Pagnanasa

Mga kapatid:

Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos para pakinggan ng Panginoon ang ating mga panalangin?

Paano Manalangin

1. Dapat Nating Lutasin ang Problema ng Mapagkunwaring Pagsasalita, Hindi Praktikal, at Pagiging Mapanlinlang Pag Nananalangin Tayo

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan(Juan 4:24). Mula rito, makikita natin na hinihingi ng Diyos na tayo ay maging matapat na tao at na nagsasalita tayo ng praktikal at masigasig sa Panginoon. Hindi tayo dapat nagsasalita ng may pagpapanggap o magsabi ng di-makatotohananang bagay, o nililinlang natin ang Panginoon at hayaan Siyang kapootan tayo. Sa araw-araw nating buhay, pag nagdarasal tayo sa Panginoon, lagi tayong nagsasalita ng mga maling bagay, pinalabis, o walang kabuluhan, kaya tinatago ng Panginoon ang Kanyang mukha at hindi Siya nakikinig. Halimbawa, lagi nating sinasabi sa ating mga panalangin, “Panginoon, alam kong marumi ang lahat ng bagay sa mundo, at mga panauhin at estranghero lang kami sa mundong ito. Gusto Kitang mahalin at pasayahin.” Gayon pa man, sa mga buhay natin, hindi pa rin natin mabitawan ang mga makamundong bagay gaya ng yaman, reputasyon, at estado, at aktibo pa nating hinahanap ’yon. Minsan nagdarasal tayo sa Panginoon at sinasabing, “Diyos ko, gusto kong maging isang tapat na tagapaglingkod, at paglingkuran Ka nang buong puso, isip, at lakas.” Pero sa gawain natin, pag nakakatagpo tayo ng mga paghihirap na hindi natin alam kung pa’no lutasin, nagrereklamo tayo dahil sa hirap at pagtitiis. Ang gayong mga panalangin ay hindi praktikal. Hindi ito mga salita na nanggagaling sa ating mga puso, Kaya hindi ito tinatanggap ng Panginoon. Kaya, pag nagdadasal tayo, sanayin nating makipag-usap sa Panginoon nang mula sa puso, makatotohanan, at talikuran ang mga mali at mapagpaimbabaw na salita. Hindi natin dapat isipin kung ga’no karami ang ating sasabihin o kung ga’no ’yon kagandang pakinggan, ang dapat nating isipin ay kung taos-puso ba ang pananalangin natin sa Panginoon. Halimbawa, habang gumagawa tayo para sa Panginoon, maaari rin tayong maghangad ng mga makamundong bagay at yaman sa ating puso, kaya dapat tayong maging tapat sa pakikipag-usap sa Panginoon at hilingin sa Kanyang gabayan at tulungan tayong tapat na gumugol sa Kanya. Pag nakaranas tayo ng mga hirap, dapat tayong maging tapat sa Panginoon, “Diyos ko, dumadanas ako ng mga paghihirap ngayon, mahina ako, gusto Kitang mahalin pero hindi ko magawa, kaya hinihiling kong pukawin Mo ang puso ko at huwag hayaang pahinain ako ng mga paghihirap ko.” Matapos ’yon, dapat aktibo tayong makipagtulungan sa Diyos at tapat na umasa sa Diyos. Pag nakagawa tayo ng maling nakakasakit sa Panginoon o pag hindi natin nauunawaan ang Diyos sa gitna ng mga pagsubok, lalong dapat nating tapat na ipaliwanag ang kasamang nilalantad natin, ang tunay nating mga iniisip, at ang ating mga paghihirap sa Panginoon, at iba pa. Dapat tapat at totoo ang sinasabi natin pag nagdadasal tayo sa Panginoon, dahil pag gano’n, lagi tayong magiging malapit sa Diyos, at diringgin Niya ang ating mga panalangin. Sa ganitong paraan, mas lalalim ang kaalaman natin sa Diyos, at patuloy tayong uunlad sa buhay.

2. Dapat Nating Patahimikin ang Ating mga Puso sa Harap ng Diyos at Hindi Lamang Sumusunod sa Galaw Kapag Nagdadasal Tayo

Sinabi sa ‘tin ng Panginoong Diyos, “Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka(Mateo 6:6). Ngayon, marami sa ‘ting mga kapatid ang nakatuon lang sa panlabas na proseso pag nagdarasal, at hindi nananalangin sa pamamagitan ng tahimik na paglapit sa Diyos. Ipagpalagay na kapag abala ka sa trabaho at takot kang mahuli sa trabaho sa umaga, sa pagtatangkang magkaro’n ng mas maraming oras, maaaring bumulong ka ng isang walang sigasig na panalangin sa Diyos. Ang mga gano’ng panalangin ay isang paraan para makaraos, gumagawa nang walang sa puso. O kaya, pag nagdarasal tayo sa mga pagpupulong at makarinig tayo ng ibang tao na nagdarasal nang matagal o maraming sinasabi, habang tayo ay walang gaanong sinasabi, nangangamba tayong hahamakin tayo kapag mas kaunti ang dasal natin kesa sa iba, kaya kapag tayo na ang mananalangin, gagayahin natin yung tao at maraming sasabihin, minsan uulitin pa natin yung mga bagay na sinabi nung tao. Yung mga gano’ng panalangin ay ginagawa lang para makita ng ibang tao, hindi ’yon mga panalangin na tahimik na sinasambit sa Diyos. Kaya paano tayo dapat manalangin? Halimbawa, maaaring nagmamadali tayong pumasok sa trabaho sa umaga, pero habang naghihintay tayo ng bus, maaari nating pakalmahin ang ating puso at tahimik na lumapit sa Panginoon. Magagawa rin natin ito sa ating mga puso habang nakasakay tayo sa bus o nakaupo sa opisina. Hindi hinihiling ng ganitong pagdarasal na sumunod tayo sa ano mang tuntunin, hinihiling lang nito sa ’tin na maging malapit sa Panginoon at makamit ang bunga ng hindi paglayo sa Kanya. At saka, pag nagdarasal tayo sa mga pagpupulong, hindi natin dapat subukan na tingalain tayo ng iba pag nagdarasal, dapat hangarin lang natin na tahimik na lumapit sa Diyos at buksan ang ating mga puso sa Kanya at tanggapin ang pagkilos ng Banal na Espiritu. Pag ginawa natin ’yon, hindi lang tayo basta gumagawa nang wala sa puso, at diringgin tayo ng Diyos.

3. Manalangin ng Nakatuon sa Kalooban ng Diyos at Pakawalan ang mga Matinding Pagnanasa

Sinabi rin sa atin ng Panginoong Jesus, “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo(Mateo 6:31-33). itinuro sa atin ng Panginoong Jesus na hindi dapat tayo nagbibigay pansin sa kung ano ang ating kakainin o kung ano ang ating isusuot. Hindi natin dapat hinahangad ang mga bagay na ito mula sa Panginoon, sapagkat ang Panginoon ay maghahanda at isasaayos ang lahat ng kailangan natin sa materyal. Kinakailangan ito ng Panginoon sa atin: “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” Ito ay upang sabihin na ang dapat muna nating ipagdasal ay ang kaharian at katuwiran ng Diyos, sapagkat tinatanggap ng Diyos ang ganitong uri ng panalangin. Bilang mga Kristiyano, alam nating lahat na hindi tayo maaaring magkaro’n ng maluluhong kahilingan sa Diyos, pero dahil meron tayong layunin na magkamit ng mga biyaya, madalas tayong humihingi sa Diyos na hindi ’yon napapansin, gumagawa ng maluluhong kahilingan para masiyahan ang lahat ng uri ng pagnanais. Halimbawa, para maipasok ang anak natin sa mas magandang eskwelahan, maaari tayong magdasal ng, “Diyos ko, ilang araw na lang pagsusulit na ng anak ko. Ipinagkakatiwala ko sa ’Yo ang anak ko, hinihiling kong bigyan Mo siya ng katalinuhan at karunungan para makakuha siya ng magandang mga resulta sa pagsusulit at maging matagumpay sa hinaharap.” Ang mga nagnenegosyo ay maaaring magdasal ng, “Diyos ko, ipinagkakatiwala ko sa ’Yo ang negosyo ko, hinihingi ko ang ’Yong proteksyon at pangangalaga, hinihiling kong pagpalain Mo at gawing matagumpay ang negosyo ko at ipakita sa mga Hentil ang mga himalang kaya Mong gawin, na siya ring magpapalaya sa akin sa kakulangang materyal.” Ang mga ganitong panalangin ay nagtataglay lahat ng sarili nating maluluhong pagnanais. Hinihiling ng lahat ng ito na gawin ng Diyos ’yon ayon sa mga gusto natin. Tayo ay mga nilikhang tao, at kailangan nating makipag-usap sa Maylikha. Dapat tayong magkaro’n ng pusong may takot sa Diyos, at huwag hilinging kumilos ang Diyos ayon sa ’ting mga kagustuhan bagkus manalangin na nakatuon sa kalooban ng Diyos. Ipagpalagay na alam nating lahat na nabubuhay tayo sa mga huling araw, at alam nating sinasabi ng mga propesiya na darating Siyang muli, kaya dapat mas magdasal tayo para dumating na sa lupa ang kaharian ng Diyos, dahil gaya ng sinasabi rito na, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10). Dapat tayong manalangin na gabayan tayo ng Diyos na maging matatalinong birhen, at para masalubong ang Panginoon pag nabalitaan natin ang Kanyang pagbabalik. Dapat din tayong manalangin na matakasan ang ating kasamaan at para sa pagdadalisay. Ang mga ganitong dalangin, para magkamit ng katotohanan at buhay, ay diringging lahat ng Panginoon.

Sa huli, gusto kong ibahagi sa lahat ang dalawang siping nabasa ko sa isang gospel website. “Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapapatunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.” “Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos(“Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin”).

Tala ng Patnugot:

Nahanap mo na ba ang landas ng pagsasagawa ng panalangin matapos ang mga artikulo sa taas? Kung mayroon kang anumang paliwanag na nais mong ibahagi o anumang mga tanong, maaari mong pindutin ang buton sa kanang sulok sa ibaba ng screen upang makausap kami ng live.

Matuto nang higit pa sa pahina Panalangin:

Mag-iwan ng Tugon