Menu

Ako ay Dinala sa Harap ng Diyos

Binautismuhan ako at lumapit sa Panginoong Jesus nung 20 ako. Pinagsigla ang puso ko ng mga sermon ng pastor tungkol sa pagmamahal, at matulungin sa isa’t isa ang lahat ng mga kapatid ko sa iglesia, kaya natuwa ako sa pagdalo run. Madalas kong naririnig na sinasabi ng pastor, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin tayo, Nabuhay siyang muli at umakyat sa langit para sa’tin. Pag kumpleto na ang paghahanda Niya, daratiing Siya para dalhin tayo sa langit. Dahil ipinangako ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). At ganundin sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.’” Madalas na sinasabi ng pastor sa amin: “Hangga’t ang tiwala nati’y nasa Panginoon, kapag dumating Siya, dadalhin Niya tayo paakyat ng langit at makakasama Siya magpakailanman. Sa langit ay walang kalungkutan, walang karamdaman, at walang luha. Meron lang galak at kapayapaan …” Nakakita ako ng pag-asa at suporta sa mga bersong ito. Hangga’t sinusundan ko ang Panginoon at magtitiis hanggang dulo, tiyak na dadalhin ako sa langit at tatamasahin ko ang pagpapala Niya. Lagi akong umaasang darating na ang Panginoon para dalhin ako patungong langit.

Hanggang nung Setyembre 2017, nakilala ko si Brother Wang dun sa Facebook. Sinabi niya sa’kin: “Nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos para ihayag ang katotohanan, gawin ang paghatol at pagdadalisay.” Nung narinig ko ang balitang ito, talagang nabigla ako: Nagbalik na ang Panginoong Jesus? Pero paano nangyari iyon? Hindi pa nangyayari ang pangako Niya, kaya paanong nagbalik na Siya? Bago pa matapos si Brother Wang, sumabad ako at sinabing: “Pag bumalik ang Panginoong Jesus, dadalhin tayo patungo sa mga ulap para makatagpo ang Panginoon. Pero narito pa rin tayong lahat sa lupa, walang dinala sa atin, kaya pa’nong nagbalik na’ng Panginoong Jesus?” Pinayuhan ako ni Brother Wang na hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi niya ring magbabahagi siya sa’kin kung may mga tanong ako. Pero dahil iba ang sinabi niya sa pagkaunawa ko, at dahil abala rin ako sa trabaho, di ko na ulit nakausap si Brother Wang.

Nung Nobyembre, pinagpahinga ako nang isang buwan habang may mga isinasaayos sa kompanya ko, kaya nagkaro’n ako ng libreng oras. Madalas akong nagbubukas ng Facebook at nakikipag-chat sa mga kaibigan. Napansin kong marami sa kanilang nagpo-post ng mga pelikula, video, at artikulo ng testimonya, at awitin mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naalala ko kung pa’no sinabi ni Brother Wang sa’kin na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya nag-usisa ako: Anong klaseng iglesia ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Bakit ang bilis nitong lumago? Naalala ko ang isang pamilyar na kasabihan: “Ang nagmumula sa Diyos ay dapat yumabong!” “Ang Makapangyarihang Diyos kaya ang nagbalik na Panginoong Jesus? Pero hindi pa tayo dinadala at hindi pa natutupad ang pangako ng Diyos. Ano ba ang nangyayari?” Litong-lito ako. Pero isang araw, habang nakikipag-chat ako kay Sister Li sa Facebook, tinanong ko siya nito, “Narinig mo na ba ang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Alam daw niya ito, at iyon lang ang iglesia na hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoong Jesus at kakatanggap pa lang ng pinsan niya sa Makapangyarihang Diyos at sinama siya nito para makinig sa mga sermon. Sinabi niyang ang mga sermon na narinig niya sa Iglesia’y lubos na sariwa’t nagbibigay-liwanag, at nakatulong na sagutin ang mga tanong niya. Kaya nagdesisyon siyang siyasatin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Nung narinig kong malapit nang siyasatin ni Sister Li ang Iglesia, medyo nabahala ako, at nagmadaling sumagot sa kanya: “Sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17, sinasabing: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.’ Pero narito pa rin tayo sa lupa, hindi pa tayo naidala, kaya paanong nagbalik na ang Panginoon? Hindi ka dapat masilaw at maligaw sa mga ganyang turo.” Sinabi ni Sister Li, “Hindi tayo dapat masilaw, pero mali ring tanggihan ito nang hindi muna ito sinisiyasat. Hindi yun kalooban ng Panginoon! Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at nilalampasan natin Siya dahil ayaw nating magsiyasat, pagsisisihan natin ito. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘At ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan(Mateo 7:8). Hangga’t naghahanap tayo, tiyak na gagantimpalaan tayo.” Naisip kong may katuturan ang sinabi ni Sister Li. Ang pagsalubong sa Panginoon ay may kaugnayan sa’ting pagpasok sa kaharian ng langit at hindi ‘to dapat ipagwalang-bahala.

Kaya chineck ko ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kasama si Sister Li para siyasatin pa ito. Pinanood namin ang pelikulang Nanganganib na Pagdala, at tumatak sa’kin ang isang pag-uusap sa pagitan ng tatlong tao. Sa eksenang iyon nagbasa si Brother Guo mula sa Pahayag: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao(Pahayag 1:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2, 3). Sabi niya, “Ipinapakita ng mga bersong ito na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magkakatawang-tao Siya bilang ang Anak ng tao para magpahayag sa simbahan. Sinabi rin ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig(Juan 10:27). Maging mga matalinong birhen tayo at hanapin natin ang tinig ng Diyos. Sa’nman magsalita ang Banal na Espiritu sa mga simbahan, mapaparoon ang tinig ng Diyos, pati ang pagpapakita at gawain Niya. Kapag marinig lang natin ang tinig Niya, tanggapin ang Kanyang gawain, at bumalik sa harap ng trono ng Diyos saka tayo madadala. Nauunawaan kong kabilang sa ‘pagdala’ ang pagkarinig sa pagkarinig sa tinig ng Diyos, pagtanggap sa nagkatawang-taong Anak ng tao, at paglapit sa Diyos. Ito ang totoong kahulugan ng pagdala. Di tayo dadalhin kung di natin tinatanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Tatalikuran tayo ng Diyos.” At nagbahagi si Brother Zhou, “Naging tao ang Panginoon bilang ang Anak ng tao para gawin ang gawain Niya sa lupa. Dinadala tayo sa pagtanggap sa nagkatawang-taong Anak ng tao. Maging mga matalinong birhen tayo at hanapin natin ang tinig ng Diyos. Sa paghanap sa pahayag ng Banal na Espiritu at pagtanggap sa Diyos ay tunay tayong dinadala!” Tapos, sinabi ni Brother Zheng, “Alam na natin ngayon ang tunay na kahulugan ng pagdala. Ito’y kapag dumating ang Panginoon sa lupa para matagpuan tayo, kapag naririnig natin ang tinig Niya at bumabalik sa harap Niya. Wala ‘tong kinalaman sa pagdadala mula sa mababa patungong mataas na lugar. Ang Panginoon ay nasa langit at dadalhin Niya tayo patungo sa langit, pero ito’y kathang-isip lang ng imahinasyon natin. Walang kabuluhan ito!”

Pagdating sa puntong ‘yon ng pelikula, medyo nalito ako, kaya tinanong ko si Sister Li: “Kaiba ito mula sa pagkaunawa ko ng pagdala. Mali ba ang pagkaunawa ko sa ideya ng pagdala? Laging ganito inilalarawan ng pastor ko ang pagdala. Ito’y ang pag-akyat sa’tin ng Panginoong Jesus sa himpapawid para makasama Niya sa pagbabalik. Mali ba talaga ang pagkaunawang ito?”

Sumagot si Sister Li: “Nagbibigay-liwanag ang sinasabi nila. Sa Biblia, ang mga banal lang daw ang makakakita sa Panginoon. Ngayong nagkakasala at nangungumpisal pa rin tayo, angkop ba tayong makita ang Panginoon? Hindi ba’t malabo ang ideya natin ng pagdadala para makatagpo ang Panginoon? Narinig kong sinasabi ng mga taga- Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na ginawa lang ng Panginoong Jesus ang pagtutubos na nagpatawad sa tao pero hindi pa rin nalulutas ang tiwaling disposisyon at likas na pagka-makasalanan ng tao. Sila’y nagkakasala pa rin kaya hindi sila makakapasok sa kaharian Niya. Upang iligtas ang sangkatauhan, dumating ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw. Matapos ang gawain ng Panginoong Jesus, inihahayag Niya ang katotohanan, hinahatulan at nililinis ang tao para puksain ang sanhi ng mga kasalanan ng tao, para mailigtas tayo at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya sa palagay ko, ang pagdala’y hindi kasingsimple ng iniisip natin.”

Nang marinig kong magsalita si Sister Li, parang may ilang misteryo sa’kin sa ideya ng pagdala at gusto ko ring malaman ito. Kaya lumapit kami kay Brother Wang ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi sa kanya ang tungkol dito. Sabi ko, “Isinasaad ng 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17 na: ‘Tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.’ Nakita natin sa pelikulang Nanganganib na Pagdala na ang pagdala ay pakikinig sa tinig ng Diyos dito sa lupa, at pagtanggap sa mga salita’t gawain Niya pag bumalik Siya. Hindi ito ang sinasabi ng Biblia na pagdala sa hangin para makatagpo ang Panginoon. Hindi ba’t taliwas ito sa salita ng Biblia?”

Ganito ang sinabi niya: “Tungkol sa misteryo ng pagdala, walang tao ang ganap na makakaunawa nito. Diyos lang ang nakakaalam. Hanapin natin ang katotohanan batay sa mga salita ng Panginoon at mga propesiya sa Pahayag. Ito lang ang tama. Ano nga ba ang sinasabi sa panalangin ng Panginoon? ‘Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). Malinaw na sinabi sa’tin ng Panginoong Jesus, Ang kaharian ng Diyos ay bababa sa lupa sa mga huling araw. Hindi ‘to mangyayari sa langit. Isasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Sinasabi rin sa Pahayag na: ‘At nakita ko [si Juan] ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila(Pahayag 21:2–3). ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man(Pahayag 11:15). Binabanggit ng mga propesiyang ito na ‘ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,’ ‘ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo,’ at ‘ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios.’ Pinapatunayan nitong bubuuin ng Diyos ang kaharian Niya sa lupa sa mga huling araw, mabubuhay siya kasama ang mga tao at ang lahat ng bansa ng mundo ay tunay na magiging kaharian ni Cristo. At kung mapapanatili natin ito, nasa langit ang kaharian ng Diyos at pag bumalik Siya’y dadalhin Niya tayo sa langit, hindi ba’t walang kabuluhan ang mga iyon?”

Dahil dun, naisip kong sa pagiging: “Kristiyano ko, parati kong dinarasal ang panalangin ng Panginoon, na dumating nawa’ng kaharian ng Diyos, at na magawa ang kalooban Niya sa lupa gaya ng sa langit. Sinasabi ng Pahayag, ‘Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,’ ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo,’ at ‘Ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios.’ Ipinapaliwanag ito ng lahat ng mga iyon. Paanong hindi ko ito napagtanto? Ba’t di sinasabi ng pastor ang tungkol sa mga kabanatang ito? Nagbibigay-liwanag ang mga sermon ng mga taga Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw at simple nilang ipinaliwanag ang lahat, at lalo akong nagiging interesado.” Pero may mga tanong pa rin ako, kaya tinanong ko si Brother Wang: “Ang pagtalakay mo sa pagbuo ng Diyos ng kaharian Niya sa lupa ay sariwa at bago, at sang-ayon sa Biblia. Pero pinangako rin ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Nung muling nabuhay at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, naghanda Siya ng lugar para sa’tin, kaya dapat, nasa langit ang lugar na iyon. Pa’no pa ba mauunawaan ang siping ito?”

Sumagot si Brother Wang gamit ang pagbabahaging ito: “May misteryo sa mga salita ng Panginoon. ’Di natin pwedeng limitahan ang gawain ng Diyos batay sa pagkaunawa’t imahinasyon natin, dahil ang gawain Niya ay hindi matatarok. Kapag natapos lang ng Diyos ang lahat ng gawain Niya at ipinakita iyon sa’tin, doon natin makikita ito. Nung tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nakita ang mga bunga ng gawain ng Diyos, napagtanto ko ang paghahanda ng Panginoon ng lugar para sa’tin. Na nagiging tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawain Niya at itinatalaga na isisilang tayo sa mga huling araw para tanggapin ang Kanyang gawain. Tinutupad nito’ng sinabi ng Panginoong Jesus: ‘upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:3). Kaya ang lugar na inihanda ng Panginoong Jesus para sa’tin ay nasa lupa, at wala sa langit.” Nang marinig ko ito, napagtanto ko kung ga’no ako ka-ignorante. Dumating ang Panginoon para magpahayag at gumawa, pero nakamasid pa rin ako sa mga ulap naghihintay na dalhin Niya ako sa hangin. Talagang mali ang pagkaunawa ko! Pa’nong posible kong nasalubong ang Panginoon at nadala?

Pagkatapos ay nagbasa si Brother Wang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas na at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa tao ay lubusan nang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawat tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong dako; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay bumabalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na nilikha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng normal na buhay. Ang mga tao ay hindi na susuway o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eva. Ito ang kani-kanyang buhay at hantungan ng Diyos at ng sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang di-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan at pagpasok sa kapahingahan ng tao ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang sumasamba ang tao sa Diyos sa kapahingahan, mamumuhay siya sa lupa, at habang inaakay ng Diyos ang natitirang bahagi ng sangkatauhang nasa kapahingahan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos nun ay sinabi ni Brother Wang: “Sa lupang iyon nang sa simula’y unang ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok, at nung ginawang tiwali ni Satanas ang tao, sa lupa ginabayan at tinubos ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng gawain Niya. Ang Diyos ay muling nagkatawang-tao ngayon sa mga huling araw, ipinapahayag ang katotohanan para humatol, maglinis at malutas ang pagiging makasalanan ng tao at gumawa ng pangkat ng mga mananagumpay. Nakikinig sila sa salita ng Diyos, nagpapasakop at sumusunod sa daan Niya. Maisasagawa ang kalooban ng Diyos at maisasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa, at magdadakila sa Diyos. Kapag kumpleto na ang gawaing pamamahala Niya para sa pagliligtas, matatalo Niya na si Satanas. Hindi na magagambala ng mga puwersa nito ang mundo, ang mga matitira ay ang mga naligtas ng Diyos, hindi na maghihimagsik ang tao sa Diyos. Mabubuhay ang sangkatauhan sa kapayapaan, wala nang digmaan, at pwede nang magpahinga ang Diyos at tao nang magkasama. Ang lugar ng pahinga ng Diyos ay nasa langit, at ang lugar ng pahinga ng tao ay nasa lupa. Gagabayan ng Diyos ang sangkatauhan mula sa lugar Niya sa langit, at sasambahin ng tao ang Diyos sa lupa, habang tinatamasa ang buhay. Ito ang kamangha-manghang buhay na inihanda ng Diyos sa sangkatauhan. Ito nga ang makakamit ng Diyos sa bandang huli.”

May napakapraktikal na bagay tungkol sa sinasabi ni Brother Wang. Kapag nasira na si Satanas, makakalaya na ang mundo sa masasamang puwersa, at ang buhay na plano ng Diyos para sa’tin ay magiging pinaka-kamangha-manghang buhay! Hay. Ang pagkaunawa ko sa pagdala ay naging sobrang labo. Ginawa ng Diyos na mabuhay ang tao sa lupa, pa’no siya makakaakyat nang gano’n kadali? Kung tunay na dinala ng Diyos ang tao paakyat sa langit, pa’no sila mabubuhay nang walang pagkain at saka tirahan? Ang ideya ng pakikipagtagpo sa Panginoon sa himpapawid ay imahinasyon ng tao. Parang bata ang ganoong pag-iisip. Lagi kong naririnig sa pastor na nasa langit daw ang kaharian ng Diyos at pinaniwalaan ko iyon at nanabik akong madala sa langit. Mukhang hindi rin nauunawaan ng pastor at mga tagapangaral ang Biblia! Mali ang pakahulugan nila sa salita ng Diyos ayon sa pagkaunawa nila. Nililinlang nila ang tao!

Ipinagpatuloy ni Brother Wang ang pagbabahagi niya: “Tungkol naman sa tunay na kahulugan ng pagdala, tingnan natin ang sinasabi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang “madala paitaas” ay hindi ang madala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Malaking pagkakamali iyan. Ang “madala paitaas” ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakatutok ito sa lahat ng Aking naitalaga at napili noon pa man. Yaong mga nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, ang katayuan ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng tao na nadagit. Lubha itong hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao. Yaong mga may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay pawang mga tao na nadala sa Aking harapan. Totoo talaga ito, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga noon pa man ay madadagit sa harap Ko’” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagbahagi si Brother Wang: “Ang pagdala ay hindi gaya ng iniisip natin. Hindi ito pagdala mula sa lupa patungo sa mga ulap, o kaya’y pagdala paakyat sa langit. Galing ito sa mga pagkaintindi ng tao at literal na interpretasyon ng mga bersong ito. Sa katunayan, ito’y pagsalubong sa Panginoon at pagdala sa’tin sa harap ng Diyos. Ito’y pagkarinig sa Diyos, pagtanggap at pagpapasakop sa bagong gawain Niya at pagsunod sa mga yapak ng Kordero pag nandito na’ng Diyos para magpahayag at gumawa. Dumating ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao para magpahayag ng katotohanan, maghatol at magdalisay. Ang lahat ng nakakarinig sa Diyos at sumusunod sa bagong gawain Niya ay dinadala sa harap ng trono ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga matalinong birhen, sila ang ‘ginto, pilak at mga hiyas’ na dinadala ng Panginoon. Sila’y mahuhusay, at nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan at nauunawaan ang tinig ng Diyos. Tunay silang dinadala. Tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nagtatamo sila ng tunay na pagkaunawa Niya at dinadalisay ang tiwali nilang disposisyon. Sila’y mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang sakuna at aakayin sila ng Diyos sa pangwakas nilang hantungan. Ito ang tunay na kahulugan ng pagdala patungo sa langit. Ang mga kumakapit sa pagkaunawa nila, at naghihintay para dalhin sila ng Panginoon, na tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos ay mga hangal na birhen. Isinasantabi sila ng Panginoon at babagsak sila sa mga sakuna, nang tumatangis at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: ‘Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng pagdadalisay. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. … Kapag natapos ang gawaing ito, yaong mga tao na pinapayagang manatili ay lilinising lahat at papasok sa mas mataas na kalagayan ng katauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao’” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). At sinabi ni Brother Wang: “Lahat ng tunay na naniniwala sa Diyos at nananabik na magpakita Siya ay tinanggap ang Makapangyarihang Diyos pag mabasa ang mga salita Niya at marinig ang tinig Niya at dinala sa harap ng trono ng Diyos. Tinatanggap nila ang probisyon ng mga salita ng Diyos at hindi na nauuhaw ang kanilang mga espiritu. Hindi na sila mahina’t negatibo, at hindi nabubuhay sa mga gapos ng kasalanan. Nabubuhay na sila sa liwanag ng Diyos. Dahil tinanggap ang paghatol ng mga salita Niya, unti-unting bumubuti ang mga tiwaling disposisyon nila, at itinatakwil nila ang mga gapos ng kasalanan at nananahan sa lupain ng may kalayaan. Hindi ba’t ito nga ang buhay ng isang dinala?”

Nakatulong ang pagbabahagi ni Brother Wang para malinawan ako. Ang pagiging dinala ay pagkarinig sa Diyos at pagbabalik sa harap ng trono Niya. Naunawaan ko na ang tunay na kahulugan nito. Naunawaan ko lang ang literal na kahulugan ng Mga Kasulatan. Batay sa pagkaunawa ko, naniwala akong darating ang Panginoon upang dalhin tayo. ‘Di ako nagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, muntik lumampas ang pagkakataon kong madala. Napakaignorante ko! Ngayon ko lang napagtanto na ang mga dinala lang sa harap ng trono ng Diyos, tumatanggap sa paghatol ng salita Niya, dinalisay at binago ay angkop na pumasok sa kaharian ng Diyos at tanggapin ang mga pangako Niya. Tunay nga na matalino’t makabuluhan ang gawain ng Diyos. Matapos maghanap, magsiyasat, at magbasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, natiyak kong Siya nga ang nagbalik na Panginoong Jesus at tinanggap ang gawain Niya sa mga huling araw! Dinala ako sa harap ng trono ng Diyos at dumalo ako sa piging ng Kordero. Salamat sa Kanyang pagliligtas!

Mag-iwan ng Tugon