Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Mateo 4:4

Bible Verse of the Day Tagalog

Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

salitang-lumalabas-sa-bibig-ng-Diyos-1

Nang tuksuhin ni Satanas ang Panginoong Jesus at sabihin sa Kanya na gawing pagkain ang mga bato, sinabi Niya, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos(Mateo 4:4). Pinabulaanan ito ng Panginoong Jesus gamit ang mga salitang ito, at umatras si Satanas sa kahihiyan. Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, mauunawaan natin na sa mundong ito, nabubuhay tayo hindi lamang sa pagkain, kundi sa mga salita ng Diyos. Bagaman ang pagkain ay nakapagpapanatili ng ating buhay sa laman ngunit hindi nakakapagdulot ng paglago sa ating espirituwal na buhay o malutas ang ating mga paghihirap at kirot sa ating mga puso ... Tanging ang mga salita ng Diyos ang makakalutas nito. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at maaaring magpahintulot sa atin na maunawaan ang kalooban ng Diyos sa mga paghihirap, magpakita sa atin ng paraan ng pagsasagawa, at palakasin ang ating espiritu. Malinaw na ang mga salita ng Diyos ay espirituwal na tinapay para sa ating buhay at maaaring maging ating buhay.

Katulad ito sa sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Simple man o malalim sa tingin ang mga salitang sinasambit ng Diyos, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao habang pumapasok siya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa tao ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang mga prinsipyo at doktrina para pangasiwaan ang kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas na kailangan niyang tahakin para maligtas, pati na rin ang layunin at direksyon nito; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagbibigay-kakayahan sa tao na maging malakas at manindigan. Sagana ang mga iyon sa katotohanang realidad na ginagamit ng nilikhang sangkatauhan para isabuhay ang normal na pagkatao, sagana sa katotohanang nagpapalaya sa sangkatauhan mula sa katiwalian at iniiwas sila sa mga patibong ni Satanas, sagana sa walang-pagod na pagtuturo, pangaral, paghihikayat, at pag-aliw na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na isasabuhay at tataglayin ng mga tao ang lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan lahat ng tao, kaganapan, at bagay ay sinusukat, at pananda rin sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa landas ng liwanag.

Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.

Mag-iwan ng Tugon