Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Awit 91

Bible Verse of the Day Tagalog

Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Diyos ko na Siyang aking tinitiwalaan. Sapagka’t Kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Ang mga Sakuna ay Dumarating sa Atin: Paano Makakapasok sa Kanlungan

Lumalaganap pa rin ang pandemya sa buong mundo at hindi nagpapakita ng mga palatandaan na hihinto. Dagdag pa, ang mga sunog, bagyo, lindol, digmaan, at iba pang mga sakuna ay madalas na nangyayari. Naiipit tayo sa mga sakuna. Ito ay nakasulat sa Bibliya, “Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Diyos ko na Siyang aking tinitiwalaan. Sapagka’t Kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot” (Awit 91:1-3). Ang mga talatang ito ay nagkakaloob sa atin ng pananampalataya, na nagsasabi sa atin gaano man kalaki ang mga sakuna, ang Diyos ang ating kaligtasan at ang ating tanging kanlungan. Tanging kung tayo ay lalapit sa Diyos at tatanggapin ang Kanyang kaligtasan maaari tayong makapasok sa kanlungan at makakamit ang Kanyang proteksyon. Gayunpaman, iniisip ng maraming mananampalataya na nakapasok na sila sa kanlungan sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos, madalas na pagsasaulo ng mga banal na kasulatan, at pagdarasal ng rosaryo. Ganito ba talaga? Kapag nakikita mo na maraming maka-Diyos na mananampalataya at maging ang mga pastor at madre ang namatay dahil sa mga sakuna, marahil ay malilito ka, “Hindi ba sila madalas na nagsasaulo ng mga banal na kasulatan at nagdarasal?” Talagang hindi. Kaya paano tayo makakatanggap ng proteksyon at makakapasok sa kanlungan kasama ang ating mga pamilya?

Diyos-ang-ating-kanlungan

Makikita natin na ang paglitaw ng mga sakuna na ito ay tiyak na tumutupad sa mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, tulad ng, “Sapagka’t magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba’t ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito’y pasimula ng kahirapan(Marcos 13:8). Ito ay nagpapahiwatig na ang Panginoon ay matagal nang bumalik. Marahil ay nakita o narinig mo na ang patotoo ng maraming tao: Ang Panginoon ay nagbalik at Siya ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Ipinahayag Niya ang katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at dalisayin sila, upang tayo ay madalisay, makaligtas sa mga sakuna, at makapasok sa magandang destinasyon—ang kaharian ng langit. Samakatuwid, kung sasalubungin lamang natin ang pagbabalik ng Panginoon at tatanggapin ang huling kapanahunang kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos ay magkakaroon tayo ng pagkakataong matanggap ang proteksyon ng Diyos sa panahon ng mga sakuna. Marahil marami sa inyo ang magtatanong: Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Maliwanag na babalik ang Panginoon para magbigkas ng mga salita at gagamitin ang Kanyang mga salita para kumatok sa ating mga pintuan. Kapag naririnig ang patotoo na ang Panginoon ay nagbalik at bumigkas ng mga salita, ang mga naghahangad na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon ay magsisikap na marinig ang mga salita ng nagbalik na Panginoon. Sa sandaling makilala nila ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng nagbalik na Panginoon, tatanggapin at susundin nila. Ito ay pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon upang matamo ang Kanyang huling kaligtasan at tunay na makapasok sa kanlungan.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos.

Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at maaari lamang mamatay ang mga tao, na walang pag-asa na manatiling buhay.

Ah! Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na muog. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng sakuna. Ganito ang Iyong maka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga.

Kung gusto mong marinig ang tinig ng Diyos, tanggapin ang Panginoon sa lalong madaling panahon at pumasok sa kanlungan kasama ang iyong pamilya, mangyaring i-click ang link ng Messenger upang makipag-ugnayan sa amin. Ikalulugod naming makipag-usap sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon