Sabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Sabi ng Diyos, “Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob na pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri.”
Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at ihahayag ang mga hiwaga ng Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan gaya ng layunin ng Diyos sa pamamahala ng sangkatauhan, kung bakit ginawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang mailigtas ang tao, kung paano umusad ang tatlong yugto na ito nang hakbang-hakbang, at ang mga koneksyon at pagkakaiba sa pagitan nila, ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos, kung paano isinasagawa ng Diyos ang paghatol sa panahon ng mga huling araw, ang kabuluhan ng paghatol, ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang kwento sa loob ng Bibliya, ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay, kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, natatanging awtoridad ng Diyos, ang Kanyang matuwid na disposisyon, Kanyang kabanalan, Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan, kung paano umunlad ang sangkatauhan hanggang sa ngayon, kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang katotohanan ng katiwalian ng tao ni Satanas, ang pinagmumulan ng tiwaling pagsalansang at pagkakanulo ng tao sa Diyos, kung paano gumagawa ang Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan, kung paano isinasagawa ni Satanas ang tusong mga pakana upang gambalain at guluhin ang gawain ng Diyos, kung paano tinatalo ng Diyos si Satanas at tinatapos ang kapalaran ni Satanas, ang kahulugan ng isang totoong buhay, kung paano dapat mabuhay ang mga tao upang maging tunay na masaya, pati na rin ang mga katapusan ng iba’t ibang uri ng mga tao, ang tunay na patutunguhan ng sangkatauhan, kung paano dadalhin ng Diyos ang kapanahunang ito sa katapusan, kung paano magaganap ang kaharian ni Cristo, at iba pa. Ang mga hiwagang ito ay pinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga hiwagang ito ay may kaugnayan sa plano ng pamamahala ng Diyos, at sa patutunguhan ng sangkatauhan. Mula sa mga hiwaga na inihahayag ng Diyos, makikita natin na ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos.
Inirerekomenda:
Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)
Sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Sabi ng Diyos, “Kung ang mga salita man na sinabi ng Diyos ay payak o malalim sa tingin, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumayo. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag.”
Pinalinaw ng husto ng mga salita ng Diyos na ang salita lamang ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging buhay ng tao. Kaya, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay maaaring magbigay sa mga tao ng landas ng pagsasagawa at nagtutustos sa kanilang buhay. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay labis na nagawang tiwali, hindi alam kung paano mamuhay o kung paano sumamba sa Diyos. Ginamit ng Diyos na Jehova si Moises upang maghayag ng mga batas at utos, para ang mga tao ay matutong sumamba sa Diyos. Kung ang sinuman ay tumupad sa mga salitang ito ng Diyos, siya ay pagpapalain ng kaligtasan ng Diyos. Ang mga batas at utos na ito ay mga salita ng katotohanan, at sila ang pagkakaloob ng buhay na kailangan ng sangkatauhan sa panahong iyon. Sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay paulit-ulit na nagkasala, bigo na sundin ang mga batas, at hinarap nila ang panganib na maparusahan at mapatay ng mga batas. Ang pagparito ng Panginoon ay nagdala ng handog ng kasalanan at bagong landas ng pagsasanay. Tinuruan Niya ang mga tao na mangumpisal at magsisi pagkatapos gumawa ng kasalanan at upang ipakita ang pagpaparaya at pagpapasensya sa kanilang buhay, at iba pa. Ang mga salitang ipinahayag ng Panginoon ay lahat ng lubhang kinakailangan ng mga tao ng panahong iyon at higit na pagkakaloob ng buhay para sa tao. Kahit na pinatawad tayo sa mga kasalanan matapos na matubos ng Panginoong Jesus at tinatamasa ang labis na biyaya at pagpapala ng Diyos, hindi maikakaila na nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan at hindi maalis ang ating sarili at hindi natin lubos na naiwaksi ang kasalanan at natamo ng Diyos. Iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). At sinabi ng Bibliya, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17), at “Sa harap ni Jehova; sapagka’t Siya’y dumarating: sapagka’t Siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng Kaniyang katotohanan ang mga bayan” (Awit 96:13). Mula sa mga salitang ito, makikita natin na darating ang Diyos sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan para hatulan at dalisayin ang tao at iligtas siya mula sa pagkaalipin ng kasalanan nang makamit ng mga tao ang kaligtasan at makapasok sa makalangit na kaharian.
Nais mo bang malaman ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Inirerekomenda naming mapanood mo ang video na ito: Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Paano ba talaga natin makikilala ang tinig ng Diyos? Una, isipin natin ang tungkol sa dalawang katanungan: Paano nilikha ng Diyos ang kalangitan, ang mundo, at lahat ng mga bagay doon? Paano binuhay ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa kamatayan? Tiyak, kapwa nakamit sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa simula, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang likhain ang kalangitan, ang lupa, at lahat ng mga bagay doon. Nagsabi ang Panginoong Jesus ng isang salita, kaya’t si Lazaro, na namatay na nang ilang araw, ay bumangon mula sa kamatayan at lumabas sa kanyang libingan. Makikita na ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan, at ito ay isang bagay na hindi pagmamay-ari ng sinumang nilikha.
Basahin natin ang isang sipi na kung saan sinasabi ng Diyos, “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!”
Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang mga salitang ito? Nadama mo ba na ang mga salita ng Diyos ay puno ng awtoridad at kapangyarihan? Tama, ganyan kapag naririnig ang tinig ng Diyos! Ito ang pinaka-natatanging katangian ng tinig ng Diyos.
Ito ay nakapropesiya sa Bibliya, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20), at “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga propesiya na ito na ang Panginoon ay babalik sa mga huling araw upang ipahayag ang Kanyang mga salita at hahanapin ang Kanyang mga tupa, at kikilalanin Siya ng mga tupa ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang tinig, susundan ang Kanyang mga yapak, at pagkatapos ay lalapit sa Kanya. Kaya, sa pagsalubong sa Panginoon, ang pinakamahalagang bagay ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung naririnig natin ang tinig ng Diyos at tinatanggap at sumusunod sa Kanya, sa gayon magiging mga matalino tayong mga dalaga at masasalubong ang Panginoon.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod” (Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).
Kapag naririnig natin ang isang taong nangangaral ng balita ng pagbabalik ng Panginoon, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Ano ang mga pangunahing punto upang makilala ang tinig ng Diyos?
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)
Sabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso” (Mga Hebreo 4:12).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa pinakamataas na punto sa sansinukob, pinanonood ng Diyos ang bawat galaw ng tao, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng tao. Kahit ang bawat kaloob-loobang kaisipan nila ay Kanyang minamasdan nang may walang-pasubaling kalinawan, hindi ito nilalampasan—kaya’t humihiwa ang mga salita ng Diyos sa mga puso ng mga tao, tumatama sa kanilang bawat iniisip, at matalas at walang kamalian ang Kanyang mga salita. ‘Kahit na ang tao ay “nakakikilala” sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala sa Aking Espiritu. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalim na saloobin ng lahat ng tao, at sinasanhi ang lahat sa lupa na bumagsak sa kalagitnaan ng Aking pagsisiyasat.’”
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at isipan ng mga tao. Tanging ang mga salita ng Diyos ang makahahayag ng mga ideya at saloobin natin na mga tiwaling sangkatauhan. Sa ibang salita, malinaw na nalalaman ng Diyos kung ano ang iniisip natin araw-araw, ang ating mga saloobin at pagpapahayag ng katiwalian, at maaaring ibunyag ang mga ito sa mga salita. Halimbawa, sa panahong iyon, ang mga Fariseo, sa mata ng mga Hudyo, ay mga banal na lingkod ng Diyos. Ngunit nakita ng Panginoong Jesus sa kanilang puso ang pagmamahal sa kawalang-katarungan at napopoot sa katotohanan, at inilantad Niya sila, na sinasabi, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal” (Mateo 23:27). Ang isa pang halimbawa, kahit na nakilala ng Panginoong Jesus ang babaeng Samaritana sa kauna-unahang pagkakataon, kaya Niyang maipahayag ang kanyang nakatagong lihim. Kaya kinilala ng babaeng Samaritana na ang Panginoong Jesus ay ang darating na Mesiyas. Mula rito, makikita natin na ang Diyos lamang ang makakapagsiyasat sa mga puso ng mga tao at tanging ang Diyos lamang ang nakakakita ng malinaw na katotohanan ng katiwalian ng mga tao at ang kanilang mga panloob na kaisipan. Ito rin ang isang prinsipyo upang makilala ang tinig ng Diyos.
Inirerekomenda:
Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)
Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay lubusan ng naganap. Ang Tagapagligtas ay dumating nang palihim bago ang matinding kapighatian. Maraming tao ang nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na. Gayunman, kapag naririnig ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, may ilang mga tao na hindi Siya tinatanggap ng maligaya bagkus tumatanggi na tanggapin Siya sapagkat naniniwala sila na walang nakakaalam sa pagbalik ng Panginoon at ang anumang pag-angkin na bumalik na ang Panginoon ay walang katotohanan. Ang pananaw ba nila ay naaayon sa kalooban ng Panginoon? Masasalubong kaya nila ang Panginoon sa ganitong paraan? Tingnan natin ang mga salita ng Panginoon, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6), at Pahayag 3:20, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Makikita natin mula sa mga talatang ito ng banal na kasulatan na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga salita at kakatok sa ating pintuan, at kailangan din nating lumabas at batiin Siya sa pamamagitan ng isang sigaw ng tao, “Narito, ang kasintahang lalake.” Dahil may mga taong nagsasabi sa atin ng balita ng pagbabalik ng Panginoon, ipinapakita nito na sa Kanyang pagdating, tiyak na ipaaalam Niya sa mga tao. Kung walang nakakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, gayon paano matutupad ang mga talatang ito? Bukod dito, alam nating lahat na ang Panginoon ay darating upang iligtas ang sangkatauhan, kaya kung hindi Niya ipinapaalam sa mga tao ang tungkol sa Kanyang pagparito, paano tayo makapananampalataya sa Kanya at makasusunod sa Kanya at mailigtas Niya? Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na at nagpahayag ng katotohanan upang dalisayin at mailigtas ang sangkatauhan. Kapag ang mga tumanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nagpakalat sa atin ng ebanghelyo, dapat nating pakinggan ang tinig ng Diyos tulad ng mga matalinong dalaga. Kapag nakikilala natin ang tinig ng Diyos, dapat nating buksan ang ating puso upang salubungin ang Panginoon. Kung hindi, kung panghahawakan natin ang ating mga paniwala at tumanggi na makinig sa tinig ng Diyos, magiging mangmang tayong mga dalaga at aalisin ng Diyos at magdurusa sa mga sakuna at iiyak at magngangalit ng ating mga ngipin.
Nais mo bang salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon? Nais mo bang hanapin ang mga yapak ng Diyos? I-click upang mapanood ang mga sumusunod na video.
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan
Maikling Dula – "Paggutom sa Sarili sa Takot na Mabulunan" (Tagalog Dubbed)
Ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa mundo! Gusto mo bang makapasok dito?
Kontakin Kami Gamit ang MessengerTungkol sa Amin | Pagtatatuwa | Patakaran sa Privacy | Credits
Copyright © 2024 Sundan ang mga Yapak ni Jesus - All rights reserved.