Isang Bagong Natuklasan sa Pahayag: Magbabago ang Pangalan ng Panginoong Jesus Kapag Bumalik Siya sa mga Huling Araw
Ang relos na may-pang-alarma sa aking mesa ay nasa alas 11:05 ng gabi. May ugali ako kung saan, sa bawat gabi bago matulog, magbabasa ako ng isang bersikulo sa Banal na Kasulatan. Sa karaniwan, nakabasa na ako ng isang bersikulo at makakatulog sa oras na iyon, ngunit sa gabing ito, nilito na ako ng bersikulo sa Banal na Kasulatan.
Sinasabi sa Pahayag 3:12: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.” Dati ko ng nabasa nang maraming beses ang bersikulong ito, ngunit sa gabing ito, napako ang aking mga mata sa mga salitang “aking sariling bagong pangalan,” at ito ang nagpalito na sa akin. Pinag-isipan ko: Ang “aking sariling bagong pangalan” ba ay nangangahulugang magkakaroon ng isang bagong pangalan ang Panginoong Jesus kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Sinasabi sa Aklat ng Hebreo, gayunman: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago. Kaya nga ano ang ibig sabihin ng mga salitang “aking sariling bagong pangalan” sa Pahayag? Maaari bang ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago kapag bumalik Siya sa mga huling araw?
“Tik tik tik,” lumigid sa dayal ang segundo sa aking relos na may-pang-alarma. Mas nagtagal pa at hindi ko pa rin maintindihan ito. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang tanong na ito, dahil may tuwirang kinalaman ito sa mahalagang bagay ng pagpasok ko sa kaharian ng langit. Kailangan kong mahanap at maunawaan ang sagot. “O Panginoon, mangyaring liwanagan at patnubayan ako….” Tahimik akong nanalangin sa puso ko at ipinagkatiwala ang tanong sa Panginoon.
Nang palapit na ang dilim sa kasunod na araw, biglang nakatanggap ako ng tawag mula sa isang dating kaklase, si Wang Fang, na nangaral na ng ebanghelyo sa ibang bahagi ng Tsina. Sinabi niyang nais niyang pumunta para sa isang kuwentuhan. Nang ibaba ko ang telepono, masayang-masaya ako, at naisip ko sa aking sarili: Mahahanap ko ang sagot sa aking tanong mula sa aking dating kaklase.
Sa aking sala, nakaupo si Wang Fang at ako sa sopa at sinabi ko sa kanya ang lahat tungkol sa mga kalituhan sa puso ko.
Pagkatapos ng pakikinig, sinabi sa akin ng aking dating kaklase, “Hui Zhen, sinasabi mong hindi maaaring magbago ang pangalan ng Diyos, kaya tatanungin kita: Ano ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan?”
Nang walang anumang pag-aalinlangan, sumagot ako, “Jehova!”
“At ano naman ang pangalan ng Diyos sa Bagong Tipan?” tanong ni Wang Fang.
“Jesus!”
Nakangiti, tiningnan ako ni Wang Fang at sinabi, “Kaya, hindi ba nagbago ang pangalan ng Diyos?”
Nataranta ako sa tanong ni Wang Fang. Hindi maaari ito … maaari ba ito? Nagbago na ang pangalan ng Diyos mula Lumang Tipan sa Bagong Tipan, at ang pangalang Jehova ay naging Jesus. Kung ganoon ang kaso, samakatuwid ang pangalan ng Diyos ay hindi magpakailanman walang pagbabago….
Nakangiti pa rin, sinabi ni Wang Fang habang nakatingin sa akin, “Hui Zhen, babasahin ko sa iyo ang ilang sipi, at pagkatapos ay mauunawaan mo.” Sa pagsabi niya nito, inilabas niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa, walang tigil nag-swipe hanggang natagpuan na niya kung ano ang kanyang hinanap, at pagkatapos ay binasa: “Ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”). “Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang ‘Jesus’ ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya.” “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may-angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang ‘Jesus’ ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at nakakatawan lamang ang isang bahagi ng plano ng pamamahala” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”).
Nagbahagi pagkatapos si Wang Fang, “Mula sa dalawang siping ito, nauunawaan natin, na bago nagsimula ang Diyos na gampanan ang Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan, wala Siyang pangalan, kundi Diyos lamang, ang Maylikha. Pagkatapos ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan, at noon lamang Siya gumamit ng pangalan. Ginamit lang ng Diyos ang pangalang Jehova nang tinawag Niya si Moises na akayin ang mga Israelita palabas ng Egipto. Nakatala sa Biblia, ‘At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila? At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi’ (Exodo 3:13-15). Pagkatapos noon, ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova upang simulan ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, akayin ang mga Israelita palabas ng Ehipto at pagtawid sa Dagat na Pula at patnubayan ang kanilang mga buhay sa ilang kasama ng mga haliging ulap at apoy. Sila ay binigyan Niya ng manna at pugo para kainin at ginamit si Moises upang ipahayag sa Bundok ng Sinai ang Kanyang batas at mga utos, at ginabayan Niya ang mga Israelta ng panahong iyon upang matuto kung paano mabuhay sa mundo at kung paano sambahin ang Diyos. Ang mga sumunod sa batas at mga utos ay tinanggap ang pagpapalala ng Diyos na Jehova, at ang mga lumabag sa batas at mga utos ay pinarusahan. Ang pangalang Jehova ay isang pangalang partikular sa Kapanahunan ng Kautusan, at kumatawan ito sa disposisyon ng Diyos bilang parehong maawain at nagpaparusa.
“Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas nang lalo pang malalim. Walang nang tumupad ng kautusan, at lahat ay nasa patuloy na panganib na masentensiyahan ng kamatayan ayon sa batas. Naawa sa tao ang Diyos, gayunman, at upang iligtas ang sangkatauhan, dinala Niya sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan kung saan kinuha Niya ang Jehova bilang Kanyang pangalan, nagkatawang-tao Siya, at sa ngalan ni Jesus, inilunsad Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Pagtubos. Nangaral ang Panginoong Jesus saan man Siya pumunta, na sinasabi sa mga tao na malapit na ang kaharian sa langit at dapat silang magsisi. Gumawa rin Siya ng maraming himala, nagpapagaling sa mga ketongin, pinalalakad ang mga lumpo, nakakita ang bulag, at kahit ang pagbuhay muli sa patay, at iba pa. Hangga’t sumunod ang mga tao sa Panginoon, tinanggap ang Kanyang pagtubos at nanalangin sa Kanyang pangalan, kung gayon ang kanilang mga kasalanan ay pinatawad, at hindi na sila parurusahan ng kamatayan ayon sa batas. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagbago ang pangalan ng Diyos mula Jehova sa Jesus, at ang ipinahayag na disposisyon ng Panginong Jesus ay pangunahing inilagay ang mapagmahal na kabaitan at awa sa unahan. Ito ang nagpapahintulot sa ating makita, na sa tuwing ginagampanan ng Diyos ang bagong yugto ng gawain at sinisimulan ang bagong kapanahunan, binabago Niya ang Kanyang pangalan at ginagamit ang pangalan na nagtataglay ng kabuluhan sa kapanahunan upang kumatawan sa gawaing Kanyang ginagampanan sa kapanahunang iyon at magpahayag ng Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon.”
Tumango ako at sinabi, “Oh, kaya nagbabago ang pangalan ng Diyos batay sa Kanyang gawain! Ang isang pangalan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan at isang yugto ng gawain ng Diyos. Nagbabago ang kapanahunan, nagbabago ang gawain ng Diyos, at nagbabago ang pangalan ng Diyos kasama nito. Ang Jehova ang pangalang partikular sa Kapanahunan ng Kautusan, at Jesus ang pangalan ng Diyos na ginamit sa Kapanahunan ng Biyaya nang ginampanan Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos. Binago ng Diyos ang Kanyang pangalan mula Jehova sa Jesus dahil ang mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi na tumupad sa batas, at noon lamang nang gampanan ng Diyos ang Kanyang gawaing tubusin ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya na binago Niya ang Kanyang pangalan. Tama ba ang pagkaintindi ko, Wang Fang?”
Nakangiti, tumango si Wang Fang, at sinabi, “Oo, tama iyan! Nakuha mo nga.”
Ngunit nadama ko pa rin ang kaunting pagkalito, at kaya sinabi ko, “Kaya’t ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8) sa Aklat ng Hebreo? Hindi ba ito tumutukoy sa pangalan ng Diyos? Paano ko dapat maunawaan ang bersikulong ito sa Banal na Kasulatan?”
Nakangiting nagpatuloy si Wang Fang at dahan-dahan at mahinahong nangusap, na sinasabi, “Basahin natin ang dalawa pang sipi, at saka natin maiintindihan. ‘Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos.’ ‘Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon’ (‘Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)’).
“Makikita natin mula sa dalawang sipi na ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tumutukoy sa kawalang-pagbabago ng Kanyang disposisyon at diwa, at hindi nangangahulugang ang Kanyang pangalan ay hindi kailanman nagbabago. Bagaman ginagampanan ng Diyos ang iba’t ibang gawain at ginagamit ang iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan sa buong panahon ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, tinatawag man ang Diyos na Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago—Ang Diyos ay ang walang hanggang Diyos, at ang Kanyang katuwiran at kabanalan ay hindi kailanman nagbabago. Samakatuwid, ang mga salitang ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8), ay tumutukoy sa kawalang-pagbabago ng disposisyon at diwa ng Diyos, at hindi nangangahulugang ang pangalan ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Ang mga Fariseo sa panahon ni Jesus, gayunman, ay hindi alam na nagbabago ang pangalan ng Diyos batay sa Kanyang gawain, at kaya naniwala silang si Jehova lamang ang kanilang Diyos at walang Tagapagligtas maliban kay Jehova. Nang sinimulan ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon, at ang Kanyang pangalan ay naging Jesus, hindi nila nagawang tanggapin ito, at galit na galit nilang isinumpa at nilabanan ang Panginoong Jesus. Ipinako nila Siya sa krus, gumawa ng kasuklam-suklam na kasalanan, at kaya’t pinarusahan sila ng Diyos. Hindi nila naunawaan kung ano ang tinutukoy ng kawalang-pagbabago ng Diyos at hindi nila nakilala ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at kaya gumawa sila ng masasamang gawa at nilabanan ang Diyos, at kaya nawala nila pagliligtas ng Diyos.”
Nang natapos na sa pagsasalita si Wang Fang, tumango ako, puno ng emosyon, at sinabi ko, “Mas marami akong nauunawaan ngayon, dahil sa iyong pagbabahagi. Lumalabas na ang mga salitang ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8), ay nangangahulugang ang diwa ng Diyos ay walang pagbabago, ngunit maaaring magbago ang pangalan ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay sumusulong palagi, at nagbabago ang Kanyang pangalan batay sa Kanyang gawain. Ah! Ang mga Fariseo sa panahon ni Jesus ay hindi naunawaan ang puntong ito, at naglagay sila ng hangganan sa Diyos sa loob ng sakop ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na naniniwala na ang pangalan ng Diyos ay Jehova at hindi mababago sa ano pa man. Sa katapusan, hindi nila nagawang makilalang ang Panginoong Jesus at si Jehova ay iisa at ang parehong Diyos—mga hangal talaga sila! Kung hindi ka nagbigay sa akin ng pagbabahagi sa bagay na ito ngayon, kasing bulag ng mga Fariseo pa rin ako at hindi mauunawaan ang gawain ng Diyos!” Noon lang, naalala ko ang mga salitang “aking sariling bagong pangalan” sa Pahayag 3:12, at sinabi ko, “Ayon sa nasabi na natin, ang Diyos ay tiyak na magkakaroon ng bagong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw! Kaya, ano ba ang magiging pangalan ng Diyos?”
Sabik na sinabi ni Wang Fang pagkatapos, “Pasalamatan ang Panginoon, na ilang araw ang nakalipas, ilang kasamahan sa trabaho at ako ang nakikibahagi at sama-samang naghahanap, at sa wakas ay umani kami ng mga resulta. Sa katunayan sinasabi na sa Biblia kung ano ang itatawag sa Diyos sa mga huling araw. Sinasabi sa Pahayag, ‘Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat’ (Pahayag 1:8). ‘At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating’ (Pahayag 4:8). ‘Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari’ (Pahayag 11:17). Ang Makapangyarihan sa lahat ay binabanggit din sa ganoong mga kasulatan sa Pahayag 15:3, 16:7 at 16:14, at 21:22. Nagpapamalas ang mga ito na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, mas malamang na kukunin Niya ang pangalan na Makapangyarihan sa lahat upang gampanan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. Samakatuwid, kung ang isang tao ay nangangaral na bumalik na ang Panginoong Jesus upang gampanan ang isang bagong gawain, at ang Kanyang pangalan ay nagbago na sa ang Makapangyarihan sa lahat, sa gayon mas malamang na ito ang magiging pagpapakita at gawain ng Panginoon, at dapat tayong magmadali para pag-aralan at hanapin ito. Pagkatapos lamang magkakaroon tayo ng pagkakataong salubungin ang Panginoon!”
Pagkatapos makinig sa kanya, natuwa ako, at sinabi, “Salamat sa Panginoon! Napakarami ko ngayong natutuhan na! Madalas kong nabasa dati ang mga sipi ng banal na kasulatan, ngunit hindi ko kailanman pinag-isipan ang mga ito sa ganitong paraan at hindi ko kailanman naunawaan ang mga bagay na ito. Ngayon, nauunawaan ko sa wakas na ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago at magkakaroon Siya ng bagong pangalan sa mga huling araw! Higit pa, natagpuan ko na ang paraan para salubungin ang Panginoon!”
Napakasaya ko, at nadama ng puso ko ang mapuno ng tamis at tuwa. Pagkatapos ay nagpatuloy si Wang Fang at ako sa aming pagbabahagi …