Menu

Bakit Kaya Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Kanyang Ama nang Siya ay Nagdasal?

Totoong may hiwaga sa pagtawag ng Panginoong Jesus sa Diyos ng langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nagtago ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismong ang katawan ay hindi alam na naroon ang Espiritu. Tulad ng hindi natin nadarama ang ating mga espiritu na nasa ating kalooban. Bukod pa riyan, ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na pambihira sa loob ng Kanyang katawan. Kaya’t kahit na ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao noon, kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagsalita at nagpatotoo sa Diyos Mismo, hindi sana nalaman ng Panginoong Jesus na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t sa Biblia ay sinasabing, “hindi ang Anak, kundi ang Ama(Marcos 13:32). Bago isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, Siya ay nabuhay sa loob ng normal na pagkatao. Talagang hindi Niya alam na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos dahil ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay hindi gumawa sa pambihirang paraan, gumawa Siya sa saklaw ng normal na katawan, tulad ng iba pang tao. Kaya, natural lang na ang Panginoong Jesus ay magdarasal sa Ama sa langit, na ibig sabihin, mula sa Kanyang normal na pagkatao, ang Panginoong Jesus ay nagdasal sa Espiritu ng Diyos. Kumpleto ang diwang ito. Nang pormal na isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magsalita at magpahayag, sumasaksi na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Noon lamang natanto ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkatao, na dumating Siya para gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit noong ipapako na Siya sa krus, nanalangin pa rin Siya sa Diyos Ama. Ipinakikita nito na ang diwa ni Cristo ay lubusang masunurin sa Diyos.

Magbasa tayo ng dalawa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos para malinawan ang ating pagkaunawa sa isyung ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa mula sa pananaw ng isang taong nilikha, ito ay dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring sa karaniwang tao; sa ibang salita, Siya ay naging ‘Anak ng tao’ na kung saan ang lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo, ay nagsabi. Sabihin mang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, gayunma’y yaong may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ito ay ginawa Niya mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ito ay Kanyang ginawa mula sa pananaw ng isang may kalagayan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (iyon ay, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyong Diyos ang ‘Ama,’ hindi ba ito dahil kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang kapangyarihan ni Jesus sa mundo, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagkat hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (iyon ay, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, tunay na naiiba ang Kanyang pananaw, hindi sa Siya ay naiibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay kamalian! Bago pa sa Kanyang pagkakapako sa krus, si Jesus ay isang anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng laman, at hindi Niya lubos na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kung kaya hinahanap lamang Niya ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Ito ay kagaya lamang nang tatlong beses Siyang manalangin sa Gethsemane: ‘Hindi ayon sa gusto ko, ngunit ayon sa gusto mo.’ Bago pa Siya naitakda sa krus, Siya ang Hari ng mga Hudyo; Siya ay si Kristo, ang Anak ng tao, at hindi katawan ng kaluwalhatian. Kung kaya, mula sa pananaw ng isang taong nilikha, tinawag Niya ang Diyos na Ama.” “Mayroon pa yaong mga nagsasabi, hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak? ‘Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan’ ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, ‘Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,’ nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga panahon, mga kinakailangan ng gawain, at ang iba’t-ibang mga yugto ng Kanyang plano sa pamamahala, ang pangalan na kung saan ang itinatawag ng tao sa Kanya ay nagkakaiba rin. Nang Siya ay dumating upang isagawa ang unang yugto ng gawain, Siya ay maaari lamang tawaging Jehovah, pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Kristo. Ngunit sa panahong iyon, ang Espiritu sa langit ay nagsabi lamang na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi nabanggit ang Kanyang kalagayan bilang tanging Anak ng Diyos. Ito ay hindi talagang nangyari. Paano nagkaroon ng isang anak lang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay ng langit at lupa(“Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malinaw na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga bagay. Noong gumagawa ang Panginoong Jesus na kasama ang mga tao, iyon ay talagang ang Espiritu ng Diyos sa katawan bilang isang tao na kumikilos at nagpapakita sa tao. Kahit paano ipinapahayag ng Panginoong Jesus ang Kanyang salita o nagdarasal sa Diyos Ama, ang Kanyang diwa ay pagka-Diyos, hindi pagkatao. Ang Diyos ay Espiritu, na hindi nakikita ng tao. Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang nakikita lamang ng tao ay ang katawan, hindi niya nakikita ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Banal na Espiritu ay direktang sumaksi sa katotohanan na ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay Diyos, malamang hindi ito tinanggap ng tao. Dahil, noong panahong iyon, wala ni isang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng magkatawang-tao ang Diyos. Nakakasalamuha lang nila ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kakaunti lang ang pang-unawa. Hindi nila maisip na itong karaniwang Anak ng tao ay magiging ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, ibig sabihin, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Bagamat ipinahayag ng Panginoong Jesus ang marami sa Kanyang salita sa panahon ng Kanyang gawain, dinala sa tao ang daan, “Magsisi: sapagkat ang kaharian ng langit ay narito na,” at nagpakita ng maraming himala, ganap na ibinubunyag ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, nabigo ang tao na makilala mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus na ang Panginoong Jesus ang Diyos Mismo ibig sabihin, ang pagpapakita ng Diyos. Kaya nga, ang Diyos ay gumawa ayon sa sukat ng mga tao noong panahong iyon, hindi Niya sila pinahirapan. Ang Banal na Espiritu ay makapagpapatotoo lamang sa abot ng pang-unawa ng mga tao noong panahong iyon, kaya tinawag Niya ang Panginoong Jesus na pinakamamahal na Anak ng Diyos, pansamantalang tinutulutan ang tao na isipin ang Panginoong Jesus bilang Anak ng Diyos. Sa ganitong paraan ay mas akma sa mga pagkaintindi ng mga tao, at mas madaling tanggapin dahil noong panahong iyon, ang Panginoong Jesus ay ginagawa lamang ang gawain ng pagtubos. Kahit ano pa ang itawag ng mga tao sa Panginoong Jesus, ang mahalaga ay tinanggap nila na ang Panginoong Jesus ang Tagapagligtas, napatawad ang kanilang mga kasalanan, at naging kwalipikado upang matamasa ang biyaya ng Diyos. Kaya’t, ang Espiritu ng Diyos ay sumaksi sa Panginoong Jesus sa ganitong paraan dahil mas angkop ito sa sukat ng mga tao noong panahong iyon. Ganap na tinutupad nito ang salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13).

Sa kabila ng katotohanan na hindi natin nakikita ang Espiritu ng Diyos, kapag ang Espiritu ng Diyos ay nagkaroon ng katawan, ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan ay ipinapahayag lahat sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesucristo at sa disposisyon na ipinapahayag Niya, talagang makatitiyak tayo na ang Panginoong Jesus ang Diyos Mismo. Ang salita at gawa ng Panginoong Jesus ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Ang sinasabi Niya ay nagkakatotoo, ang hinihiling Niya ay nakakamit. Sa sandaling magsalita Siya, ang Kanyang mga salita ay nagkakatotoo. Tulad ng pagiging sapat ng isang salita mula sa Panginoong Jesus para patawarin ang pagkamakasalanan ng tao at muling buhayin ang patay. Pinapaya ng isang salita ang hangin at ang dagat at marami pang iba. Mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus, hindi ba natin nakikita ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na namamahala sa lahat ng bagay? Hindi ba natin nakita ang pagkamakapangyarihan, karunungan, at kagila-gilalas na mga gawa ng Diyos? Ipinahayag ng Panginoong Jesus ang daan sa Kanyang mga salita, “Magsisi: sapagkat ang kaharian ng langit ay narito na.” Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ang magiliw at mapagmahal na disposisyon ng Diyos at kinumpleto ang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan. Ginawa ba ng Panginoong Jesus ang gawain ng Diyos Mismo? Ang salita at gawa ng Panginoong Jesus ay direktang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos. Hindi ba’t katibayan ito na ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao para magsalita at gumawa para sa tao, upang magpakita sa kanila? Posible ba na kahit paano magsalita at gumawa sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos, hindi natin Siya kayang makilala? Ito bang panlabas na anyo ng laman ay talagang makakahadlang sa atin sa pagkilala sa pagka-Diyos ni Cristo? Maaari ba na, kapag nagkaroon ng katawan ang Espiritu ng Diyos upang magsalita at gawin ang gawain, kahit gaano pa ang maranasan natin ay hindi pa rin natin makikilala ang pagpapakita at gawa ng Diyos? Kung ganito ang sitwasyon, masyadong matigas ang ulo natin sa ating paniniwala. Paano pa natin makakamit ang pagpuri ng Diyos?

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Nauugnay na mga Video:

Mag-iwan ng Tugon