Menu

Bakit Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Ama?

Sa nakaraan, nakita kong itinala ng Bibliya, “At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan’(Mateo 3:16–17). Karagdagan, karaniwang sinasabi ng Panginoong Jesusang Diyos Ama” habang Siya ay nananalangin. Samakatwid, matatag akong naniniwala na mayroong Diyos Ama sa langit at ang Panginoong Jesus ay Anak lamang ng Diyos. Ngunit pagkaraan, nabasa ko ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). At nasusulat din sa Banal na Kasulatan, “Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Malaon nang panahong Ako’y inyong kasama, at hindi mo Ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita Mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin?(Juan 14:8–10). Pagkatapos ay nakaramdam ako ng pagkalito sa aking puso: Ang Diyos sa langit ay sinabi na ang Panginoong Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak. Gayundin, ang Panginoong Jesus ay tinawag ang Diyos sa langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Gayunman, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; … Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin(Juan 14:9–10). “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Kaya, ang Panginoong Jesus ba talaga ay ang Anak o ang Ama? Karaniwan, ang Anak ay ang Anak at ang Ama ay ang Ama. Paano sila magiging isa? Sa pagkalito na ito, tinanong ko ang maraming mga kapatid sa Panginoon, kasama na ang mga pastor, elders at mga mangangaral. Sinabi nilang lahat na ito ay isang napakalaking misteryo kaya tayong mga tao ay hindi maipaliwanag nang malinaw ito sa ating isipan. Dahil dito, ang pagkalito na ito ay kasama ko nang maraming taon.

Nanalangin si Hesus sa Ama sa Langit

Hanggang isang araw, nabasa ko ang ganitong sipi ng mga salita sa isang espirituwal na aklat na ibinigay ng aking kaibigan, “Nang tawagin ni Jesus ang Diyos sa langit sa pangalang Ama nang Siya ay manalangin, ginawa lamang ito mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa nakadamit ang Espiritu ng Diyos ng isang ordinaryo at normal na katawan at may panlabas na panakip ng isang nilalang. Kahit nasa loob Niya ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay sa isang normal na tao pa rin; sa madaling salita, Siya ay naging ‘Anak ng tao’ na binanggit ng lahat ng tao, maging ni Jesus Mismo. Dahil Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay isang tao (lalaki man o babae, ano’t anuman ay isang may panlabas na balat ng isang tao) na isinilang sa isang normal na pamilya ng mga ordinaryong tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad ng pagtawag ninyong Ama sa Kanya noong una; ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Naaalala pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus na isaulo ninyo? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang nasa isang katayuang kapantay ninyong lahat. … Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago Siya ipinako sa krus, isa lamang Siyang Anak ng tao, na pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilalang sa lupa, sapagkat hindi pa Niya natatapos ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya sa Diyos sa langit na Ama ay dahil lamang sa Kanyang pagpapakumbaba at pagsunod. Gayunman, ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan ay hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, iba lamang talaga ang Kanyang pananaw…! Bago Siya ipinako sa krus, si Jesus ay isang Anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng katawang-tao, at hindi Niya lubos na taglay ang awtoridad ng Espiritu. Kaya nga maaari lamang Niyang hangarin ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilalang. Katulad iyon ng tatlong beses Niyang ipinanalangin sa Getsemani: ‘Huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo.’ Bago Siya inilagay sa krus, isa lamang Siyang Hari ng mga Judio; Siya si Cristo, ang Anak ng tao, at hindi isang niluwalhating katawan. Kaya nga, mula sa pananaw ng isang nilalang, tinawag Niyang Ama ang Diyos(“Umiiral ba ang Trinidad?”).

Ang mga salitang ito ay nagpaliwanag sa akin kaagad at kung ano ang nakapagpalito sa akin ng maraming taon sa wakas ay nalutas na. Lumalabas na ang Panginoong Jesus ay ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao upang maging ang Anak ng tao. Siya ay mayroong panlabas na takip ng isang nilikha na namuhay ng isang normal na buhay ng tao. Nang manalangin ang Panginoon sa Diyos Ama, ginawa Niya ito mula sa pananaw ng isang nilikha. Katulad ng itinuro sa atin ng Panginoong Jesus na maisaulo ang Panalangin ng Panginoon, “Ama namin sumasa langit ka…,” Hiniling din Niya sa atin na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalan ng Ama. Ayon sa aking imahinasyon, dahil tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit sa pangalan ng Ama, inisip natin na ang Panginoong Jesus ay hindi ang Diyos Mismo kundi ang Anak ng Espiritu ng Diyos; yamang tinawag din natin ang Diyos sa langit sa pangalan ng Ama, kung gayon masasabi ba natin na tayo ay mga anak ng Espiritu ng Diyos? Napaka kakatwa ng aking naisip! Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, ngunit maaari Niyang tawagin ang Diyos sa langit sa pangalan ng Ama mula sa parehong pananaw ng isang nilikha at hanapin ang kalooban ng Diyos Ama. Lubos nitong isiniwalat ang mapagpakumbaba at nakatagong kakanyahan ng Diyos. Gayunpaman, hindi lamang ako hindi nagkaroon ng kaalaman tungkol sa mapagpakumbabang kakanyahan ng Diyos, ngunit nagkaroon din ako ng mga paniwala tungkol sa pagtawag ng Panginoon na “Diyos Ama” habang Siya ay nananalangin. Napaka-mangmang ko!

Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito, “Ganap na mali at katawa-tawa ang paliwanag na iyan! Hindi ba nito pinaghahati-hati ang Diyos? Paano mapag-iisang lahat ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu? Hindi ba sila tatlong bahagi na bawat isa ay magkakaiba ang likas na katangian? May mga iba na nagsasabi na, ‘Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?’ Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinambit ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili, ngunit mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na nagpapatotoo sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Nauunawaan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, ‘Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin,’ ay nagpapahiwatig na Sila ay iisang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Ang totoo, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili. Dahil sa pagbabago sa mga kapanahunan, sa mga kinakailangan ng gawain, at sa magkakaibang yugto ng Kanyang plano ng pamamahala, ang pangalang itinatawag sa Kanya ng tao ay nag-iiba rin. Nang Siya ay pumarito upang isagawa ang unang yugto ng gawain, maaari lamang Siyang tawaging Jehova, na Siyang pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Cristo. Ngunit noon, sinabi lamang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos at hindi binanggit ang Kanyang pagiging bugtong na Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano magkakaroon ng kaisa-isang anak ang Diyos? Kung gayon ay hindi ba naging tao ang Diyos? Dahil Siya ang pagkakatawang-tao, tinawag Siyang sinisintang Anak ng Diyos, at, dito nagmula ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Dahil lamang iyon sa pagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa. Nanalangin si Jesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nakabihis Siya ng isang katawang-tao ng gayong normal na pagkatao, sinabi Niya mula sa pananaw ng katawang-tao: ‘Ang Aking balat ay yaong sa isang nilalang. Yamang nakabihis Ako ng katawang-tao upang makaparito sa lupa, napakalayo Ko ngayon mula sa langit.’ Dahil dito, maaari lamang Siyang manalangin sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito yaong dapat ipagkaloob sa Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi masasabi na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nanalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagama’t tinawag Siyang sinisintang Anak ng Diyos, Diyos pa rin Siya Mismo, sapagkat Siya ay pagkakatawang-tao lamang ng Espiritu, at ang Kanyang diwa ay Espiritu pa rin(“Umiiral ba ang Trinidad?”).

Pagkatapos basahin ito, mas higit kong nabatid na noong tinawag ng Espiritu sa langit ang Panginoong Jesus na Kanyang sinisintang Anak, ang Diyos ay pinatotohanan ang kanyang nagkatawang-taong laman mula sa perspektibo ng Espiritu. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili Mismo. Ngunit hindi nito mapapatunayan na ang Panginoong Jesus ay Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa panahon ng Bagong Tipan, ang nagkatawang-taong Diyos ay dumating upang gawin ang pagpapapako sa krus at pagtubos. Kinuha Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan bilang ang handog sa kasalanan. Dahil ang Espiritu ng Diyos ay hindi angkop upang maipako nang diretsahan, ngunit tanging ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos na pinapalagay sa laman at pagparito sa mundo ang pinaka-angkop sa pagsasakatuparan ng gawain. Bilang sagisag ng Espiritu ng Diyos, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng Diyos Mismo. Ang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay ang kalooban ng Espiritu. Ang nagkatawang-taong Diyos at Espiritu ng Diyos ay iisa at mayroon Silang magkaparehong kakanyahan, disposisyon, karunungan at pagkamakapangyarihan. Mayroon lamang isang tunay na Diyos sa langit at sa lupa. Hindi ko maiwasang maalala ang minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa(Marcos 12:29). Partikular na binigyang diin ng Panginoong Jesus ang utos na ito upang ipaalam lamang sa atin na ang Diyos ay natatangi; ibig sabihin, may iisang Diyos at iisang Espiritu ng Diyos. Tiyak, walang relasyon na Ama-Anak na dapat sabihin. Pag-isipan natin ito nang mabuti: Bakit nagagawa nating buuin ang ideya ng Ama at Anak? Sa huling pagsusuri, ito ay dahil sa hindi natin nauunawaan ang nagkatawang-taong Diyos. Sa pag-aaral ng Bibliya, nalaman ko na wala ang mga pahayag na ito tungkol sa Ama at Anak sa Lumang Tipan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga tao sa panahon na iyon ay walang konsepto ng Ama at Anak. Sa katunayan, sinimulan ng mga tao ang ideya na ito matapos magkatawang-tao ng Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, pati na kay Felipe, na sumunod sa Panginoong Jesus. Kaya’t sinabi niya sa Panginoong Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama.” Gayunpaman, itinuwid ng Panginoong Jesus ang kanyang maling kaalaman. Sinabi Niya, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; … Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin(Juan 14:9–10). At saka, minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay nilinaw ang ugnayan sa pagitan ng Ama at Anak, gayunpaman dahil lamang sa tayo ay manhid at mabagal umintindi kaya’t alam lamang natin ang mga titik ng mga bersikulo ngunit hindi natin alam ang kalooban ng Diyos sa loob ng mga ito. Ayon sa aking sariling imahinasyon, tinukoy ko na ang Diyos ay may mga aspeto ng Ama at ang Anak. Bukod dito, itinuring ko Siya bilang ang Anak ng Diyos sa halip na ang Diyos Mismo. Hindi ko ba tinanggihan o nilapastangan ang Diyos? Maaari bang maging natatangi ang Diyos sa aking puso? Ang ginawa ko ay isang bagay na labis na nakakasakit sa disposisyon ng Diyos! Iniisip ko iyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagsisisi at kinondena ko ang aking sarili sa aking maling akala. Kasabay nito, nagpapasalamat din ako sa Diyos sa pag-akay sa akin na maunawaan ang katotohanan at misteryo na ito mula sa mga salitang ito at malampasan ang aking maling kuru-kuro.

Ngayon lubusan ko ng nauunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Panginoong Jesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; … ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin(Juan 14:9–10). “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Sa panahong ito, alam ko na ang Panginoong Jesus ay hindi Anak ng Diyos sa langit kundi ang nagkatawang-taong Diyos Mismo sa diwa. Salamat sa Diyos para sa pagliliwanag sa akin upang maunawaan ang malaking misteryo. Luwalhati sa Diyos!

Mag-iwan ng Tugon