Ngayon dapat mong makitang malinaw ang daan na tinahak ni Pedro. Kung malinaw mo itong nakita, kung gayon nalaman mo ang gawain na ginagawa ngayon, upang hindi ka magreklamo o maging walang-kibo, o manabik sa anuman. Dapat mong maranasan ang kalagayan ni Pedro sa panahong ito: Siya ay dinapuan ng kalungkutan; hindi na siya humiling ng kinabukasan o anumang biyaya. Hindi niya sinikap na kamtin ang pakinabang, kaligayahan, kasikatan, o yaman ng mundo, at naghangad lamang na mabuhay ng isang pinaka-makabuluhang buhay, na upang gantihan ang pag-ibig ng Diyos at ialay kung ano ang pinanghahawakan niyang pinakamahalaga sa Diyos. At masisiyahan na siya sa kanyang puso. Madalas siyang manalangin kay Jesus ng mga salita: “Panginoong JesuCristo, minsan inibig Kita, nguni’t hindi Kita tunay na inibig. Kahit sinabi kong may pananampalataya ako sa Iyo, kailanman hindi Kita inibig na may tunay na puso. Ako’y gumalang lamang sa Iyo, sinamba Ka, at nangulila sa Iyo, nguni’t hindi Ka kailanman inibig o tunay na nanampalataya sa Iyo.” Palagi siyang nananalangin upang gumawa ng kanyang pagpapasya, patuloy siyang pinasigla ng mga salita ni Jesus at ginawang pangganyak and mga ito. Kinalaunan, pagkatapos ng yugto ng karanasan, sinubok siya ni Jesus, inuudyukan siya na manabik pang lalo sa Kanya. Sinabi niya: “O Panginoong JesuCristo! Gaano akong nangungulila sa Iyo, at nananabik na masilayan Ka. Labis akong nagkukulang, at hindi ko kayang tumbasan ang Iyong pag-ibig. Nagmamakaawa akong kunin Mo ako sa lalong madaling panahon. Kailan Mo ako kakailanganin? Kailan Mo ako kukunin? Kailan ko muling masisilayan ang Iyong mukha? Hindi ko ninanais na mamuhay pa sa katawang ito, upang patuloy na maging masama, at ni ninanais kong maghimagsik pa. Handa akong ialay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo sa lalong madaling panahon na kakayanin ko, at hindi ko ninanais na palungkutin Ka pa.” Ganito kung paano siya nanalangin, nguni’t hindi niya alam sa panahong ito kung ano ang gagawing perpekto sa kanya ni Jesus. Sa panahon ng kahirapan ng kanyang pagsubok, nagpakitang muli sa kanya si Jesus at sinabi: “Pedro, ninanais kong gawin kang perpekto, nang sa gayon maging isa kang piraso ng bunga, isa na pagkakabuo-buo ng Aking pagka-perpekto sa iyo, at na siyang kaluluguran Ko. Maaari ka bang tunay na magpatotoo para sa Akin? Nagawa mo ba kung ano ang hiningi Ko na gawin mo? Isinabuhay mo ba ang mga salitang sinalita Ko? Inibig mo Akong minsan, nguni’t kahit na inibig mo Ako, isinabuhay mo ba Ako? Ano ang nagawa mo para sa Akin? Kinikilala mo na hindi ka karapat-dapat sa Aking pag-ibig, nguni’t ano ang nagawa mo para sa Akin?” Nakita ni Pedro na wala siyang nagawa para kay Jesus at naalaala niya ang dating panunumpa niya na ibibigay ang kanyang buhay para sa Diyos. At kaya, hindi na siya dumaing, at ang kanyang mga panalangin pagkaraan ay lumago nang mas mabuti. Nanalangin siya, na sinasabi: “Panginoong JesuCristo! Minsan iniwan Kita, at iniwan Mo rin ako minsan. Ginugol natin ang panahon na magkahiwalay, at panahon na magkasama. Nguni’t inibig Mo ako nang higit sa lahat. Makailang ulit akong nag-alsa laban sa Iyo at ilang ulit na pinighati Ka. Paano ko makakalimutan ang gayong mga bagay? Ang gawain na nagawa Mo sa akin at kung ano ang Iyong ipinagkatiwala sa akin ay palaging nasa isip ko, hindi ko kailanman nalilimutan. Sa gawain na nagawa Mo sa akin nasubukan ko ang aking pinakamahusay. Alam Mo kung ano ang kaya kong gawin, at alam Mo pa kung anong papel ang maaari kong gampanan. Ang Iyong pagnanais ay aking gagawin at iaalay ko ang lahat nang mayroon ako sa Iyo. Ikaw lamang ang nakaaalam kung ano ang makakaya kong gawin para sa Iyo. Bagaman labis akong nilinlang ni Satanas at nag-alsa ako laban sa Iyo, naniniwala akong hindi Mo tinatandaan ang mga pagkakasalang iyon, na hindi Mo ako tinatrato batay sa mga iyon. Ninanais kong ialay ang buong buhay ko sa Iyo. Wala akong hinihiling, at wala akong ibang mga inaasahan o mga plano; ninanais ko lamang na kumilos sang-ayon sa Iyong nilalayon at gawin ang Iyong kalooban. Iinom ako mula sa Iyong mapait na tasa, at ako ay sa Iyo upang pag-utusan.”
Dapat kayong maging malinaw sa daan na inyong nilalakaran; dapat kayong maging malinaw sa daan na tatahakin ninyo sa hinaharap, kung ano ito na gagawing perpekto ng Diyos, at kung ano ang naipagkatiwala sa inyo. Isang araw, marahil, kayo ay susubukin, at kung nakatamo kayo ng inspirasyon mula sa mga karanasan ni Pedro, ipapakita nito na kayo ay tunay na lumalakad sa landas ni Pedro. Pinuri si Pedro ng Diyos dahil sa kanyang tunay na pananampalataya at pag-ibig, at dahil sa kanyang katapatan sa Diyos. At ito ay dahil sa kanyang katapatan at pananabik sa Diyos sa kanyang puso kaya ginawa siyang perpekto ng Diyos. Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng parehong pag-ibig at pananampalataya tulad ng kay Pedro, kung gayon tiyak na gagawin kang perpekto ni Jesus.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus