Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 110

402 2020-08-23

Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang substansya ay hindi nalalaman sa panlabas na kaanyuan; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga pagkaintindi ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaanyuan ni Jesus ay salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba’t ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Fariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagka’t tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Fariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isipan kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawa’t isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ng mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtataglay ng diwa at pagpapahayag ng Diyos. At kapag ginawa Siyang katawang-tao ililitaw Niya ang gawain na naibigay sa Kanya upang ipahayag kung ano Siya, dalhin ang katotohanan sa lahat ng tao, bigyan sila ng buhay at ipakita sa kanila ang daan. Anumang katawang-tao na 'di nakalagak sa diwa n'ya'y tiyak na 'di Diyos na nagkatawang-tao.

Pagtibayin katawang-tao ng Diyos at totoong daan sa disposiyon, salita't gawa N'ya. Tumutok sa Kanyang diwa sa halip na Kanyang pagpapakita. Ignorante at walang muwang ang magtuon sa panlabas na pagpapakita ng Diyos. Ang panlabas ay hindi tumutukoy sa panloob, at ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa mga pagkakaintindi ng tao.

Hindi ba ang pagpapakita ni Jesus ay naiiba sa inaasahan ng mga tao? Hindi ba ang Kanyang imahe at pananamit ay nagtatakip sa Kanyang pagkakakilanlan? Hindi ba yan kung bakit sinasalungat Siya ng mga Fariseo? Tumutok sila sa kung ano ang Kanyang hitsura at hindi pinansin kung ano ang sinabi Niya.

Inaasahan ng Diyos na ang mga kapatid na lalaki at babae na naghahanap ng Kanyang pagpapakita ay hindi uulitin ang kasaysayan. Huwag sundin ang mga Fariseo at ipako muli ang Diyos sa krus. Kaya maingat na isaalang-alang kung paano mo sasalubungin ang Kanyang pagbabalik. Magkaroon ng isang malinaw na ideya kung paano ka magsusumite sa katotohanan. Ito'y tungkulin ng bawat isa na naghihintay para sa pagbabalik ni Jesus.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon