Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Paunang Salita" | Sipi 390

309 2021-01-04

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Paunang Salita” | Sipi 390
Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos

Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Maraming tao’ng naniniwala, ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos, paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso. Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,” ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya. Kaya pananalig nila’y bulag.

Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba. Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos. Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya, angkop ka bang gamitin N’ya? Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos? Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos. Napakasimple at relihiyoso n’yan, iba sa tunay na pananalig sa Kanya. Tunay na pananalig sa Diyos ay pagdanas sa mga gawa’t salita Niya batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat. Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya’y makilala. ‘Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.

Maraming nag-aakalang paniniwala’y simple’t mababaw. Ganyang paniniwala’y walang saysay. Pa’nong malulugod ang Diyos? Sila’y nasa maling landas. Silang naniniwala sa mga sulat, hungkag na aral ay di pa rin alam pananalig nila’y di tunay, di kalulugdan ng D’yos. Samo pa rin nila’y biyaya’t kapayapaan.

Pananalig ba’y paghingi lang ng biyaya’t kapayapaan? Matutupad ba’ng nais Niya, kung Siya’y nilalabanan mo pa rin, at di kinikilala? Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos. Napakasimple at relihiyoso n’yan, iba sa tunay na pananalig sa Kanya. Tunay na pananalig sa Diyos ay pagdanas sa mga gawa’t salita Niya batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat. Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya’y makilala. ‘Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos. ‘Yan ang landas sa tunay na pananalig sa Kanya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon