Si Lin Bo'en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo'en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo'en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?