Menu

Ano nga Ba Ang Sinabi Ng Diyos Tungkol sa Katapatan? Anong Mga Pag-uugali ang Ipinapakita ng Pagiging Tapat?

Sabi ng Diyos, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit(Mateo 18:3).

Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na pinapahalagahan at iniingatan ng Diyos ang matatapat na tao, at malinaw na sinabi ng Panginoon na tanging matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya anong uri ng pagpapamalas mayroon ang taong matapat na sinasabi ng Diyos? Kaya paano ba tayo magiging taong matapat sa mga mata ng Diyos? Ang isyung ito ay direktang nauugnay sa importanteng bagay na kung tayo ba ay makakapasok sa kaharian ng langit. Pagbahagian natin ang tungkol dito sa ibaba.

1. Ang Taong Matatapat ay Nagsasabi sa Diyos ng Lahat

Pagiging Tapat

Sabi ng Diyos, “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan(Juan 4:24).

Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na hinihingi Niya sa atin na sambahin Siya sa espiritu at sa katotohanan. Na ibig sabihin, kapag tayo ay nagdarasal dapat taos-puso tayong nakikipag-usap sa Diyos at mula sa ating puso sa halip na magsabi ng ilang nakalulugod pakinggan na mga salita o mga salitang salungat sa ating paniniwala upang maitago ang isang bagay mula rito at linlangin ang Diyos. Gayunpaman, sa totoong buhay, madalas na hindi tayo tapat na nanalangin sa Diyos. Halimbawa, ang ilang mga tao ay hindi nagsasabi sa Diyos ng kanilang totoong estado sa kanilang pagdarasal, at hindi tunay ang sinasabi nila, nagpapaagos lamang sa kaganapan para kaluguran ng Diyos. Ang ilang mga tao, kapag nagdarasal, sinasabi sa Diyos ang lahat ng sakit na kanilang dinanas at lahat ng halaga na kanilang nabayaran, ninanais na maalala ito ng Diyos at ipagkaloob ang Kanyang biyaya at pagpapala sa kanila. Ang ilang tao ay nagsasabi sa panalangin na nais nilang maghanap upang mahalin at paluguran ang Diyos ng buong puso, ngunit sa likod ng mga ito hinahabol nila ang katanyagan at kayamanan, at mga kasiyahan ng laman. Gustong hilingin ng ilang tao sa Diyos na resolbahin ang paghihirap na kanilang kinahaharap, at nangangako habang nagdarasal na ilalaan ang kanilang sarili sa Diyos at nagsasabi ng maraming papuri sa Diyos, pero pagkatapos, kumikilos sila na parang walang nangyari—ang ganung panalangin ay lantarang pagsisinungaling sa Diyos. Ang ilang tao ay nagrereklamo sa kanilang mga puso tungkol sa sitwasyong isinaayos ng Diyos, ngunit pinapasalamatan at pinupuri nila ang Diyos gamit ang kanilang bibig sa halip na sabihin ang kanilang totoong estado sa kanilang panalangin—ang kanilang salita ay salungat sa kanilang paniniwala, hindi mga totoong bagay na sinasabi ng mula sa kanilang puso. Meron din ilang mga tao na, kapag nagdarasal, nagsasabi ng mga salita na magagandang pakinggan sa harap ng iba upang makita sa kanila na sila ay mabuti at nagpupursige sa katotohanan at nagmamahal sa Diyos—nais nilang gawin na hangaan sila ng iba at tingalain sila sa pamamagitan ng pananalangin. At iba pa. Ang ganitong mga dasal na ginagawa ng mga tao na may kanya-kanyang sariling mga intensyon, layunin at kahilingan ay hindi taos-puso. Pag-isipang mabuti: Hindi ba’t malayo pa tayo sa pagiging matapat na tao sa ating panalangin?

Samakatuwid, kung nais nating maging matatapat na tao sa mga mata ng Diyos, dapat muna tayong magsanay at pumasok na nagsisimula sa pagdarasal. Kapag tayo ay nananalangin, dapat nating ilantad ng ating puso sa Diyos, magsalita ng may katapatan, sabihin ang totoo, at maging bukas sa Diyos sa kahit na anong paghihirap o katiwalian. At dapat nating gawin ang anumang sinasabi natin sa ating dasal, at dapat maging bukas at matuwid at ipakita ang tunay na representasyon ng ating mga sarili.

2. Ang Taong Matatapat ay Hindi Nagsisinungaling o Nandaraya

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama(Mateo 5:37). Ipinropesiya rin ng Pahayag 14:5: “At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis.” Tulad ng makikita sa mga salitang ito, ang isa sa pagpapahayag ng pagiging tapat ay na sila ay nagsasalita ng walang hinahangad o karumihan, pagiging prangka, sa kanilang salita na naaayon sa katotohanan. Subalit, sa totoong buhay, hindi pa rin natin naiiwasan na makakapagsabi ng kasinungalingan at manlinlang upang maprotektahan ang pansariling kapakanan, dignidad o estado. Halimbawa, Ang ilang tao ay nagsasabi ng kasinungalingan para ikubli ang kanilang sarili upang tingalain at hangaan sila ng iba. Upang maabot ang kanilang layunin, maaari pa ngang magsalita ang ilang tao ng ilang bagay na hindi angkop sa katotohanan para papurihan ang iba. Mayroon ding mga tao na nais itago ang katotohanan sa tuwing may problema sa kanilang trabaho, na nagiging sanhi ng pagkalugi. Ang mga ito ay iilan lang sa maraming halimbawa.

Tulad ng nakikita, nakakapagsinungaling tayong lahat dahil tayo ay nakokontrol ng ating mga motibo. Kaya, kung nais natin na maging matatapat na tao sa mga mata ng Diyos, dapat muna nating tanggapin ang pagsusuri ng Diyos at tingnan ang sarili upang madiskubre kung ang ating intensyon ay tama at kung ang ating mga salita ay sumusunod sa katotohanan. Kung tayo ay kumukupkop ng mga maling intensyon at kung taliwas sa katotohanan ang ating sinasabi, dapat tayong magdasal sa Diyos upang ipagkanulo ang ating mga intensyon. Kung tayo ay nakapagsabi ng kasinungalingan ng hindi sinasadya, pagkatapos nito ay dapat tayong lumapit sa harapan ng Diyos, magdasal at magsisi sa Kanya, at ituwid ang mga kasinungalingang ito. Hangga’t nagsasagawa tayo sa ganitong paraan, unti-unti tayong makakapasok sa pagiging matapat na tao.

3. Ang Taong Matapat ay Mahal Ang Diyos Sa Kanilang Mga Puso at Naglilingkod sa Diyos Hindi Para Sa Pansariling Pakinabang

Sabi ng mga salita ng Diyos, “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos(Mateo 22:37–38).

Kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na kapag ang matatapat na tao ay nagtatrabaho at gumugugol para sa Diyos, hindi sila nagsasaalang-alang o gumagamit ng pakana para sa kanilang pansariling interes, nakikipagtransaksyon sa Diyos, gumawa ng anumang hinihingi, o humiling ng isang bagay bilang kapalit, bagkus sa halip ay mayroong katapatan at pagsunod sa Diyos. Hindi nila sinisisi o pinagtataksilan ang Diyos anuman ang mga pangyayari. Dapat nating tingnan ang ating sarili sa liwanag ng mga salita ng Diyos, at pagnilayan kung taglay ba natin ang mga katangiang ito ng matatapat na tao. Bagaman maaari tayong magsikap para sa Panginoon, ginagawa ba talaga ito alang-alang sa pagmamahal o pagbibigay-kasiyahan sa Diyos? Habang nagtatrabaho tayo ng masigasig para sa Panginoon, patuloy pa rin nating itinataguyod ang reputasyon at katayuan at nagmamalaki ng ating sarili upang mataas ang pagtingin sa atin ng iba at hangaan tayo—ang pagdurusa at paggugol na tulad nito ay hindi pagmamahal sa Diyos. Ang ilang mga tao ay nagsusumikap para sa Panginoon nang buong-buo alang-alang sa kanilang patutunguhan, na nais na makuha ang masaganang biyaya ng Diyos at mga pagpapala na makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng kanilang paggugol—hindi rin ito masasabing isang pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos bagkus ito ay panloloko at pagsasamantala sa Diyos. Ang ilang mga tao ay may maling pagkaunawa at sinisisi ang Diyos kapag nakatagpo sila ng natural o gawa ng tao na mga sakuna, o mga pagsubok at pagpipino; ipinapakita nito na mayroon silang mga kondisyon para sa kanilang paggugol—maaari silang gumugol para sa Diyos kapag pinagpapala sila ng Diyos, tinutulutan silang maging komportable at maginhawa sa lahat, habang wala silang katapatan sa Diyos kapag nasa kahirapan. Hindi ito isang pagpapahayag ng pagmamahal at pagsunod sa Diyos. Mula sa lahat ng ito, makikita natin na mayroon tayong mga karumihan at intensyon sa ating pagsusumikap, at ang ating mga puso ay hindi talaga tapat. Hindi tayo ang matatapat na tao na isinusuko ang mga bagay at gumugugol para sa Diyos nang kanilang buong puso, isip at kaluluwa.

Kung nais nating maging matatapat na tao sa paningin ng Diyos, dapat tayong madalas na lumapit sa Diyos at pagnilayan ang ating mga hangarin at karumihan sa paggugol para sa Diyos. Kapag natuklasan natin na mayroon tayong mga maling intensyon o karumihan, dapat tayong manalangin at magsisi sa Diyos at magsimulang gumugol para sa Diyos nang totoo alang-alang sa pagmamahal at pagpapasiya sa Kanya. Ang mga nasabing tao lamang ang matatapat na tao sa paningin ng Diyos.

Ang mga nagtataglay ng tatlong katangian sa itaas ay matatapat na tao sa paningin ng Diyos. At sa pamamagitan lamang ng pagsasanay at pagpasok alinsunod sa mga salita ng Diyos at pagiging matapat na tao sa paningin ng Diyos, makakakuha tayo ng pag-apruba ng Diyos.

Mag-iwan ng Tugon