Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 171 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 171
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 171

00:00
00:00

Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol nilang mga ginamit ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t ibang tao na abalang nagmamadali sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat gampanan sa pamamagitan nilang Kanyang kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na karapat-dapat gamitin para makagawa ang Banal na Espiritu, at ginawa silang angkop para gamitin ng Diyos sa pamamagitan ng pagperpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay labis na kapos, dapat siyang maipastol ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos; kagaya ito ng paggamit ng Diyos kay Moises, kung kanino Siya nakatagpo ng marami na angkop sa paggamit noong panahong iyon, at na Kanyang ginamit upang gampanan ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ginagamit ng Diyos ang isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring gamitin ng Banal na Espiritu para makagawa, at ang Banal na Espiritu ay ginagabayan siya at kasabay nito’y ginagawang perpekto ang natitirang bahagi na hindi magagamit.

Ang gawain na ginagampanan niyang ginagamit ng Diyos ay ang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay itinataas ng Diyos sa gitna ng mga tao, siya ay naroon upang pangunahan ang lahat ng hinirang ng Diyos, at siya ay itinataas din ng Diyos upang gampanan ang gawain ng pagtutulungan ng tao. Kasama ang isang gaya nito, na nagagawang gampanan ang pagtutulungan ng tao, mas marami pa sa mga kinakailangan ng Diyos mula sa tao at sa gawaing kailangang gampanan ng Banal na Espiritu sa gitna ng tao ay matatamo sa pamamagitan niya. Ang isa pang paraan ng pagsasabi nito ay kagaya nito: Ang layunin ng Diyos sa paggamit sa taong ito ay upang lalong maunawaan ng lahat yaong mga sumusunod sa Diyos ang kalooban ng Diyos, at makamit ang higit pa sa mga kinakailangan ng Diyos. Sapagkat ang mga tao ay walang kakayahan na tuwirang maunawaan ang mga salita ng Diyos o ang kalooban ng Diyos, itinaas ng Diyos ang isang tao na sanay nang gumanap sa gayong gawain. Ang taong ito na ginagamit ng Diyos ay maaari ring ilarawan bilang isang paraan kung saan ginagabayan ng Diyos ang mga tao, o bilang “tagasalin” na nakikipagtalastasan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Kaya’t ang gayong tao ay hindi kagaya ninuman sa kanila na gumagawa sa sambahayan ng Diyos o na Kanyang mga apostol. Kagaya nila, maaaring sabihin na siya ay naglilingkod sa Diyos, ngunit sa diwa ng kanyang gawain at sa likod ng paggamit sa kanya ng Diyos ay malaki ang pagkakaiba niya mula sa ibang mga manggagawa at mga apostol. Kung ang pag-uusapan ay ang diwa ng kanyang gawain at ang nasa likod ng paggamit sa kanya, ang tao na ginagamit ng Diyos ay itinataas Niya, inihahanda ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang maaaring gumawa ng kanyang gawain para sa kanya—ito ay pakikipagtulungan ng tao na kailangang-kailangang kaagapay ng banal na gawain. Samantala, ang gawaing ginagampanan ng ibang mga manggagawa o mga apostol ay paghahatid at pagsasakatuparan lamang ng maraming aspeto ng mga pagsasaayos para sa mga iglesia sa bawat panahon, o kaya nama’y gawain ng ilang payak na pantustos ng buhay upang mapanatili ang buhay-iglesia. Ang mga manggagawa at mga apostol na ito ay hindi hinirang ng Diyos, lalong hindi sila matatawag na mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Sila ay pinipili mula sa mga iglesia at, pagkatapos silang sanayin at linangin sa loob ng ilang panahon, silang mga angkop ay pinananatili, habang iyong mga hindi angkop ay pinababalik kung saan sila nanggaling. Sapagkat ang mga taong ito ay pinili mula sa mga iglesia, ipinakikita ng ilan ang kanilang totoong mga kulay pagkatapos maging mga pinuno, at ang ilan ay gumagawa pa nga ng maraming masasamang bagay at naaalis sa bandang huli. Ang taong ginagamit ng Diyos, sa kabilang dako, ay siyang inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Maaga siyang naihanda at nagawang perpekto ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inutusan ng Banal na Espiritu—bilang resulta, walang paglihis sa landas ng pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng pagkakataon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Paggamit ng Diyos sa Tao

Mag-iwan ng Tugon