Bakit Hinahangad ng mga Judio ang Pagdating ng Mesiyas subalit Kinalaban Siya Noong Siya ay Tunay na Dumating?
Tulad ng pagkakaalam nating lahat, ang mga Judio ang hinirang na mga tao ng Diyos, ang Israel ay ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos, inihula ng Lumang Tipan na ang Mesiyas ang mamumuno sa mga buhay ng mga Israelita, at sa gayon ang mga Judio ay masigasig na naghangad sa pagdating ng Mesiyas. Ngunit bakit nang ang Mesiyas—ang Panginoong Jesus—ay talagang dumating upang gumawa, hindi nila Siya tinanggap, kundi kinalaban Siya at ipinako sa krus? Ito ang pag-uusapan natin ngayon. Patnubayan sana tayo ng Panginoon.
Ang unang dahilan ay ang mga Judio ay umasa sa kanilang mga imahinasyon at kuru-kuro upang maunawaan ang mga propesiya at nilimitahan ang gawain ng Diyos.
Nakatala ito sa kabanata 9, talata 6-7 sa Aklat ng Isaias, “Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.”
Ligaw ang imahinasyon ng mga Judio batay sa propesiyang ito. Naniwala sila na dahil ang Mesiyas ay darating upang maghari, dapat Siya ay ipanganak sa isang palasyo, dapat Siya ay maharlika, na may mukha ng isang hari, at papatnubayan Niya sila upang ibagsak ang rehimeng Romano. Gayunpaman, hindi lamang sa hindi ipinanganak ang Panginoong Jesus sa isang palasyo ng hari, ngunit Siya ay isinilang pa nga sa isang sabsaban. Hindi lamang sa hindi Siya kumilos sa paraan na gaya ng hari tulad ng akala nila, ngunit Siya ay nagpakita na isang napaka-pangkaraniwan at ordinaryong tao. Hindi lamang sa hindi Niya sila pinangunahan na ibagsak ang rehimeng Romano, kundi Kanya silang tinuruan na maging mapagpatawad at mapagparaya, mahalin ang kanilang mga kaaway, at patawarin ang iba nang pitumpu’t-pitong beses. Ang anyo at ang gawain ng Panginoong Jesus ay ganap na kabaligtaran ng imahinasyon ng mga Judio sa Mesiyas sa kanilang isipan. Dagdag pa, sa Aklat ni Isaias, kabanata 7, talata 14, sinasabi nito: “Kaya’t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.” Alinsunod sa propesiyang ito, naniwala ang mga Judio na ang birhen na manganganak ng Mesiyas ay dapat na isang babaeng walang asawa. Kaya’t nang makita nilang may asawa si Maria, naisip nila, “Paano posible na ‘isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake’ ay matutupad kay Maria? Alinsunod dito, ipinalagay nila na ang Panginoong Jesus ay hindi maaaring maging ang naipropesiyang Mesiyas batay sa kanilang sariling mga kuru-kuro at haka-haka. Ito ang dahilan kung bakit tumanggi silang tanggapin ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, at kung bakit nila Siya ipinako sa krus, na ginagawa ang pinakakarumal-dumal sa mga kasalanan.
Ang pangalawang dahilan ay na, ang mga Judio ay tumitingala sa punong mga saserdote, eskriba, at Fariseo—sa panlabas, naniwala sila sa Diyos, ngunit sa diwa, sumunod sila sa tao.
Ang mga Fariseo, punong saserdote, at eskriba ay pawang mga pinuno ng mundo ng relihiyon na may kapangyarihan, at may katanyagan at posisyon; mukha silang maka-diyos, bihasa sa mga kasulatan, pamilyar sa batas, at naglingkod sa Diyos sa templo sa mga henerasyon. Ang mga Judio ay sumamba sa kapangyarihan at katayuan, kaya naisip nila na, dahil ang mga punong pari, eskriba at Pariseo ay naniniwala sa Diyos at nagbabasa ng mga kasulatan sa maraming taon, dapat na makilala nila ang Mesiyas pagdating Niya, at sa gayon ang pagsunod sa kanila ay hindi magiging mali. Kaya’t nang ang bulag at ignoranteng mga Fariseo ay umasa sa kanilang sariling imahinasyon at kuru-kuro na itatwa na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas at kinondena pa at nilapastangan ang Panginoong Jesus; sumunod sa kanila ang mga Judio at ganoon din ang ginawa. Tulad noong sinabi ng mga Fariseo na ang Panginoong Jesus ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, pinuno ng mga demonyo, naisip ng mga Judio na ang kanilang mga pagkondena ay hindi maaaring maging mali, at sa gayon ay sumunod sa kanila upang kondenahin ang Panginoong Jesus. Kahit na noong nilayon ng punong mga saserdote na ipako sa krus ang Panginoong Jesus, ang mga Judio ay bulag ding sumunod sa kanila. Ito ay tulad ng nakatala sa Juan 19: 6–7, “Pagkakita nga sa Kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila’y nangagsigawan, na sinasabi, ‘Ipako Siya sa krus, ipako Siya sa krus!’ Sinabi sa kanila ni Pilato, ‘Kunin ninyo Siya, at ipako ninyo Siya sa krus: sapagka’t ako’y walang masumpungang kasalanan sa Kaniya.’ Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, ‘Kami’y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat Siyang mamatay, sapagka’t Siya’y nagpapanggap na Anak ng Diyos.’” Hindi inilapat ng mga Judio ang kanilang pagkilala sa kung ano ang sinabi ng punong pari. Nang sabihin ng punong mga saserdote na si Jesus ay dapat na ipako sa krus, ang mga Judio ay nakisawsaw at ginamit ang batas upang hatulan Siya, na sumusunod sa mga punong saserdote sa paglaban sa Diyos. At gumawa pa sila ng panata na ang kasalanan ay mapapasakanila at sa kanilang mga inapo, na nagresulta na ang kanilang mga anak ay tumakas sa mga bansa sa buong mundo at marami ang napatay.
Sinabi ng Diyos, “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6). “Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa Akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao” (Mateo 15:9). Hindi nauunawaan ng mga Judio ang katotohanan, ni hinanap man nila ang katotohanan o sinuri kung ang gawain ng Panginoong Jesus ay mula sa Diyos at kung ang Kanyang mga salita ay kapaki-pakinabang sa mga tao. Bulag lamang silang sumunod at sumamba sa mga Fariseo at mga punong pari, kaya ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Bilang resulta, nakaharap nila ang mga sumpa at parusa ng Diyos.
Ang Babala sa Atin
Anong babala ang ibinibigay sa atin ng pagkabigo ng mga Judio? Alam nating lahat na nasa mga huling araw na tayo, na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na, at oras na para sa Panginoon na bumalik. Ayon sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag, ang Diyos ay may maraming gawain na dapat gawin sa mga huling araw, tulad ng pagbubukas ng balumbon at pitong tatak, pagpapahayag ng mga salita ng Banal na Espiritu sa lahat ng mga iglesia, at paggawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ngunit kaunti lamang tungkol sa mga gawaing ito ang nabanggit sa Aklat ng Pahayag, at kung paano isasakatuparan ng Diyos ang mga gawaing ito ay hindi naitala nang detalyado. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, kung ang gawain ng bumalik na Diyos sa mga huling araw ay tila salungat sa ating mga kuru-kuro at sariling kaisipan, hindi natin dapat ihambing ang literal na kahulugan ng mga propesiya sa Biblia sa ginagawa ng Diyos, o umasa sa ating mga kuru-kuro at sariling kaisipan upang limitahan ang Kanyang gawain, o tumanggi na hanapin at pag-aralan ang Kanyang gawain, at lalo na ang bulag na sundin ang tao o sumunod sa tao, tulad ng mga Judio. Ngunit sa halip, dapat tayong maging matatalinong dalaga na naghahangad at naghahanap ng katotohanan, sinusuri ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw at tinitingnan kung ito ay talagang galing sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon tayo ng pagkakataong tanggapin ang Panginoon at matamo ang Kanyang kaligtasan sa mga huling araw.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Mateo 7:7–8). Naniniwala ako na sa pagbabalik ng Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw, hangga’t hinahanap natin ang katotohanan at nakatuon sa pakikinig sa Kanyang tinig, makakamtan natin ang Kanyang kaligtasan. Amen!