Bakit Itinanong ng Panginoong Jesus kay Pedro nang 3 Beses “Iniibig Mo Baga Ako?”
Itinala ng Biblia ang palitang ito sa pagitan ng Panginoong Jesus at ni Pedro: “Sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga Ako ng higit kaysa sa mga ito? Sinabi niya sa Kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman Mo na kita’y iniibig. Sinabi Niya sa kaniya, Pakanin mo ang Aking mga kordero. Sinabi Niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Sinabi niya sa Kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman Mo na kita’y iniibig. Sinabi Niya sa kaniya, Alagaan mo ang Aking mga tupa. Sinabi Niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga Ako? At sinabi niya sa Kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na Kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang Aking mga tupa” (Juan 21:15–17).
Ang sipi ng Kasulatan na ito ay tiyak na nag-iiwan sa maraming tao ng pagkalito: Sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng tao, at sa gayon alam na alam ng Panginoong Jesus kung mahal Siya ni Pedro, ngunit tinanong Niya si Pedro nang 3 beses “Iniibig mo baga Ako?” Bakit nangyayari ito? Ano ang kalooban ng Panginoon sa Kanyang pagtatanong kay Pedro? Tingnan natin ang ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos na nauugnay sa isyung ito.
Sabi ng Diyos, “Sa pag-uusap na ito, paulit-ulit na tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang bagay: ‘Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako?’ Ito ay mas mataas na pamantayang hiningi ng Panginoong Jesus mula sa mga taong gaya ni Pedro pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, na tunay na naniniwala kay Cristo at nagsisikap na ibigin ang Panginoon. Ang tanong na ito ay isang uri ng pagsisiyasat at pag-uusisa, nguni’t higit pa rito, ito ay isang hinihingi at inaasahan sa mga taong gaya ni Pedro. Ginamit ng Panginoong Jesus ang pamamaraang ito ng pagtatanong nang makapagbulay-bulay ang mga tao sa kanilang mga sarili at masuri ang kanilang mga sarili at magtanong: Ano ang mga hinihingi ng Panginoong Jesus sa mga tao? Mahal ko ba ang Panginoon? Isa ba akong tao na umiibig sa Diyos? Paano ko dapat ibigin ang Diyos? Kahit na itinanong lang ng Panginoong Jesus ang katanungang ito kay Pedro, ang totoo ay sa Kanyang puso, sa pamamagitan ng pagtatanong kay Pedro ng mga katanungang ito, ninais Niyang gamitin ang pagkakataong ito upang itanong ang ganitong parehong uri ng katanungan sa mas maraming tao na naghahangad na ibigin ang Diyos. Pinagpala nga lang si Pedro na magsilbing kinatawan ng ganitong uri ng tao, na tumanggap ng pagtatanong na ito mula sa sariling bibig ng Panginoong Jesus.”
“Ang katanungan ng Panginoong Jesus ang nagpahintulot sa mga tao na madama na ang mga inaasahan ng Panginoon sa mga tao na nahayag sa simpleng mga salitang ito ay hindi lang upang sumampalataya at sumunod sa Kanya, bagkus ay matamo ang pagkakaroon ng pag-ibig, na iniibig ang iyong Panginoon at ang iyong Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mapagmalasakit at mapagpasakop. Ito ay mga taong nabubuhay para sa Diyos, namamatay para sa Diyos, iniaalay ang lahat sa Diyos, at gumugugol at ibinibigay ang lahat para sa Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagbibigay rin ng kaaliwan sa Diyos, nagtutulot sa Kanya na matamasa ang patotoo at makapagpahinga. Ito ang kabayaran ng sangkatauhan sa Diyos, ang pananagutan, obligasyon at tungkulin ng tao, at ito ay isang daan na dapat sundan ng mga tao sa buong buhay nila. Ang tatlong katanungang ito ay isang kahilingan at isang pagpapayo na ginawa ng Panginoong Jesus kay Pedro at sa lahat ng tao na gagawing perpekto. Ang tatlong katanungang ito ang umakay at nag-udyok kay Pedro na sundin ang kanyang landas sa buhay hanggang sa huli, at ang mga katanungang ito sa paglisan ng Panginoong Jesus ang umakay kay Pedro na simulan ang kanyang landas ng pagiging nagawang perpekto, na umakay sa kanya, dahil sa kanyang pag-ibig para sa Panginoon, upang magmalasakit sa puso ng Panginoon, upang sundin ang Panginoon, upang maghandog ng kaaliwan sa Panginoon, at upang ihandog ang kanyang buong buhay at ang kanyang buong sarili dahil sa pag-ibig na ito.”
Mula sa mga salita ng Diyos, mauunawaan natin na bagaman si Pedro lang ang tinanong ng Panginoong Jesus ng “Iniibig mo baga Ako?” ito ang talagang hinihingi at inaasahan Niya sa lahat ng mga taos-pusong naniniwala sa Diyos. Umaasa ang Panginoon na hindi lamang naniniwala at sumusunod sa Kanya ang mga tao, kundi magagawang tunay na mahalin, sundin, at pagmalasakitan ang Diyos, sundan ang daan ng Diyos, at maging kaisa ng isipan ng Diyos. Ang tatlong beses na paulit-ulit na pagtatanong ng Panginoong Jesus kay Pedro ay nagpapahintulot sa atin na maramdaman na nais ng Diyos na magtamo ng maraming tao na nagmamahal sa Kanya, at gayon din, nagagawa nitong mapagnilay tayo upang makita kung tayo ay isang taong nagmamahal sa Diyos o hindi. Sinasabi natin sa ating mga salita na hinahangad nating mahalin ang Diyos, at tayo’y nananalangin at nagbabasa ng Biblia araw-araw. Gayunpaman, gumugugol at nagsisikap tayo para sa Panginoon upang tayo ay mapagpala at magantimpalaan ng Diyos, at nang sa hinaharap, makatatakas tayo mula sa malalaking sakuna at makapapasok sa kaharian ng langit para magtamasa ng walang hanggang kaligayahan. Sa ating paggugol at paggawa para sa Panginoon ay may mga transaksyon at hinihingi, kaya’t kapag ang natural o ang gawang tao na mga sakuna ay dumating sa atin o kapag nagdurusa tayo ng pagpapahirap ng karamdaman o kung hindi napalugod ang ating mga hangarin, sisisihin at nagkakaroon tayo ng maling pag-unawa sa Diyos, napupuno ng paghihimagsik at paglaban sa Diyos, at pati na hanggang sa tanggihan at ipagkanulo Siya sa anumang oras. Umaasal sa ganitong paraan, masasabi bang may pag-ibig tayo sa Diyos?
Kaya, ano ang mga pagpapamalas ng mga taong nagmamahal sa Diyos? Sabi ng Diyos, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos” (Mateo 22:37–38). “Ang ‘pag-ibig,’ ayon sa tawag dito, ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kondisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang kalakalan at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, hindi ka manlilinlang, magrereklamo, magkakanulo, maghihimagsik, mangunguha, o hihiling na tumanggap ng anumang bagay o magtamo ng magkano mang halaga. Kung nagmamahal ka, malugod mong itatalaga ang iyong sarili, malugod na magtitiis ng paghihirap, magiging kasundo ka sa Akin, tatalikuran mo ang lahat ng iyo para sa Akin, isusuko mo ang iyong pamilya, ang iyong hinaharap, ang iyong kabataan, at ang iyong pag-aasawa. Kung hindi, ang iyong pag-ibig ay hindi talagang pag-ibig, bagkus ay panlilinlang at pagkakanulo!”
Ipinakita sa atin ng mga salita ng Diyos na ang mga nagmamahal sa Diyos ay dinadakila ang Diyos, nagmamalasakit at sinusunod ang Diyos, namumuhay sa salita ng Diyos, at hindi na sumusuway at lumalaban sa Diyos. Nag-aalala sila tungkol sa mga bagay na pinag-aalala ng Diyos, at iniisip ang kung anong iniisip ng Diyos, gumugugol sila sa Diyos na may pusong mapagmahal sa Diyos at hindi alang-alang sa kanilang mga pansariling interes, at ginagawa nila ang lahat upang sundin lamang ang Diyos at suklian ang Kanyang pagmamahal, nang walang pag-iisip kung ano ang maaari nilang makuha bilang kapalit. Hindi sila nagrereklamo o ipinagkakanulo ang Diyos kapag ang mga sakuna na likas o gawa ng tao ay dumarating sa kanila o kapag dumaranas sila ng mga pagsubok at pagdurusa. Ang ganoong uri ng pag-ibig ay totoo at dalisay, at ito ay isang bagay na nais ng Diyos. Gawin bilang halimbawa, si Pedro na nagsikap na ibigin ang Diyos sa buong buhay niya. Hinanap niya at pinagmalasakitan ang kalooban ng Panginoon sa lahat ng mga bagay. Nagtiis siya ng iba`t ibang paghihirap at pag-uusig upang maipakalat ang ebanghelyo ng Panginoon, ngunit hindi siya kailanman nagreklamo laban sa Diyos, at nagpatuloy siya sa pagpupursige na mahalin at palugurin ang Diyos upang suklian ang Kanyang pag-ibig. Hindi niya kailanman sinisi o nilabanan ang Diyos kahit na personal na nagpakita sa kanya ang Panginoon sa kanyang huling mga taon na nagsasabing hindi siya sasang-ayunan ng Diyos at ibibigay kay Satanas kahit na mahal niya ang Diyos; pinanatili pa rin niya ang kanyang debosyon at pagmamahal sa Diyos. Sa huli siya ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Panginoon. Minahal niya ang Diyos nang sukdulan, sumunod pa rin hanggang sa kamatayan. Nagbigay siya ng isang matibay, matunog na patotoo para sa Diyos, ginawang perpekto ng Diyos, at naging isang halimbawa ng hahangaring tularan para sa lahat ng nagmamahal sa Diyos.
Tatlong beses na paulit-ulit na itinanong ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Iniibig mo baga Ako?” na nag-udyok sa kanya na magsimula sa kanyang landas ng pag-ibig sa Diyos hanggang sa sukdulan, at sa huli siya ay sinang-ayunan at pinagpala ng Diyos. Gayundin, kung matutularan natin si Pedro at hahangarin na mahalin at palugurin ang Diyos sa lahat ng bagay, ang ating hangarin ay tiyak na pupurihin ng Diyos.
Tala ng Editor: Matapos basahin ang artikulong ito, nakakuha ka ba ng ilang pag-unawa sa kalooban ng Panginoon sa Kanyang tatlong beses na paulit-ulit na pagtatanong kay Pedro: “Iniibig mo baga Ako?” Kung ang artikulong ito ay naging kapaki-pakinabang sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa iba. Kung mayroon kang anumang iba pang mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga online chat button sa ibaba. Online kami 24 na oras sa isang araw handa na sagutin ang iyong mga katanungan.