Menu

Iniligtas Ako ng Pag-ibig ng Diyos Mula sa Pagpapaikot ng Pera (II)

Sa pamamagitan ng panahon ng pagkakaroon ng mga pagpupulong, naintindihan ko ang ilang katotohanan, nalaman ko na ang Diyos ay taga-pamamahala sa lahat at nagbibigay para sa sangkatauhan. Pagkatapos ay may malay kong ipinagkatiwala ang aking gawain sa Diyos, at unti-unti ay hindi na ako naliligalig sa loob ng aking puso. At isinagawa ko rin ang tungkulin sa loob ng aking kakayahan sa simbahan. Ngunit dahil hindi ko naiintindihan ang sapat na katotohanan, nabuhay pa rin ako sa pagkaalipin ng pera. Lalo na kapag naisip kong tumatanda na ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ako kumita ng mas maraming pera. Samakatuwid, ang aking puso ay sinakop pa rin ng pera.

Noong Hulyo 2017, lumipat ako sa isang trabaho sa paggawa ng mga cake. Araw-araw, bumabangon ako ng alas-singko ng umaga at umuuwi lamang nang alas siete o alas otso ng gabi. Tuwing bakasyon, kinailangan kong magtrabaho nang labindalawa o labing-tatlong oras sa isang araw. At pagkatapos ng isang buong araw ng trabaho, ako ay pagod at may mgapananakit sa kabuuhan. Nang maglaon, nais ng mga kapatid na ako ang magtubig sa mga bagong mananampalataya, ngunit hindi ko pinansin ang utos ng Diyos dahil nilalaan ko ang lahat ng aking oras at lakas upang kumita ng pera. Sa pagtatapos ng taon, ang pabrika ay madalas na hiniling sa mga empleyado na magtrabaho nang higit pang oras. Sa paglipas ng panahon, hindi na ako nakadadalo sa mga pulong. Minsan, bumabangon ako nang maaga at walang oras kahit na upang manalangin. Unti-unti, ang aking puso ay naging higit na lumayo sa Diyos at ang aking espiritu ay lumubog ng higit pa. Naramdaman kong nawalan ako ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Sa aking libreng oras sa trabaho, nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, “O Diyos ko! Pinaghihigpitan ako ng aking oras ng pagtatrabaho. Upang kumita ng pera, pakiramdam ko ay mas lalo akong napapalayo mula sa Iyo, at hindi ako kahit pa makadalo sa mga pagpupulong at maka-panalangin ng regular. Alam kong hindi ito akma sa Iyong kalooban. Ngunit hindi ako makaiwas mula rito. Diyos ko! Anong gagawin ko? Pakiusap na tulungan at gabayan Mo ako.” Sa mga sumusunod na araw, madalas akong nanalangin sa Diyos sa aking puso hanggang sa nangyari ang insidente ng basket.

Ang pag-alaala sa lahat ng mga eksenang ito, napagtanto ko na ang Diyos ay nakinig sa aking mga dalangin at pagkatapos ay inayos ang kapaligiran na ito upang mailigtas ako sa patibong ni Satanas. Hindi ko maiwasang mapuno ng pasasalamat sa Diyos, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos ko! Ang pagharap sa bagay na ito ay ang Iyong paalala at babala sa akin. Salamat sa Iyong pagmamahal. Kung hindi dahil sa pagkaranas ng sakit na ito, magsusumikap pa rin ako upang kumita ng pera, maligaw na mas malayo higit pang malayo mula sa Iyo, at makuha na mabilanggo ni Satanas sa huli. Diyos ko! Hindi na ako handang maloko at matiwali ni Satanas, ngunit handang bumalik sa harap Mo.” Kinabukasan pagkatapos kong magising, may mas malinaw na akong pag-iisip at natagpuan na wala akong anumang panaginip kagabi. Ako ay nasasabik na ang luha ng kasiyahan ay nag-uunahang bumagsak sa ibaba: “O Diyos ko! Salamat sa Iyo. Kahit na lumayo ako sa Iyo nang oras-oras at kahit na hindi ko mataimtim ang Iyong komisyon, hindi Mo naalaala ang aking mga pagkakasala ngunit paulit-ulit Mo akong iniligtas sa kamay ni Satanas. Hindi ko talaga alam pahalagahan ang Iyong kaligtasan. Mula ngayon hanggang sa sumusunod, handa na akong basahin ang Iyong salita at ibigay ang aking tunay na puso sa Iyo.”

Sa kasunod na mga araw, nagsimula ako na maging uhaw sa salita ng Diyos kung saan ay sinasabi sa talata ay, “‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ito ay ikinintal sa puso ng bawat isang tao at nakatanim na ngayon sa kanilang puso. Nanggaling ang mga tao sa hindi pagtanggap ng kasabihang ito patungo sa pagkasanay dito upang kapag naranasan na nila sa tunay na buhay, unti-unti silang nagbibigay ng tahimik na pag-apruba rito, kinikilala ang pag-iral nito, at sa wakas, binigyan nila ito ng sarili nilang tatak ng pag-apruba. Hindi ba ang prosesong ito ni Satanas ang gumagawang tiwali sa tao? … Kaya naman matapos gamitin ni Satanas ang kalakarang ito upang gawing tiwali ang mga tao, paano ito nakikita sa kanila? Hindi ba ninyo nararamdaman na hindi ninyo kayang mamuhay nang ligtas sa mundong ito nang walang anumang salapi, na kahit isang araw ay imposible lamang? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang kanila ring pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang matuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba nakikita ng maraming tao na ang pagkakaroon ng salapi ay karapat-dapat sa anumang halaga? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at katapatan sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami pang mga tao ang nawawalan ng oportunidad na isagawa ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para sa kapakanan ng salapi? Hindi ba ito ay isang kawalan para sa mga tao? (Oo.) Hindi ba’t masama si Satanas upang gamitin ang pamamaraang ito at ang kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa puntong iyon? Hindi ba ito isang malisyosong pandaraya?

Mula sa mga inilabas na salita ng Diyos, naintindihan ko na: Napinsala talaga ako ni satanas at ginawang tiwali niya ng mga lason tulad ng “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa” at “Una ang pera” at resulta nito, nag umpisa ako na sumamba sa pera, sa paniniwala na kung walang pera hindi tayo mabubuhay sa mundong ito, at kung walang pera magiging maliit ako sa mata ng iba. Ito ang mga rason kung bakit naghirap ako kumita lang ng pera at ginagasta ang lahat ng aking oras at enerhiya dito. Para lang kumita ng pera, hindi mahalaga kung gaano ako maghirap, handa akong tiisin ito. At sa huli, ako ay napagod sa aking pisikal at mental, at hindi ko magawa ang akin tungkulin, tmuntik pa akong mahulog sa patibong ni Satanas upang iwanan ang Diyos ulit. Ang ibang tao nag-aaway at ginagawa ang lahat para lang sa pera, talaga nawala na ang kanilang konsensiya at rason, integridad, dignidad at pati narin ang kanilang mga katauhan. Ginagamit lamang ni Satanas ang ganitong kasuklam-suklam na mga bagay para sirain tayo at gawing tiwali. Minsang napanood ko sa telebisyon na ang isang trainee ay nagtatrabaho ng higit pa sa sa tatlong daang oras sa isang buwan para lang sa pagkakaroon ng pera, na nagreresulta sa biglaang pagkamatay mula sa sobrang pagtatrabaho. Ang isa pang halimbawa ay isang Doktor: Upang makabili ng isang malaking bahay, nagtatrabaho siya nang obertaym upang kumita ng pera at sa huli naghihirap dahil sa kanser. Ang mga kasong ito ay nagpapahintulot sa akin na makita na ang layunin ni Satanas na tuksuhin tayo upang kumita ng pera ay upang mapalayo tayo sa Diyos at maglakad patungo sa pagkawasak, na siyang masamang motibo ni Satanas. Matapos malaman ito, naramdaman ko na ako ay malaya na, hindi na nababahala sa aking kinabukasan. Sa halip, handa akong ibigay ang natitirang bahagi ng aking buhay sa kamay ng Diyos.

iniligtas ako ng pag-ibig ng Diyos

Isang araw nagbasa ako ng salita ng Diyos, kung saan sinasabi dito, “Kung tinitingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung nakikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang gampanan ang sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, sa gayon siya ay talagang mayroong wastong pananaw sa buhay, magkakaroon ng buhay na pinagpala at ginagabayan ng Lumikha, lalakad sa liwanag ng Lumikha, makikilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, mapapasailalim sa Kanyang kapamahalaan, magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad.” Sa pagiisip sa nakaraan, nasakop talaga ako ng maling opinyon “Ang tao mismo ang gumagawa ng kanilang kapalaran,” at palaging gusto ko na makapagpatayo ng malaking tahanan sa aking bayan mula sa sarili kong kamay at pagsisikap. Noong may ganito akong pangarap, nilagay ko ang Diyos sa likod ng aking pag-iisip, kaya namuhay ako sa sobrang nakakapagod na buhay. Higit pa, mas maraming paghihirap na aking dinadanas, mas higit na pakikibaka ang aking gagawin, mas lalo akong nagiging miserable. Ngayon nalaman ko na hindi iyon dahil sa masama kong kapalaran, hindi dahil ang pagsasaayos ng Diyos sa akin ay hindi mabuti, kundi dahil ang aking maling opinyon ay pinamunuan ako na magrebelde laban sa Diyos at ang aking kapalaran ay mapunta sa maling landas. Nakita ko na hindi ko nalalaman ang soberanya ng Diyos bagkus ako ay umaasa lamang sa aking pansariling ambisyon at hangarin na matinding lumakad sa aking landas, kaya ang bawat hakbang na aking tinatahak ay pagkabigo at pasakit. Kung ako lamang ay lumapit sa harapan ng Diyos at sumunod sa Kanyang soberanya at pagsasaayos, ako ay maaaring magkamit ng pagpapakawala at kalayaan.

Salamat sa Diyos! Ngunit sa pag-gabay ng salita ng Diyos, hindi ko maiaalis ang aking sarili mula sa paghatak ng pera at sa huli, ako ay malamang na nalunok ni Satanas. Pagkatapos, nabuo ko ang aking isipan: Pagkaraang makabawi ako mula sa aking pagkakasakit, maghahanap ako ng simpleng trabaho upang mapanatili ang aking buhay. At sa kaparehong oras ipupursige ko ang katotohanan at gagawin ang aking tungkulin bilang nilikha, at mamumuhay sa totoong pagkatao. Salamat sa Diyos! Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Makapangyarihang Diyos!

Ang wakas.

Mag-iwan ng Tugon