Paano Natin Malalagpasan ang mga Pagsubok sa Buhay Bilang mga Mananampalataya?
Nagkaroon ka na ba ng pagkabalisa, pagsanggalang at takot tungkol sa mga pagsubok at pagpipino ng Diyos? Nais mo bang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga ito? Paano natin mapapakawalan ang takot na tanggapin at sundin ang mga pagsubok at pagpipino mula sa Diyos? Ang artikulong ito ay maaaring makatulong sa iyo na malaman ang sagot.
Mga Kapatid:
Masaya akong sumulat sa inyo!
Nakatagpo ko ang ilang mga problema at paghihirap sa aking buhay kamakailan. Bagaman alam ko mula sa teorya na ang mga ito ay mga pagsubok at pagpipino mula sa Diyos, na mga mabubuting kapaligiran para sa akin, sobrang natatakot pa rin ako sa mga ito. Ano ang dapat kong gawin upang harapin ang mga ito nang walang takot?
Jia Yin
Sister Jia Yin:
Hello! Patungkol sa katanungang itinanong mo, maraming mananampalataya ang nakaharap nito at nalito tungkol dito. Normal na magkaroon tayo ng ganitong lito at magkasalungat na kalagayan. Ito ay pangunahing dahil hindi natin nauunawaan ang layunin at kahulugan ng gawain ng mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, o hindi rin natin alam kung ano ang ninanais na mga epekto na dapat makamit sa atin.
Ang Ninanais na mga Epekto ng mga Pagsubok at Pagpino
Sinabi ng Diyos, “Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:9–10). “At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto” (Zacarias 13:9). Makikita sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na ang layunin ng mga pagsubok at pagpipino ng Diyos ay baguhin at linisin ang tao, upang tayo ay makamit ng Diyos at maging mga tao ng kaharian ng Diyos.
Tulad lamang ng ating paniniwala sa Diyos, kung nasisiyahan tayo sa masaganang awa, pag-ibig at biyaya mula sa Diyos, mayroon tayong masaganang “pananampalataya” at pasya na mapalugod ang Diyos at masuklian ang Kanyang pagmamahal. Ngunit kung isang araw, dumating ang mga pagsubok, halimbawa, inuusig tayo ng ating mga hindi nananampalatayang pamilya, may mga kabiguan sa trabaho, mga problema sa buhay o sakit mula sa karamdaman, o sinisiraan at tinatanggihan ng iba, magkakaroon tayo ng hindi pagkaunawa at mga reklamo sa Diyos. Dahil iniisip natin: “Nagbayad at gumugol tayo nang malaki para sa Diyos ngunit bakit kailangan pa nating magdusa sa mga paghihirap na ito?” Sa pagkakataong ito lamang natin malalaman na maraming mga karumihan sa ating paniniwala sa Diyos, tulad ng personal na maluluhong pagnanasa, mga transaksyon, at iba pang mga kasuklam-suklam na motibasyon, at ang ating pananaw sa paniniwala sa Diyos ay hindi tama. Nakikita ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng sangkatauhan at nagsasaayos Siya ng mga pagsubok at pagpipino upang malinis ang ating mga hindi tamang motibasyon at hangarin, upang tayo ay makatayo sa lugar ng isang nilikha at sumamba sa Diyos.
Ang Kahulugan at Kabuluhan ng mga Pagsubok at Pagpipino
Lumilitaw na ang mga pagsubok at pagpipino ay nagdudulot sa atin ng sakit ngunit makakamit ng mga ito ang epekto ng pagliligtas sa atin at pagdadalisay sa atin. Mas maraming pagsubok at pasakit ang ating dinaranas, mas makikita natin nang mabuti na ang ating katiwalian ay napakalalim, sobrang dami nating kulang, at ang ating tayog ay napakaliit. Kaya’t mananatili tayong nagdarasal, mapapalapit sa Diyos at hindi maglalakas-loob na iwan Siya kahit isang segundo. Samantala, madarama natin na hindi natin malalampasan ang mga problemang nakakaharap natin kung tayo ay malayo sa Diyos. Pagkatapos ay babasahin natin ang Kanyang mga salita, magbabahagian tungkol sa Kanyang katotohanan, lalapit sa Kanya, aasa sa Kanya at isasagawa nang madalas ang Kanyang mga salita. Kung mas magsasagawa tayo sa ganitong paraan, mas magbabago ang ating mga tiwaling disposisyon. Samakatuwid ay madadalisay tayo nang hindi namamalayan, mamumuhay sa salita ng Diyos at sa katotohanan, at makakamit ang ganap na kaligtasan. Tulad nito, ang paghihirap ay ang ating pinakamahusay na proteksyon na humihimok sa atin na mapalapit sa Diyos at manalangin nang madalas. Sa pamamagitan ng mga paghihirap at pagsubok na ito, makikita natin ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos, at madarama ang Kanyang pagmamahal at taimtim na layunin na iligtas ang tao. Samantala, makikilala rin natin ang tiwaling diwa at ang katotohanan ng ating kalikasan na masuwayin at lumalaban sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa mga pagsubok at pagpipino na maaari tayong malinis sa mga kasalanan. Kaya, kung paano natin dinaranas ang mga pagsubok at pagpipino ay direktang nauugnay sa kung maaari tayong mailigtas ng Diyos!
Mayroong payo sa Aklat ng Kawikaan: “Ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila” (Kawikaan 1:32). Totoo na kapag naninirahan tayo sa isang maayos na kapaligiran nang walang anumang mga problema, gugustuhin natin ang kasiyahan at ginhawa ng laman, walang lugar para sa Diyos sa ating mga puso, walang pagpipigil ang kahalayan sa pananalita o paggawa ng mga bagay, at maging saktan pa ang Diyos at ipahiya ang Kanyang pangalan nang hindi nalalaman ito. Makikita natin na ang pamumuhay sa ginhawa ay walang pakinabang para sa ating paglago sa buhay. Ito ay katulad lamang ng sinasabi ng Diyos: “Kapag ang buhay ng mga tao ay madali, at walang pagdurusa sa kanilang kapaligiran, wala silang kakayahang dumanas. Sa maginhawang mga kapaligiran, madali para sa mga tao na maging ubod ng sama—ngunit magagawa ng masasamang kapaligiran na padasalin ka nang may mas matinding determinasyon, at ginagawa ito upang huwag mong tangkaing lisanin ang Diyos. Kapag mas madali at mas nakababagot ang buhay ng mga tao, lalong nadarama ng mga tao na walang halaga ang mabuhay, at nararamdaman pa nilang mas mabuti pang sila ay mamatay. Ganito katiwali ang laman ng mga tao; nakikinabang lamang sila kung nakararanas sila ng mga pagsubok” (“Pagsasagawa (8)”). Kaya’t anuman ang pag-uusig o paghihirap, pagsubok o pagpipino na makaharap natin, lahat ay mabuti para sa atin. At ang mga nasabing kapaligiran ay maaaring mag-udyok sa atin na manalangin nang madalas, mapalapit sa Diyos, basahin ang Kanyang salita at hanapin ang Kanyang kalooban, na tinutulutan tayong malaman kung paano umasa sa Diyos at hindi lumayo sa Kanya. Samakatuwid, ang mga paghihirap ay mga pagpapala, at nakikinabang lamang mula sa mga ito at hindi nakakapinsala sa atin.
Ang puntong ito ay makikita rin mula sa katotohanan ng gawain ng Diyos—Ang mga taong natamo ang pagsang-ayon ng Diyos ay ang mga nakaranas ng mga pagsubok at pagpipino, tulad nina Abraham at Job. Sinabi ng Diyos kay Abraham na ihandog ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Isaac, at kusang-loob niyang ginawa ito, hindi nagsasabi ng mga kondisyon sa Diyos o gumagawa ng kanyang sariling mga pagpipilian, kaya natamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Tungkol kay Job, hindi alintana kung binigyan siya ng Diyos o kumuha mula sa kanya, biniyayaan o dinalhan siya ng mga sakuna, nagpumilit siya sa pagsamba sa Diyos at pagpuri ng Kanyang pangalan. Si Job ay wala kahit na katiting na reklamo bagkus ay sumunod sa daan ng Diyos: Matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Sa huli, sinabi niya, “Nguni’t nalalaman Niya ang daang aking nilalakaran; pagka Kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto” (Job 23:10). Bukod rito, pagkatapos na mabinyagan si Job ng mga pagsubok, hindi na naglakas-loob si Satanas na atakihin, subukin at akusahan siya. Si Job ay naging malaya at nagkamit ng dobleng mga pagpapala mula sa Diyos. Malinaw na, nililigtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino at ito ay isang pamamaraan at bahagi ng gawain ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap at pagsunod sa mga pagsubok at pagpipino mula sa Diyos na maaari tayong mabago, madalisay at makamit ng Diyos, at makapasok sa Kanyang kaharian.
Hindi Kailanman Inilalagay ng Diyos sa Atin ang Hindi Mababatang Pasanin
Kinakailangang malaman na hindi kailanman inilalagay ng Diyos sa atin ang anumang hindi mababatang pasanin. Ang dahilan kung bakit natatakot tayong harapin ang mga pagsubok at pagpipino ay dahil hindi natin alam ang gawain ng Diyos. Ang Diyos ay nagtatakda ng mga kapaligiran batay sa ating tayog at kung ano ang kulang at kailangan natin, at binabago Niya tayo at dinadalisay nang paunti-unti. Hindi rin Niya hinihingan ang sinuman na gawin kung ano ang higit sa kanilang kakayahan o gumagamit ng “isang sukat na akma sa lahat” na diskarte. Ito ay tulad ng pag-unawa ng mga magulang sa kanilang mga anak nang higit sa lahat; hindi nila inilalagay ang anumang hindi mababatang pasanin sa kanilang mga anak, gayundin ang Diyos. Ang lahat ng mga pagsubok at pagpipino na nakakatagpo natin ay ang mga matitiis at makakayanan natin. Sapagkat sinasabi ng Diyos: “Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kabigat ang pasaning ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, iyon ang bigat ng pasaning dapat mong isagawa, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niya na kakayanin mo iyon. Ang pasaning bigay sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit sa iyong tayog o sa mga limitasyon ng iyong pagtitiis, kaya walang duda na makakayanan mong tiisin iyon.” (“Nagmumula ang Landas sa Madalas na Pagninilay-Nilay sa Katotohanan”). “Hindi mo kailangang katakutan ang Diyos na gawin ito, sapagkat hindi posibleng gawin ng Diyos na ang iyong katawan ay matakpan ng mga sugat tulad noong sinubok Niya si Job at pagkaitan ka ng lahat ng mayroon ka; hindi ito gagawin sa iyo ng Diyos. Unti-unti Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa iyo alinsunod sa iyong tayog” (“Kung Hindi Mo Kayang Mamuhay Palagi sa Harap ng Diyos, Ikaw ay Walang Pananalig”). Kaya, makikita mula rito na ang ating mga pangamba at takot ay hindi nararapat.
Sister Jia Yin, umaasa ako na ang pagbabahagi sa itaas ay kapaki-pakinabang sa iyo upang hindi ka na matakot, mag-alala o magbantay laban sa mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, at mabuksan ang iyong puso sa Diyos upang makatanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagpeperpekto! Pagpalain ka nawa ng Diyos!