Menu

Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos Nang Ako’y Umasa sa Kanya

Galing ako sa Africa at ako ay ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko. Ngayon, nagtatrabaho ako bilang isang inhinyero sa isang planta ng semento. Sa paghahanap ng katotohanan sa loob ng maraming taon, isang araw nagkaroon ako ng pribilehiyo na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Simula noon, namuhay ako ng may kaligayahan. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos araw-araw, at laging may mga pakikipag-pulong sa mga kapatid pati na rin na ginagampanan ang aking mga tungkulin sa iglesia. Pakiramdam ko ay lubos akong nabigyan ng sustansya sa aking espiritu at nakakakuha ng marami mula sa lahat ng ito. Ang pinasasalamatan ko lalo sa Diyos ay tinulungan ako ng Diyos na makakuha ng kaalaman sa Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng praktikal na karanasan sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin.

Sa unang bahagi ng Abril 2017, isang kapatid ang nagsabi sa akin na ang aming iglesia ay magdaraos ng pakikipagpalitang pulong sa online mula 8:30pm hanggang 11:30pm sa ika-23 ng buwang iyon, at ako ay nasabihang magbahagi ng testimonya ng aking karanasan sa pagpupulong. Alam ko na ito ay isang pagkakataon para sa akin na ipangangaral ang ebanghelyo, magpatotoo sa Kanya at suklian ang pag-ibig Niya. Nakaramdam ako ng pag ka-excite. Gayunpaman, habang ako ay masayang naghihintay sa pagdalo sa papupulong, may biglang nangyari sa aming unit sa trabaho: Ang hurnong porselana ay namatay ng mas maaga sa inaasahang iskedyul. nagtatrabaho ako sa planta ng semento, at ang aking tungkulin ay ang mapanatili ang mga kagamitan. Sa normal na pagkakataon, ang kagamitan ay tumatakbo sa buong taon. kapag ito ay huminto, nangangahulugan ito na may malaking proyekto kaming gagawin. Kaya kami ay naghahanda para sa malaking proyekto, na kung saan ay nakaplanong magsimula sa ika-24 ng Abril. Dalawang araw bago ang aming pakikipagpalitang pulong, Ako ay naitalaga na magtrabaho sa panggabi, mula 7pm ng ika-23 ng Abril hanggang 7am ng ika-24 ng Abril. Kaya mayroong banggan sa pagitan ng aking oras sa trabaho at sa oras ng aming pakikipagpalitang pulong, na kung saan nagdulot sa akin ng pagkabalisa. Hindi ko alam kung paano ko masisiguro na makadalo sa aming pakikipagpalitang pulong at magampanan ang aking tungkulin sa iglesia, dahil kailangan kong pangunahan ang isang grupo ng mga manggagawa mula sa Timog Africa at Germany sa kanilang istasyon ng trabaho at lahat sila ay mga baguhan. Mula 7pm hanggang 9pm, kailangan akong kasama nila upang masiguro ang kaligtasan, maihanda ang pagtatrabahuan at makipagtulungan sa pangkat ng konstruksyon. Pagkatapos ay kailangan ko pa ring gawin ang maraming trabaho na pangangasiwa sa mga trabahador at masigurong magamit nila ang mga kagamitan ng tama, maglutas sa anumang di-inaasahang mga problema na dumating upang ang trabaho ay magpatuloy ng normal, magbigay ng sapat na bagong materyales at masigurong magamit ito ng makatwiran, at pagsusuri sa mga alituntunin ng kaligtasan. Bukod pa, ang mga manggagawa ay magtatanong sa akin tuwi-tuwi kapag mayroon silang mga problema sapagkat tanging ako lamang ang pamilyar sa mga hinihingi ng aming yunit, at kailangan kong ipaliwanag ang mga ito sa kanila. … Malinaw sa kamalayan ko ang dami ng gawin para sa proyektong ito. Ngunit alam ko ring na mahalaga na maibahagi ko ang aking karanasan sa pakikipagpalitang pulong at magpatotoo tungkol sa Diyos sa mas marami pang mga kapatid. Hindi ko dapat maisawalang-bahala ang pagtupad ng aking tungkulin dahil sa aking trabaho. Ngunit paano ko maisasagawa ang aking tungkulin ng maayos sa ilalim ng ganitong kalagayan? Ito ay isang problema.

Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos Nang Ako’y Umasa sa Kanya

Sa mga oras na iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.” Kaya nagmadali akong hanapin ang talata na ito ng mga salita ng Diyos, nagnanais na maunawaan ang higit pa sa kalooban ng Diyos. Nakita ko ang mga salitang ito, “Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”). Ginabayan ako ng mga salita ng Diyos, na nagagawa akong mas higit pa na makasiguro na dapat kong ipagkatiwala ang aking tungkulin sa Kanya sapagkat Siya ay gumagawa ng sobrang bilis. Alam ko na dapat kong piliin na pasiyahan Siya muna.

Bukod dito, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Mas hinihingi sa iyo ang pakikipagtulungan sa paglilingkod sa Diyos, mas maraming karanasan ang iyong makakamit. Dahil nagdadala ka ng mas maraming pasanin at mas marami kang nararanasan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataon upang maperpekto. Samakatuwid, kung mapaglilingkuran mo ang Diyos nang taos-puso, mas isasaisip mo ang pasanin ng Diyos, at sa ganitong paraan magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataon upang maperpekto ng Diyos. Ang ganitong pangkat ng mga tao ay pineperpekto na sa panahong ito. … Kung hindi ka naghahanap ng mga pagkakataon upang maperpekto ng Diyos, kung hindi ka magpunyaging hanapin ang iyong pagkakataon upang maperpekto, kung gayon mapupuno ka ng pagdadalang-sisi sa bandang huli. Ngayon ang pinakamainam na pagkakataon upang maperpekto—ito ang pinakamainam na panahon. Kung hindi ka marubdob na nagnanais ng pagpeperpekto ng Diyos, matapos na magwakas ang gawain ng Diyos, magiging masyadong huli na—mawawala na sa iyo ang pagkakataong ito. Gaano man kadakila ang iyong mga hinahangad, kung ang Diyos ay hindi na gumaganap ng gawain, kahit na ano pang pagsisikap ang iyong gawin, hindi ka na kailanman mapeperpekto. Kailangan mong samantalahin ang pagkakataong ito at makipagtulungan sa pamamagitan ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu. Kung makawala sa iyo ang pagkakataong ito, hindi ka na mabibigyan ng isa pa, kahit na ano pang pagsisikap ang iyong gawin(“Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto”).

Mula sa mga salita ng Diyos, naramdaman ko ang pag-ibig ng Diyos para sa akin. Binibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon upang makipagtulungan sa Kanya ng praktikal. Ngayon ang mga panahon na kung saan ay ginagawa ng Diyos ang gawain ng mga huling araw at ang gintong oportunidad para sa atin na makamit ang katotohanan sa pakikipagtulungan sa Kanya at pagsukli sa Kanyang pag-ibig. Ang ganitong pagkakataon ay hindi magtatagal. Kung palalampasin ko ang gintong oportunidad na ito, hindi ako matatamo ng Diyos. Naalala ko nang naniniwala ako sa Panginoon sa relihiyosong konteksto. Ako ay naguguluhan sa maraming mga katanungan at palaging natataranta. Ngunit mula noon, niligtas ako ng Makapangyarihang Diyos ng Kanyang malinaw na mga turo. Pinagkalooban Niya ako ng masaganang buhay, binigay sa akin ang bihirang oportunidad na maunawaan ang katotohanan, at pinakitaan ng tunay na daan ng buhay. Kailangan kong magpatotoo sa Kanyang pagliligtas sa akin sa pakikipagpalitang pulong, na kung saan isang trabaho na ipinakatiwala Niya sa akin, hindi sa iba. Ang pagsasagawa ng aking tungkulin ng tapat ay nangangahulugang ang pagtayong patotoo; ang pagkabigo sa pagsasagawa ng aking tungkulin ay katumbas ng pagkawala ng testimonya. Sa oras na iyon, alam kong malinaw sa aking puso na ako ay nasa parte ng espiritwal na labanan. Ang Diyos ay tumitingin sa akin, kaya dapat hindi ko Siya biguin. Naisip ko: “Sa habang buhay ko, gagawin ko ang aking makakaya upang isagawa ang aking tungkulin ng maayos sa bawat kapaligiran na inihanda Niya para sa akin. Maaari kong ibaba o tanggihan na gawin ang kahit na ano maliban sa aking tungkulin, na kung saan ay may prinsipyong pag-uugali ng lahat ng mga Kristiyano.” Samakatuwid, nalutas ko na dumalo sa pakikipagpalitang pulong ano man ang mangyayari. Gayunpaman, hindi ko pa rin alam kung paano malutas ang mga praktikal na problema sa aking trabaho. Kung kaya’t, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at ang sipi ng mga salita ng Diyos ay higit na nakatulong sa akin.

Sabi ng Diyos, “Kung saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano magaganap ang mga ito(“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”).

Ang mga salita ng diyos ay nagpaintindi sa akin na hindi natin mahuhulaan ang kahit na ano o mas higit na makontrol kung paano ito mangyayari o magaganap. Tanging ang Diyos ang makakapag-desisyon at ang makaka-kontrol sa lahat ng bagay. Ang mga bunga ng ating trabaho ay hindi nakadepende sa mga pagsisikap ng kahit sino. Hindi natin dapat ibigay ang pagkilala sa kahit na sino para sa tagumpay ng isang proyekto. Kung ang isa man ay masugatan habang ginagawa ang proyekto at kung ang proyekto ay magagawang maayos ay hindi nakadepende sa ating mga preparasyon. Sa kabaligtaran, ang lahat ng bagay ay pinagpa-pasyahan ng Diyos. Ang aking magagawa ay gawin ang lahat ng bagay sa abot ng aking makakaya. Ang higit pa, kung ang aming kumpanya ay kikita ng pera, kung ang mga tao ay gustong bilhin ang aming produkto, at kung ang aming kumpanya ay mapatakbo ng maayos ay lahat pinagpapasyahan ng Diyos. Kaya dapat akong maniwala sa Kanyang soberanya at sundin ang kung ano ang isinaayos Niya para sa akin. Ito ang dapat gawin ng matalinong tao.

Naalala ko na sinabi ng Diyos, “Dapat gumamit ang isang tao ng karunungan sa bawat aspeto at gumamit ng karunungan sa paglakad sa Aking perpektong daan. Ang mga kumikilos sa pamamagitan ng Aking salita ang pinakamarunong sa lahat at ang mga kumikilos alinsunod sa Aking salita ang pinaka-masunurin” (“Kabanata 49”). Kaya sinimulan kong ikunsidera kung paano malulutas ang aking problema. Sa aming yunit, kapag ang trabahador ay may kailangang gawin na importante sa labas ng trabaho, pumupunta sila sa ospital at sinasabi sa doktor na sila ay maysakit, at pagkatapos ay hihingin nila sa doktor na sumulat ng dalawang-araw na pagliban sa trabaho. At pagkatapos ay sasabihin nila sa kanilang mga kasamahan, “Tingnan mo! maysakit ako. Pinayagan ako ng doktor na magpahinga ng dalawang araw.” Sa ganitong paraan, hindi na nila kailangan pang pumasok sa trabaho. Ngunit kapag ginawa ko ito, hindi ako basta-basta na makakahanap ng tao na magrerelyebo sa akin. Kahit na makahanap ako, kailangan niyang magtrabaho ng 24 oras ng walang pahinga, na kung saan ay magpapapagod sa kanya. Bukod dito, hindi ko gustong magsinungaling. Sinabi ko sa aking sarili, “Hindi. hindi yon mabuti.” Pagkatapos ay naisip ko: “Paano kaya kung magpatuloy na magtrabaho pagkatapos ng pagdalo sa pulong?” Ngunit hindi ito aakma. Lahat ng mga miyembro ay mga baguhan. Hindi pa sila nakakarating sa lugar ng aming trabaho at hindi sila pamilyar sa maraming mga bagay. Hindi ko gustong isipin ang senaryo na ang labing-siyam na baguhan ay naghihintay sa akin sa loob ng tatlong oras sa hindi pamilyar na pagawaan. kahit na hindi ako makapag-isip ng mabisang solusyon, dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, ako ay handang umasa sa Diyos at hintayin Siya na maghanda at ilantad ang pinakamabisang solusyon sa akin.

Sa isang kisap, dumating na ang ika-23 ng Abril. Nang umaga, habang isinasagawa ko ang aking espiritwal na debosyon, nakinig ako sa dalawang mga himno: “Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos” at “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos,” na kung saaan ang liriko ay lubhang nagpasigla sa akin: “Ngayong nagpasiya na ako na mahalin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang wakas. … Kung mahal ko ang Diyos, dapat akong magdusa upang Siya’y patotohanan. Dahil nakapagpasiya na akong mahalin ang Diyos, dapat kong ilaan ang sarili ko sa Kanya. Handa akong magdusa ng anuman upang maaliw ang puso ng Diyos. …” Nadadala ng mga lirikong ito, nais kong balikatin ang aking responsibilidad sa tungkulin na ibinigay ng Diyos sa akin at magpatotoo sa Kanya sa mas maraming mga tao sa pakikipagpalitang pulong. Ito ang nararapat kong gawin bilang isang nilikha at may ekspresyon ng pagmamahal sa Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “O, Diyos ko! alam kong ang sitwasyon na ito ay isinaayos Mo at inaasahan Mo na isasagawa ko ang katotohanan. Handa akong magpatotoo sa Iyo, ngunit hindi ako makaisip ng solusyon para sa aking problema sa trabaho. Diyos ko, nawa’y tulutan mo ako ng landas palabas. …” Nang habang ako’y nagdadasal, binigyan ako ng Diyos ng ideya, at hindi ko mapigilang mapabulalas, “maaari akong punta sa trabaho ng maaga at subukang ihanda lahat bago ang pakikipagpalitang pulong, at pagkatapos ay dadalo ako sa pulong at titignan kung paano ako gagabayan ng Diyos.”

Nang katanghalian, pumunta ako sa aking yunit at inorasan ng alas singko y media. Nanalangin ako sa Diyos ng tahimik sa aking puso, “Diyos ko, nais kong dumalo sa pakikipagpalitang pulong ng ating iglesia upang ako ay makatayong patotoo para sa Iyo. Ngayon narito ako sa trabaho, ngunit kailangan kong umalis ng alas otso kinse upang dumalo sa pulong, dahil nais kong sundin Kang una at alam ko ang lahat ay nasa Iyong mga kamay. Handa akong tanggapin ang kahit ano na mangyayari sa sitwasyong ito.” Kaya, nang alas sais, pumunta ako sa trabaho at ginawa ang paghahanda para sa panggabing rilyebo sa pangkat ng konstruksyon na mga pang-umagang rilyebo. Nang alas siete ng gabi, sinamahan ko ang pangkat ng konstruksyon na panggabing rilyebo, at ang lahat ng gawain ay naging maayos. Kadalasan, ilang mga di-inaasahang mga problema ang nagaganap habang nasa trabaho, na kung saan ay umaabot nang ilang oras para malutas. Ngunit walang problema sa mga oras na ito at ang lahat ay naging maayos. Ang mga trabahador sa pangkat ay nagsabi sa akin, “Mga propesyonal at experiensado kami. Maaari naming matapos ang proyektong pang walong-oras sa loob ng tatlong oras at hindi mo na kami kailangan pangasiwaan.” Matapos marinig ito, ako’y lubhang nagalak at nakaramdam na parte ito ng preparasyon ng Diyos. Nang alas otso bente-singko, umupo ako sa isang maliit na silid ng pagpupulong at dumalo sa pakikipagpalitang pulong ng aming iglesia tulad ng plano. Sa panahon ng buong pulong, inilagay kong buo ang aking sarili dito ng hindi naiistorbo. Ang proyekto ay naging maayos rin, ang mga mangagawa ay nagawang mabuti ang trabaho ng wala ang aking pangangasiwa, at ang mga makina ay maayos na umandar ng hindi nasisiraan. Sa isang salita, ang lahat ay naging maayos. At kahit na ang aking koneksyon sa internet ay mahina, lahat ng mga kapatid ay malinaw akong naririnig nang ibinahagi ko ang aking testimonya. Ang lahat ng ito ay kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Mula sa karanasang ito, naunawaan ko na ang Makapangyarihang Diyos ang namamalakad sa lahat ng nabubuhay at di-buhay na mga bagay. Pinuri ko ang Diyos sa kaibuturan ng aking puso.

Sa mga sumusunod na lampas tatlumpong-araw, mayroon pa ding banggaan sa pagitan ng aking trabaho at sa regular na pulong mula 8:30pm hanggang 11:30pm tuwing Miyerkules at linggo. Alam ko ang kaparehong pamamaraan ay mailapat upang hayaan akong makadalo sa mga regular na pagpupulong. Siyempre, naramdaman kong mas madali matapos iyon sapagkat nakita ko ang awtoridad ng Diyos sa aking praktikal na karanasan at natanto na ang lahat ng bagay ay gumagalaw ng normal sa loob ng Kanyang orkestrasyon. Walang mahirap sa presensya ng Diyos. Ang kinakailangan kong gawin ay sumunod sa pagsasaayos ng Diyos at umasa sa Kanya upang matupad ang aking tungkulin.

Ngayon, mayroon na akong mas higit na pananalig sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko at hindi na ako nag-aalala tungkol sa anuman dahil alam ko na inuutusan ng Diyos ang lahat ng bagay at nakita ko ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng praktikal na mga karanasan na ito. Salamat sa Diyos sa pagsasaayos ng mga pangyayaring ito para sa akin ngayong buwan. Inaasahan ko na maaari pa akong makaranas ng higit at magkaroon ng mas higit na kaalaman tungkol sa Kanya, at matamo ang pag-ibig sa Kanya at pasiyahan Siya. Amen!

Mag-iwan ng Tugon